Jaxx
Pack up...
"Jaxx! Ano na? Sasama ka ba?" tanong ng drummer namin na si Drake sa rock band namin na Overdrive.
"Pass. Matutulog na lang ako." Sagot ko.
"Sa lahat naman ng rakista, ikaw ang laging tulog. Sige bahala ka. As always, pagtatakpan ka na lang namin sa mga babae," sabi nito.
Bahala kayo. Hindi ba kayo nagsasawa?
Sigarilyo... Alak... Babae...
Kinuha ko ang gitara ko at sinuot ang hoodie para makatakas sa mga groupie na naghihintay na pansinin. Hindi naman ako snob. I had my fair share of kagaguhan lalo na nang bago pa lang ang banda. Halos gabi-gabi kaming lasing tapos may gig kinabukasan.
Nagkalat din ang drugs pero hindi ko minsan tinikaman. Sigarilyo? Dumaan na din ako sa ganyan. Tinigilan ko lang dahil masisira ang boses ko.
Musika ang gusto ko hindi ang bisyo. Iyon ang pinaglaban ko sa mga magulang ko at hindi ang mapariwara ang buhay. Sabi nga ni mommy, kung gusto mong kumanta, kumanta ka lang. Huwag kang magbisyo.
No'ng una, akala ko imposible ang sinasabi ni ermats. Paano ka tatanggi sa mga babae? Kung tatlo sila tapos ikaw isa lang. Eh 'di pikit mata na lang ako. Tapos alis ako kinabukasa ng walang lingon lingon.
Nagsimula ang Overdrive sa UP. Hindi pa si Drake ang drummer namin noon kung hindi si Blaze. Si gago tinalikuran ang banda totally.
"Kupal, san ka?" tanong ni London pagkasagot ko ng phone.
"Kakatapos lang ng gig. Tumatakas sa mga groupie," sagot ko. Umiwas ako sa hallway at dumaan sa exit na dinadaanan ng mga catering.
"Uwi kang Country Club?"
"Bakit?" tanong ko. "Putang... saan ba ako dadaan?" naiinis na tanong ko sa sarili.
Kahit saan maraming harang.Tumawa si London. "Hirap ng gwapo noh? Damang-dama ko dati yan," hirit ng gago.
"Oo na. Namo ka," sagot ko.
"Ano, uuwi ka nga?"
"Kelan ba?"
"Now na. May lakad ka ba bukas?"
Sumakay ako sa cart ng catering. Nakiusap na itago ako para makalabas sa parking area kung saan marami ring fans na nag-aabang.
"Jaxx...kupal."
"Sandali lang," sagot ko kay London.
Kulang na lang ay gumapang ako para lang hindi ako makita ng mga tao. Nakikinig si London sa kabilang line at ayaw ibaba ang tawag niya.
Nakita ako ng isang fan at nagsimula itong tumili kaya tumakbo na ako papasok sa kotse.
"Shit...shit...shit..." Sabi ko habang nagrereverse.
Mabuti at nakita ng mga guard na pinagkaguluhan ang kotse ko kaya hinawi nila ang mga fans para makadaan ako."Whew." Napabuga ako ng hininga ng makalabas ako sa parking.
"Buhay ka pa?" tanong ng gago.
"Pauwi na ako. Ano ba meron bakit nagyaya kayo?"
"Aalis na daw si V." biglang naging seryoso si London.
"Ows? Tangina, mamimiss ko ang rap session namin."
Isa sa pinakamasayang kasama si Violet. Lalo na kapag sumasama ako sa karera nila. Walang arte sa katawan ang babaeng iyon.
"Nasa Club Zero lang kami," sabi ni London bago patayin ang tawag niya.
Isa-isa ng nauubos ang mga kaibigan ko ah. Si Xykie, wala na, sasa Cordonia na. Si V, susunod na rin. Parang ako na lang ang walang syota ah! Delikado... baka iset-up ako ng mga gago.
Hating gabi na nang makarating ako sa Club Zero pero buhay pa rin sila.
"Jaxx-son." tawag sa akin ni Ralph. Lasing na ang 'to.
"Uy, bakit nandito ka?" tanong ko kay Mia.
"Weekend tomorrow," sagot niya.
"Kumusta ang pagtakas mo?" tanong ni Violet nang makita ako.
"Parang mission impossible lang kanina," kwelang sagot ko.
Nakipag fist bumb si V."Hiiiiiiiiii...." bati ng bagong dating. Napatingin ako sa kanila. Si Dakota, si Sky at si Margaux.
"'Yong mga power puff girls," biro ni London sa kanila. "Join us."
"Sureness London. Hi I'm Dakota," pagpapakilala ni Dakota sa sarili na parang hindi namin siya kilala.
Lahat naman sa kanya friends. Si Sky naman ay para kang nakipag-usap kay Summer sa kanya. Si Margaux... mahirap abutin si Margaux.
"Jolens," sagot ni Jolens at nakipagkamay kay Dakota.
"These are Sky and Margaux. Oh gosh, I like your tats," sabi ni Dakota.
"Koko...baka gusto nyong umupo. Kangawit kang tingnan para kang kapre sa taas," sabi ni Sakura kay Dakota. Umupo naman sila at naki-join sa amin. Para nga lang robot si Margaux na ilang na ilang.
Pinipigilan kong tumawa dahil si Mia at Margaux ay parehong umikot ang mga mata.
"Hey Jaxx... Bakit nandito ka? 'Di ba may gig kayo?" tanong ni Dakota.
Aware siya sa sched ko?"Magpapa-autograph ka ba?" biro ko sa kanya.
"Loko... bakit nga nandito ka?" pangungulit nito.
"Tumakas sa groupie." Si Mia ang sumagot.
"Langya! Bagong buhay ka?" tanong ni Dakota.
Updated? Chismosa itong babae na ito!
"Mga pangit kasi ang nakaabang kanina kaya tinakasan ko," sagot ko na ikinatawa nila maliban kay Margaux.
Tinaasan niya ako ng kilay.
Parang gusto kong pakantahin ng Stupid Love si V sa mga oras na ito. Jaxx, magmove on ka na. Tangina naman!
BINABASA MO ANG
Unplugged
RomanceSa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi ko mailagan ay IKAW. Ang hirap mong abutin. Parang ikaw ang bituin. Para kang apoy na mahirap hawaka...