F

2.3K 103 43
                                    

Fresh start...

Magkikita kami ngayon ni Althea dahil na rin sa hiling niya na kahit ngayon lang daw ay pakinggan ko siya. Pagod na din naman ako sa mga ginagawa kong pag iiwas sa kanya kaya naman panahon na siguro para harapin ko siya.  Sa dating condo namin kami magkikita now buti nalang at wala nang nagrenta dun kaya naman papunta na ako doon. Nang nagring ang cellphone ko at hindi nakarehistro ang number na tumatawag sa akin. Sinagot ko ito.

"Hello, sino to?" Tanong ko.

"Jade si Althea to." Sagot niya sa kabilang linya.

"Althea, papunta na ako ngayon", sagot ko.

"Sige Jade, nandito lang ako sa may parking space. Sabay nalang tayo paakyat sa taas." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko sa kanya.

Nandito na ako sa parking space at di kalayuan ay nakita ko ang kotse ni Althea na nakapark sa may tagong bahagi. Lumabas siya at ang lakas nang kaba nang dibdib ko ngayon. Kakaibang Althea ang nakikita ko now. Bakit mas lalo siyang gwapo now at ang mga ngiti niya. Namimiss ko ang mga ngiting yan.

"Hi." Bati niya sa akin habang hinalikan ako sa pisngi.

"Hello." Bati ko din sa kanya. "Tara ana?" Dagdag ko.

Sabay kaming pumasok sa loob nang elevator, mabuti nalang at wala kaming nakasabay na iba dahil kung meron baka magtataka kung bakit magkasama kaming dalawa.

"Jade, salamat nga pala at pinagbigyan mo ang kahilingan ko." Sabi niya sa akin.

"Wala yun. Panahon na din siguro para harapin natin ang isa't isa." Sagot ko sa kanya. Tamang tama naman at nakarating na kami sa 20th floor. Naglakad kami papunta sa unit namin. Nang madaanan ko ang hallway ay nagbalik lahat sa akin ang ala ala nang nakaraan. Sa mismong lugar na ito ako naghahabol kay Althea at sa mismong lugar na ito din nawasak ang puso ko.

"Jade, okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang ako, may naalala lang ako." Sagot ko sa kanya.

Nasa harapan na kami nang unit namin at binuksan ko ito.

"Pasok ka." Sabi ko sa kanya.

Pumasok siya sa loob at umupo sa may sofa habang naka upo din ako kaharap niya.

"Jade." Sabi niya habang tinititigan ako.

"Sabihin mo na Althea kung ano yung gusto mong sabihin sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Sorry." Sabi niya.

"Tama nang pagsosorry Althea tapos na yun eh. Kahit ilang beses ka pang magsorry hindi mo na maibabalik ang damage na dulot mo noon." Sabi ko habang tinititigan ko siya.

"Alam ko naman Jade na nasaktan kita eh. Pero sana paniwalaan mo ako na kaya ko yun ginawa ay dahil pinagbawalan ako nang presidente eh." Paliwanag niya.

"Ano nanaman yang kwento mo Althea. Huwag ka nang mandamay nang ibang tao kasi." Sabi ko habang pinipigilan ko ang inis.

"Jade, nagsasabi ako nang totoo. Binantaan ako na kung hindi ko puputulin kong ano man ang meron tayo ay pareho tayong babagsak at ayokong mangyari yun." Sabi niya.

"Sa tingin mo ba paniniwalaan kita Althea? Akala ko ba may matino kang sasabihin ngayon. Pero dinagdagan mo lang ang galit at inis na naramdaman ko sa'yo alam mo ba yun?" Galit kong sabi.

"Jade, please paniwalaan mo ako. Nagsasabi ako nang totoo." Sabi niya habang umiiyak.

"Okay kung nagsasabi ka nang totoo paano nalaman nang presidente ang tungkol sa atin? Diba ingat na ingat tayo noon?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam Jade, ang sabi lang niya may nakakita sa atin dito at mula noon ay pinasubaybayan niya raw tayo at naconfirm daw niya na tama ang info na nariceive niya." Paliwanag ni Althea.

Naramdaman kong nagsasabi nang totoo si Althea, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Ang tagal nang panahon mula noong huli ko siyang nayakap at ngayong kayakap ko na siya isa lang ang napatunayan ko sa sarili ko. Kahit kailan hindi pala nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Siya pa rin pala talaga ang hinahanap nang puso ko. Pareho kaming umiiyak ngayon. Nakayakap din siya sa akin nang mahigpit. Walang may gustong bumitaw sa amin. Dahil kagaya ko ay ramdam kong nanananbik din si Althea na yakapin ako. Kagaya ko ay mahal na mahal din niya ako at ramdam ko yun.

"Althea tahan na." Sabi ko sa kanya.

"Naniniwala ka naba sa akin Jade?" Tanong niya habang umiiyak.

"Oo Althea, naniniwala ako sa'yo. Patawad kung nasaktan kita noon. Patawad kung kinamumuhian kita noon." Sabi ko sa kanya.

"Patawad din Jade dahil nilihim ko ito sa'yo. Sana pala noon sinabi ko na sa'yo ang totoo, hindi sana tayo nagkaganito." Sabi niya.

"Althea, huli na para pagsisihan ang lahat nangyari na yun eh. Pero hindi pa huli para magsimula tayong muli." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Totoo ba tong narinig ko Jade? Gusto mong magsimula tayong muli?" Tanong niya sa akin.

"Oo Althea, totoo ang narinig mo." Sagot ko sa kanya.

"Pero paano ang management Jade? Alam natin  pareho na madami silang mata." Sabi niya.

"Diba naitago natin ang relasyon natin noon nang tatlong taon, kaya natin yan ngayon Althea basta doblehin lang natin ang pag iingat natin ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Salamat Jade, salamat at binigyan mo ako nang isa pang pagkakataon ngayon." Sabi ni Althea habang hinahawakan niya ang mukha ko.

"Mahal na mahal kita Althea." Sa wakas nasabi ko rin sa kanya at bumuhos ang mga luha ko nang bigkasin ko ang mga katagang iyon.

"Mahal na mahal din kita Jade, simula noon ikaw lang ang pinipintig nitong puso ko." Sagot niya habang  nakatitig siya sa akin.

Hinalikan ko siya sa labi at sa mga oras na nagdampi ang labi naming dalawa pakiramdam ko lahat nang sakit at poot na dinadala ko sa loob nang mahabang panahon ay bigla nalang nawala. Sa isang halik lang lahat nang pagmamahal ko sa kanya noon ay bigla nalang tumubo. Hindi pala talaga nawala ang pagmamahal kong iyon. Akala ko ay nawala na pero ramdam ko ngayon na buhay na buhay ulit ito.

"I love you Jade." Sabi ni Althea nang magkahiwalay na ang mga labi namin.

"I love you too Althea. I love you more than you know." Sagot ko sa kanya.

At pagkatapos nang drama namin ay umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay. Dala ang ngiti at bagong pag asa para sa aming dalawa. Alam ko may mga pagsubok pang darating sa amin kaya naman simula ngayon ay tatatagan ko na ang sarili ko para sa akin at para kay Althea. Hindi pweding mahina ako kasi yon ang ikakapanalo nila. Napaghiwalay na nila kami noon at hinding hindi ko na papayagang paghiwalayin ulit nila kami ngayon.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon