B

3.7K 115 12
                                    

Broken...

Hanggang ngayon sariwa pa din sa isipan ko ang pakikipagbreak ni Althea sa akin. Labis akong nasasaktan sa ginawa niya pero bakit hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Ilang taon na bang wala nang kami? Dalawang taon na pala at siya masaya na siya sa piling nang iba samantalang ako nagdurusa pa din.

"Jade, nakatunganga na naman diyan." Sabi ni Sally sa akin.

"Sal, masaya na siya sa piling nang iba. Samantalang ako baliw na baliw pa din sa kanya." Sagot ko kay Sally.

"Sino ba naman kasi ang nag-utos sa'yong magpakabaliw ka sa kanya hanggang ngayon Jade. Ikaw lang naman ang naglagay sa sarili mo diyan sa kinalalagyan mo ngayon." Pahayag niya.

"Sal, anong magagawa ko? Siya pa din ang hinahanap nang puso't isipan ko eh. Lintik na puso naman kasi to eh. Hindi man lang nakuhang tumibok para sa iba." Nakasimangot kong sabi.

"Ewan ko sayo. Sisihin mo yang utak mo Jade, huwag yang puso mo. Kaya nga nasa itaas nakalagay ang utak diba? Kasi dapat gamit gamit din nang utak minsan huwag puro puso." Dagdag pa niya.

"Kaibigan talaga kita Sal, kasi hindi mo man lang ako kinocomfort eh." Pagtatampo kong sabi sa kanya.

"Naman! Bakit ano bang gusto mong gawin ko? Yung sabayan yang kadramahan mo? Jade, huwag ka nang dumagdag, masyado na ngang madrama ang buhay ko kotang kota na ako Jade, kung alam mo lang." Sabi niya habang nakangiti sa akin.

Kahit kailan hindi talaga nawalan ng paraan si Sally para mapangiti ako. "Madrama pala ako Sal?" Tanong ko sa kanya.

"Yung totoo Jade?" Sabi niya.

Tumango lang ako.

"Medyo,pero alam kong normal lang yan sa mga taong sawi." Sagot niya habang nakangiti.

"Sige pa,idiin mo pa Sal. Para naman damang dama ko diba." Sagot ko sa kanya habang nakangiti din.

"Jade, sino nga pala partner mo sa darating na anniversary night nang network natin?" Tanong niya sa akin.

"Si David Sal." Sagot ko sa kanya.

"David? Yung tsinoy na ex-bf ni Rhian?" Nakakunot niyang tanong.

Tumango lang ako sa kanya.

"Jade naman, pati ba naman ikaw gagamitin mo din si David? Kotang kota na din yung taong yun sa mga babaeng ginawa lang siyang panakip butas eh." Sabi niya.

"Sally, party partner ko lang siya. Kung makapagsalita ka naman diyan para namang jojowain ko yung tao eh." Pagrereklamo ko sa kanya.

"Sorry, nabigla lang ako eh." Sagot niya. "Pero Jade, alam ko bang yung David na British din ang partner ni Althea sa party?" Dagdag niya.

"Wala akong paki alam kong sino man magiging partner niya." Nakasimangot kong sabi.

"Ay sus! Huwag ako ui! Wala daw paki alam pero nakasimangot." Sabi niya.

"Sally, alam mo namang mas pogi pa si Althea kesa sa David na yun eh." Sagot ko sa kanya.

"Jade, para sa'yo mas pogi pa si Althea dun. Pero isipin mo hindi alam nang publiko na lesbian si Althea kaya sa mata nang karamihan perfect couple sila." Paliwanag ni Sally.

"Eh di sila na ang perfect couple." Sagot ko.

"Jade I'm sorry. Gusto ko lang naman kasing ipamukha sa'yo na kailangan mo nang bitawan si Althea, kas, ikaw matagal ka na niyang binitawan Jade." Sabi ni Sally na may lungkot sa mukha niya.

"Huwag kanang magsorry Sal. Alam ko naman yun eh. Siguro nga tama ka. Kailangan ko na siyang bitawan." Sagot ko sa kanya.

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Basta Jade andito lang ako ha?" Sabi niya. Tumango lang ako sa kanya.

Dumating na ang gabi kung saan gaganapin na ang party. Kasama ko si David ngayon at ang gentleman niya tonight. Nakaupo kami nang mga kasamahan ko sa isang talk show at di kalayuan sa table namin ay nakaupo naman sina Althea at ang mga kasamahan niya sa teleserye.

"So Jade, si David na ba talaga ang guy na ipapakilala mong boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Lovi.

"Friend ko lang si David." Sagot ko sa kanya.

"Friend mo pa lang sa ngayon. Pero who knows pagdating nang panahon eh, more than friendship na ang mamumuo sa inyo." Dagdag naman ni Sos.

"Career muna ang priority ko sa ngayon guys." Sagot ko sa kanila habang nakangiti. Sa totoo lang kanina ko pa gustong umiyak. Kasi nakikita kong sobrang sweet ni Althea at David.

Binulongan ako ni David.

"Jade okay ka lang?" Sabi niya.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Nagpatuloy ang party at  halos lahat nang actors and actresses ay pumunta sa gitna ng dance floor para sumayaw. Nagpaiwan ako sa table namin samantalang dinala naman ni Lovi at Sos si David para sumayaw. Tumayo ako at kumuha pa nang isa pang drink. At nagpunta ako kung saan konti lang ang tao. Gusto ko kasing lumanghap nang hangin kasi feeling ko anytime sasabog na ako.

Dito lang ako sa may rooftop nakatingin sa taas. Ang gandang pagmasdan nang mga bituin sa langit. Sabi ko sa isip ko.

"Bakit nag iisa ka dito? Nasaan ang kadate mo?" Biglang kong narinig na may nagsasalita sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay si Althea pala.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay pinagmasdan ko lang siya habang papalapit siya sa akin. Nang makalapit na siya ay kinuha niya ang drink na nasa kamay ko.

"Kanina ka pa umiinom Jade." Sabi niya.

"Ano bang paki alam mo?" Sagot ko sa kanya.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa din sa akin?" Dagdag niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sa tingin mo? Wala bang dahilan para hindi ako magalit sayo?" Sagot ko habang pinipigilan ko ang mga luha ko.

"Jade, matagal na yon. Di ba pweding kalimutan nalang natin kung ano man ang meron tayo noon?" Dagdag niyang sabi.

"Kalimutan? Bakit Althea? Ganun lang ba ako kadali mong kalimutan?" Sagot ko. Pero this time hindi ko na napigil ang mga luha ko.

"Jade, I'm so sorry. Baliw lang talaga akong tao." Sagot niya.

"Iwanan mo na nga ako dito." Sagot ko sa kanya.

"Paano kita iiwanan dito knowing na lasing kana Jade." Sabi niya habang tinititigan ako.

"Bakit Althea? Concern ka ba sa akin? O baka naman nakukunsensya ka lang." Sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"Jade tama na please. Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo muli eh." Sabi niya.

"Sana inisip mo yan bago mo ko sinaktan noon. Isa lang ang masasabi ko sa'yo Althea. Wala kanang puwang sa puso ko. Kahit na ang kaibiganin ako ay hindi ko kayang maibigay sa'yo. Dahil sa totoo lang kinamumuhian ko ang araw na nakilala kita." Sagot ko sa kanya habang naglakad ako palayo sa kanya.

"Jade!" Tawag niya sa akin. Pero hindi ko na siyang pinagka abalahang lingunin. Nagtungo ako sa parking lot at tinawagan ko nalang si David na mauna na akong umuwi sa kanya. Nagdahilan nalang akong masama ang pakiramdam ko.

Perfect Chemistry (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon