Chapter 28- Saving Mia

8.1K 261 5
                                    

Margaux

Diyos ko... Sinulat ni Jaxx 'to para sa akin?

Kinakabahan ako ng lumapit siya sa akin... Lumuhod siya sa harapan ng stage at sa akin lang siya nakatingin.

I've found a reason to show
A side of me you didn't know
A reason for all that I do
And the reason is you

Hala, tumulo na ang luha ko.
"Nice..." Yun na lang ang nasabi ko. Na-shook ako. Ang daming tao. Nandito pa yata ang parents niya. Ang mga barkada niya.
"And the reason is you." Sabi niya sa akin.

Nagsisisigaw si Dakota sa likod ko. Kilig na kilig ako pero hindi ako makagalaw eh. How to react?

Kilig na kilig din si Maureen at Kimberly.
"Ang buhok mo, ang haba." Ang sabi ni Kimberly sa akin.
"Ewan ko na lang kapag hindi pa kayo naging mag-on, Ma'am Margaux." Sabi ni Maureen.

Hinintay ko sila Koko sa entrance para sa meet and greet. Si Star na sobrang ganda tonight, hindi maitago ang kilig.
"Ate Margaux... ang sweet ni Kuya Jaxx." Bungad agad ni Star sa akin.
"Shhh..." Pagbabawal ni Sky sa kanya.

"Dito tayo..." Hinila ko sila palayo sa mga tao. Dumaan kami sa ibang hallway para mapapabilis ang pagpunta sa meet and greet room.

Pinaupo namin si Star kasama ng iba pang nanghihintay. Nasa gilid kaming apat nila Sky, Koko at Yuan. Nagsigawan ang mga fans na nasa 100 or so ng pumasok ang Overdrive.

"Jaxx..." Nakisigaw si Koko.
"Ang hot mo beh." Sabi niya. Siniko siya ni Sky.
"Umayos ka nga." Sabi ni Sky sa kanya.

Mabuti at wala pang press... Mga fans ang inuna nila.

"Ate Mia..." Kawa ng ilang fans kay Mia.

"May fans ang lola mo." Bulong ni Dakota sa akin.
Siniko namin ni Sky si Koko. Makukuyog kami kapag narinig siya.

Si Jaxx panay tingin sa amin sabay ngingiti. Kailan ba ako huling kinilig ng ganito? Sa kanya lang talaga.

"Shit... Kinikilig talaga ako. Kapag hindi mo sinagot yang si Jaxx, pwede akin na lang?"
Isang makatanggal leeg na paghila sa buhok ang binigay ko kay Koko. Kerengkeng ka... Ex ng tropa mo, tataluhin mo.

Tumatawa si Koko na niyakap ako.
"Di ka mabiro... Grave ka." Sabi niya sa akin.

Ang daming tao... Nakapila ang mga fans para makapagpapirma ng merchandise sa Overdrive. Si Star, nakapila pa... pero parang may mali.

Tiningnan ko isa-isa ang mga fans. May isang babae na hindi nakangiti ang nakapila. Ahead ito kay Star sa pila... Bakit hindi siya masaya? Bukod tangi siyang hindi masaya.

"Ano po ang title ng last song kanina?" Tanong ng isang fan kay Jaxx.
"The Reason." Sagot ni Jaxx.
"Si Ate Mia ba ang nasa video?" Tanong pa ng isa.
"Hindi ah." Lakas ng tanggi ni Jaxx.
"Hindi ah." Sabay na tanggi ni Mia.

Yung babaeng hindi na masaya ang susunod na magpapapirma... May kinuha siya sa bag at hindi napansin nila Jaxx dahil nakayuko silang lahat at pumipirma.

Baril...

Naglabas ang babae ng isang baril at itututok niya sa gawi Mia.

"Mia..." Sigaw ko. Pero dahil medyo maingay ang paligid, hindi ako narinig ni Mia.

"Mia..." Tumakbo ako palapit kay Mia.
"Margaux!" Sigaw ni Sky at Koko.

"Mamatay ka na..." Sigaw ng babae. Yumakap ako kay Mia para maiatras sana siya.

Putok ng baril ang sumunod kong narinig. At iyon na ang huling kong natatandaan.

Jaxx

"Margaux!" Sigaw ni Sky at Koko.

Nagkagulo dahil sa putok ng baril.

"Margaux..." Sigaw ni Mia.

Napatingin ako sa gawi ni Mia. Si Margaux... Nakayakap siya kay Mia at puro dugo.Napatulala ako.

"Margaux..." Sigaw ni Mia.
"JAXX!" Tawag ni Mia.

Doon ako natauhan... Mabilis akong kumilos at inalalayan si Margaux. Wala siyang malay. Puro dugo ang damit niya.
"Margaux..." Inuga ko siya ng kaunti. "Margaux... gising..."

"Medic..." Sigaw ng mga kasama ko.

"Margaux... Ano ang nangyari?" Tanong ko kay Mia. Nakatulala si Mia sa dugo sa table.
"Put some pressure at her back. Itagilid mo siya ng kaunti." Sabi ng kasama nila Sky.
Tinagilid ko si Margaux at niyakap.

"Jaxx.... Shit, ano ang nangyari?" Tanong ni Brix.
"Medic... Bilis." Sabi ko.

Natatarantang tumakbo palabas si Brix.

"Margaux..." Bulong ko sa kanya. "Labs... Gising. Please. Gising ka na."

Dumating ang medical team at kinuha si Maragux sa pagkakayakap ko.
"Jaxx... bigay mo na si Margaux." Sabi ni Dakota.

Nanginginig ang buong katawan ko. Sinundan ko ang medical team palabas. Kasunod ko si Dakota at ang lalaking tumutulong sa akin kanina.

Sinakay agad sa ambulance si Margaux. Sumunod ako sa loob ng ambulance kahit pinapalabas ako.

"Susunod kami." Sabi ni Dakota sa akin bago isarado ang pintuan.

Namumutla na si Margaux ng tanggalin ng medical team ang damit niya. May tama siya ng bala sa likod at nauubusan siya ng dugo.

Margaux... gumising ka...

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon