Jaxx
"Naks, nakasmile ah," tukso na naman ni Brix pagkababa ko sa tawag ni Margaux.
"Si Margaux noh?" usisa nito.
"Luh... kinikilig si Jaxx." Tanginang Drake ito.
"Mga hayop kayo." Kahit murahin mo sila ng murahin, hindi ka titigilan ng mga animal.
"Jaxx, dapat may pasabog ka sa concert," sabat na naman ni Mia.
"Fireworks daw Jaxx," pang-aasar ni Ryker.
"Not that—" naka nguso na sagot ni Mia. "Remember that Back to December song? Chance mo na. Imagine, sa dami ng tao dito sa concert and you will sing a SORRY SONG for her. Jaxx, nagegets mo ba?" tanong ni Mia.
Nagegets ko Mia. Huwag kang maingay.
"Last song sa concert. Idadagdag natin. Kailangan ko ng tulong," sabi ko. An idea came out all of a sudden.
"Bagong kanta?" tanong ni Brix.
"Syempre. Si Jaxx pa," sagot ni Ryker.
Tangina, imbes na magpractice kami, binuo namin ang kanta. On the spot ang lyrics, si Mia ang nagsusulat ng mga sinasabi ko pati mga keys. Nagkalat ang music sheets sa stage.
Alas otso na ng matapos namin areglohin ang kanta. Magustuhan kaya ni Margaux?
"Pano Jaxx? Bukas ulit?" tanong ni Drake sa akin.
"Ikaw Mia, kanino ka sasabay?" tanong ko kay Mia.
"Nasa labas si Ralph," she replied.
Dinaanan ko ang ticket sa condo at naligo saglit bago ko tinawagan si Margaux. Past nine na, sana nasa bahay na siya.
"Hello."
The reason to start over new...and the reason is you.
Bigla kong naalala ang lyrics sa kanta na sinulat ko kanina.
"Kumain ka na ba?"
Natawa ng bahagya si Margaux. "Opo. Kumain na kami. Kasama ko si Dakota kanina."
"Sino ang kasama n'yo?" wala sa loob na tanong ko.
"Si Juancho," sagot niya.
"Sino si Juancho?" Napahinto ako sa may pintuan.
"'Yong friend ni Koko. You probably saw him during the fashion show," Margaux replied.
'Yong model na kausap nila?
"Ahhh... Nasa condo ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan.
"Yes. Kadadating ko lang," she replied.
"On the way na ako. Bibigya ko ang ticket sa iyo."
"Hindi ka ba pagod Jaxx? Maghapon kang nagpapractice."
"No. I'll be there in 15 minutes," sagot ko.
Juancho... Buwisit! Tanagina ka... Humanda ka sa akin!
Tinawagan ko si Sakura habang pababa ako.
"Problema mo?" tanong ni Sakura sa akin.
"Hanapin mo nga si Juancho."
"Sino 'yon?" tanong niya.
"Kaya nga pinapahanap sa iyo eh," naiinis na sagot ko.
"Ano apelyido?"
"Hindi ko alam," sagot ko.
"Anak ka ng tinola,paano ko hahanapin? Alam mo bang napakaraming Juancho sa mundo?" Naiinis na din na sagot ni Sakura.
BINABASA MO ANG
Unplugged
RomanceSa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi ko mailagan ay IKAW. Ang hirap mong abutin. Parang ikaw ang bituin. Para kang apoy na mahirap hawaka...