Challenges...
"Althea, malungkot ka nanaman diyan." Puna sa akin ni Bachi.
"Iniisip ko lang Tsong kung ano kaya nangyayari sa amin ni Jade ngayon. Kung sana ipinaglaban ko siya." Sagot ko sa kanya.
"Tsong, siguro naman maiintindihan ni Jade ang rason mo pagdating nang panahon." Sabi niya.
"Sana nga Tsong maiintindihan niya. Yung mga oras na yun lang kasi ang nakikita kong tamang panahon para hiwalayan siya." Sagot ko sa kanya.
"Nasasaktan ako Tsong. Lalo na kapag naiimagine ko ang mga pag iyak niya and the way siya nagmamaka-awa sa akin na hindi ko siya iiwan. Naalala ko pa ang pagtawag niya sa akin Tsong." Dagdag ko.
"Tsong, hindi naman kasi pweding baliwalain mo ang warning sa'yo nang management niyo eh. Kasi career niyo pareho ang babagsak." Sabi ni Bachi sa akin.
"Yun, nga Tsong eh. Kahit anong ingat namin sa relasyon namin Tsong may mga tao pa rin palang handang gawin ang lahat para lang makakuha nang impormasyon tungkol sa amin." Sagot ko sa kanya.
Noong launching kasi nang movie na pinagbibidahan namin ni Jade ay may mga bali-balita na tungkol sa amin. At kahit gaano kami ka ingat dalawa may isang tao pa lang nagmamasid lage sa amin at nang natuklasan niya ang tinatago namin ni Jade ay isinumbong niya kami sa management. At dahil doon kinausap ako ng President na kung ano man ang meron kami ni Jade ay mas mabuti pa daw na putulin ko na ito. Habang wala pang ibang nakakaalam dahil kong hindi ay pareho kaming babagsak.
"Tsong okay ka lang?" Tanong sa akin ni Bachi.
Tumango lang ako sa kanya.
"Tsong alam mo ba noong party gustong gusto ko nang yakapin si Jade at sabihin sa kanya lahat." Dagdag kong sabi.
"Tapos bakit dimo ginawa?" Sagot niya.
"Natakot ako Tsong baka sasabihin niya na naghahanap lang ako nang dahilan para maiwasan ko ang kaduwagan ko eh." Sagot ko sa kanya.
"Panindigan mo nalang kong ano man ang tingin niya sayo ngayon Tsong. Hayaan mo muna siyang magalit sa'yo, basta ang importante iangat mo muna ang career mo tapos mag ipon ka para pagdating nang panahon pwedi niyo na iwan ang showbis." Dagdag niya.
May punto si Bachi sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. "Tama ka Tsong, isipin ko muna sarili ko ngayon at kapag okay na ang lahat babalikan ko si Jade." Sagot ko kay Bachi.
"Tama yan Tsong. Kahit isipin niyang wala kang paninindigan tanggapin mo nalang ang importante ginawa mo yan para sa inyung dalawa." Sabi niya.
Sana nga lang pagdating nang panahon ay wala pa akong kapalit sa puso ni Jade sana pagdating nang panahon na iyon ay ako pa din ang mahal niya.
Tumunog ang cellphone ko at nakita kong ang manager ko ang tumatawag. Sinagot ko ito.
"Hello, napakatawag ka Sir Val?" Tanong ko.
"Althea may propose project ka isa itong indie film." Sabi niya.
"Okay po tapos may problem po ba"? Tanong ko.
"Meron, kasi kapag tatanggapin nang kampo ni Jade eh, makakasama mo siya sa movie na ito." Dagdag niya.
Hindi ako nagsalita agad. Napangiti ako sa mga naririnig ko. "Wala naman pong problema sa akin kung makakasama ko si Jade." Sagot ko sa kanya.
"Good, kasi ayokong maapektuhan ang career mo sa personal na problema ninyong dalawa. Actors kayo kaya ipakita niyo ang galing niyo sa pag arte this time." Sabi niya. At pinatay na niya ang tawag.
Tatanggapin kaya nang kampo ni Jade ang trabahong ito? Sana lang tanggapin nila. Matagal na din simula noong huli kaming nagsama sa iisang movie.
Umalis ko sa condo ko at pumunta ako sa favorite place namin ni Jade noon. Suot ko ang pang disguise ko habang nasa loob ako nang sasakyan ay pina andar ko ang radio ng sasakyan.
Naghahanap ako nang magandang kanta nang marinig ko ang isang balita.
"Sa tagal nang panahon na hindi natin nakikita ang dalawang actress na ito na nagsama sa iisang movie may mga bali-balita tayong nasasagap ngayon na may posibilidad na magsasama daw sila sa isang indie film. At para iconfirm ang balitang iyan nasa linya po natin si Miss Jade Tanchingco." Sabi nang dj sa radio. Nilakasan ko ang volume para marinig ko ang sasabihin ni Jade.
"Magandang araw po Miss Tanchingco." Bati nang dj.
"Magandang araw din sa'yo dj Rock." Sabi ni Jade.
"Jade, may naririnig kaming bali-balita na maari daw kayong magkatrabahong muli ni Miss Guevarra sa isang indie film. Totoo po ba ito?" Tanong nang dj.
"As of now. Hinihintay nalang namin ang kampo ni Althea kung tatanggapin ba nila ang offer na to." Sagot niya.
"So Jade, sa kampo mo tinatanggap niyo na ang project?" Tanong nang dj.
"Yes! Wala naman kasing dahilan para iturn down namin ang project eh. Isa pa magkatrabaho naman kami dati ni Althea so for me walang rason para hindi tanggapin." Sagot niya.
"Wow! So makikita naba namin ang tambalang Jathea sa big screen sa mga susunod na buwan?" Tanong ulit ng dj.
"Let's wait and see po. Wala po akong masasabi for now kundi mag antay nalang po tayo." Polite niyang sagot.
"Jade, madami kasi ang nagtatanong sa akin about what happened sa inyong dalawa dahil napapansin kasi nang mga fans niyo na may awkwardness daw na namamagitan sa inyo last time sa anniversary party. Since kausap na po kita ngayon susulitin ko na ang pgkakataong ito." Sabi ulit nang dj.
"Regarding that matter siguro nakikita nila na magkalayo kami, which is true naman po. Kasi kasama ko sa table ko ang mga girls na kasamahan ko sa talkshow while kasama din niya ang mga kasamahan niya sa teleserye. Paliwanag niya dito.
"So wala pong awkwardness na nangyayari sa inyong dalawa Jade?" Tanong ng dj.
"Wala naman po. Siguro na misinterpret lang nila ang mga nakikita nila." Dagdag niya.
"Okay thank you so much Jade. Guys naririnig niyo yon. Wala pong awkwardness na namamagitan sa kanila ni Althea kaya kayo diyan huwag na kayong paranoid." Sabi ng dj.
Pinatay ko na ang radio. Nasaktan ako kasi kailangan pang magsinungaling si Jade para lang takpan ang mga sarili namin. Hay Althea bakit ba napakaduwag mo. Sisi ko sa sarili ko. Kung sana pinaglaban mo siya noon. Siguro masaya na kayo ngayon.
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry (gxg) COMPLETED
RomanceTrue love is selfless. It is prepared to sacrifice.