Chapter 24- Overdue

8.2K 298 16
                                    

Margaux

"Ma'am Margaux." Tawag ni Maureen sa akin. Pumasok siya sa workshop namin at may dalang bouquet of white lilies. Different kind of lilies. Those lilies that I like.

Nahinto ako sa ginagawa ko ng ibigay sa akin ni Maureen ang bulaklak.

"Kanino galing?" I asked.
Tinuro ni Maureen ang maliit na card na hindi ko napansin.
"Waaahhh Madam... Kinikilig na agad ako." Sabi ni Kimberly.

Binuksan ko ang maliit na card.

Margaux,

I miss you

Jaxx

Binasa ni Maureen at Kimberly ang card at sabay tumili...

"My God...My God... Hihimatayin ako." Sabi ni Kimberly at maarteng hinimatay kunwari si bakla.
"Hindi pa pala tapos ang pagpapakilig niya..." Parang maglulupasay na din si Maureen.

Itinago ko ang ngiti ko sa pag-amoy kunwari ng mga bulaklak.

"Ano ang pakiramdam ng kinakantahan ng isang Jaxx Rivero?" Tanong ni Maureen sa akin.
"Kailan ako kinantahan ni Jaxx?" Maang-maangan ka Margaux.
"Juice kuh madam, kahapon ng itaas niya ang mukha mo at kantahin ang line na I think I love you better now. Nalaglag ang panty ko." Sabi ni Kimberly na nangangarap sa floor.
"Nakapanty ka?" Biro ko kay Kim.

"Hindi nga Ma'am. Ano pakiramdam ng kantahan ka ni Jaxx kahapon?" Seroyosong tanong ni Maureen.
Umupo sila ni Kimberly sa magkabilang tabi ko.
"Nakakakilig na nakaka-kaba." Sagot ko.

"Bakit kayo nagbreak? Mukha namang mahal mo pa si Jaxx at ganun din naman siya sa'yo. Minus mo na si Mia, minsan jojombagin ko na lang ang batang yun." Sabi ni Kim.

"Minsan kasi wala siya sa lugar kapag sumusulpot eh." Katwiran ni Kimberly ng titigan ko siya.

"Hindi naman nawala ang love ko kay Jaxx. Siya lang ang lalaking pinili ko at pinaglaban ko talaga. The rest, si lola lang ang namilit sa akin." Sagot ko.
"Bakit nga kayo naghiwalay?" Tanong ni Maureen.
"Dahil siguro mga bata pa kami noon. I saw him kissing someone. And it hurts, you know." Nawala ang mga ngiti ko.

"Baka gusto ka niyang balikan." Sabi ni Kim.
"Ewan ko. Ang gulo ng mga signal na binibigay ni Jaxx." Nailing ako.
"Malinaw naman na lagi ka niyang tinitingnan." Sagot ni Maureen.
"Aasa na naman ako?"
"Walang mawawa kung aasa ka." Sabi niya.
"Yung puso ko lang naman ang mawawala, di ba?!" Mahinang tanong ko.

Namili ako ng mga damit na babagay kay Star... Ang cute ni Star at ng problema niya. Kung sana ganun lang kasimple lahat ng problema.

Speaking of Star, bakit nagvivideo call sa akin si Blaze?

"Hello?"
Lumitaw ang mukha ni Blaze na tumatawa at mukhang tumatakbo.
"Margaux...papatayin ako ni Jaxx." Tumatawang sagot niya.
"Ha?"
"Papatayin ako ni Jaxx." Sagot ni Blaze.
Naririnig ko ang tawanan sa background.

"Oh ayan, sige mambato ka." Sabi ni Blaze at tinapat kay Jaxx ang phone na may hawak na monoblock. Mukha ngang babatuhin nito si Blaze.
"What's happening?" Tanong ko kay Jaxx.
"Ano? Kumalma ka!" Tumatawa pa rin si Blaze pero si Jaxx masama ang tingin sa kanya.

"Hello... hey..." Ano ba problema nila?
"Hi Margaux..." Sigaw nila Brix at Ryker.
Si Drake nakahiga sa stage at mukhang gumugulong sa tawa. Si Mia nakadukmo sa tuhod at tumatawa din.
"Jaxx? Ano ang nangyayari? Okay lang kayo?"
Kinuha ni Jaxx ang phone kay Blaze at lumayo sa kanila.
"Phone ko yan." Sigaw ni Blaze.

Mukhang bumaba si Jaxx ng stage at nahihilo ako sa galaw ng camera. Huminto si Jaxx at umupo sa isang upuan sa audience area.

"Okay lang kayo?" Tanong kokay Jaxx.
"Okay lang. Nambubwisit lang si Blaze." Sagot niya. Mukha siyang napikon talaga.
"Ano ba sinabi bakit sobra yatang napikon ka?" Usisa ko.

"Nareceive mo ang flowers?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Yes... they are beautiful. Thank you." Napangiti si Jaxx.
"So bakit mo hinahabol si Blaze?" Balik na tanong ko.
"Wala... nagkapikunan lang." Sagot niya.

"Text ko si Ryker, sige. Magsinungaling ka sa akin." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sabi niya kasi manliligaw daw siya sayo."

Natahimik ako bigla.

"Ha? Sino?"
"Si Blaze. Sira-ulong yun." Bulong ni Jaxx.
"Si Blaze?" I asked back.
Tumango si Jaxx.
"Manliligaw sa akin?" I asked again.
He rolled his eyes, then he nodded.
"At naniwala ka naman kay Blaze?"
Nagsalubong ang kilay ni Jaxx. Natawa ako ng malakas.

"Ano ang nakakatawa doon?" Naiinis na tanong ni Jaxx.
"Ikaw... Bakit ka kasi naniniwala ka kay Blaze?"
"Margaux... pagdating sa iyo, seryoso ako." Sabi niya.
Nawala ang tawa ko.

Huminga ng malalim si Jaxx.

"Huwag kang paasa Jaxx. Huwag kang pa-fall. May explanation ka pang utang sa akin. Over due na Jaxx." Sabi ko.

"I know... Hindi ko lang alam kung saan sisimulan mag-explain." Sagot niya.
Nangiti ako ng malungkot.

"Maybe, start on why I was not enough to you before?"

Hindi kumibo si Jaxx.

"Bukas na ang concert nyo. Pahinga kayo, lalo ka na Jaxx. See you tomorrow...Mag-iingat ka. Salamat ulit sa mga flowers." I ended the video call.

The can of worms is now open and I don't know if I can bear his answers.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon