Chapter 31- Wreck of Bisaya

8.9K 306 23
                                    

Jaxx

Nagising ako sa hindi familiar na kwarto... Puti lahat ng paligid.

Si Margaux...

Napabalikwas ako ng bangon. Tulog pa si Dakota at Sky na nasa sofa. May mga kumot na nakapatong sa amin. Si Yuan, nakasilip sa bintana.

"Maraming media sa labas." Sabi ni Yuan.
"Si Margaux? May balita na ba? Anong oras na?" Sunod-sunod na tanong ko.

Tinuro ni Yuan ang isang paper bag na nasa table.
"Magpalit ka muna, bilin ni Maam Kaye. Pwede ka namang maligo din. Nasa ICU si Margaux. Under-observation daw sabi ni Maam Diane."

Naihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha.

Kinuha ko ang paper bag at nagpunta sa banyo. Naligo ako sandali at sinuot ang damit na binigay sa akin. Gising na si Sky at Dakota ng lumabas ako sa toilet. Mayroon na ding coffee at ilang bread sa table. Nakaupo na din sa tabi nila Koko si Chase at London.

"Okay ka lang, pre? Tanong ni Chase sa akin.
Tumango ako. "Si Star? Nakapila sya kagabi ng magkaputukan."
"Okay lang si Star. Gusto ngang sumama para makita si Margaux. Kapag nalipat na lang sa private room si Margaux, saka ko na siya papupuntahin." Sagot ni Chase.

Inabot ni London ang wallet at cellphone ko sa akin.
"Pinapaabot ng kabanda mo kagabi. Nakalimutan ko namang ibigay sa iyo. Chinanrge ko na ang cellphone mo." Sabi ni London.

Ang daming miscalls... Lahat ng messages nagtatanong kung ano ang nangyari kay Margaux. Mga media...

Nireplyan ko ang messages ng mga kabanda ko bago ko nilagay sa silent ang cellphone.

"Punta na akong ICU." Paalam ko.
"Jaxx... Alam mo yung kwento doon kay Lola Laura, di ba? Bakit hindi mo sinabi kahit sa akin?" Tanong ni London.
"Nangako ako kay Margaux na hindi sasabihin sa inyo. Hindi ko kwento yun, London. Kahit gusto kong sabihin sa inyo, hindi ko sisirain ang pangako ko kay Margaux. Sana, maintindihan nyo na siya." I clapped his shoulder before I went out of the room.

Naabutan ko si mommy at daddy kausap si Tita Diane, Tita Kaye, Tito Tristan at Tito Angel.
"Kamusta po si Margaux?" Tanong ko sa kanila after I kissed my mom on her cheek.
"Under observation siya. Baka magkaroon daw ng internal bleeding. Natanggal na ang bala." Sabi ni Tito Angel.

"Ako muna po dito. Magpahinga na po kayo."
"Sige na, sasamahan ko si Jaxx dito. Wala pa kayong tulog." Sabi ni Tito Tristan.
"Sige na Kaye... Okay naman na si Margaux, magpahinga muna kayo. Tatawagin ko kayo kapag merong emergency." Sabi ni mommy sa kanila.
"Nasa taas po sila London. Pababana rin po nyan sila Dakota at Sky. Sige na po Tita Kaye... Kailangan nyo rin pong magpahinga." I said.

Napilitang umakyat sa kwarto si Tito Angel, Tita Kaye at Tita Diane. Naiwan kami ng parents ko at si Tito Tristan.

"Pwede po ba akong pumasok?" Tanong ko kay Tito.
Nasa labas lang kasi kami at nakaupo sa tapat ng kwarto ni Margaux. Nakikita namin siya sa viewing window.
Tumango si Tito Tristan. "Suot mo ang scrub na nasa likod ng pintuan." Sabi niya.

Maraming tube ang nakakabit kay Margaux. Meron ding mga fluids na nasa IV. Meron ding heart rate monitor na natatakot akong tingnan.

Lumapit ako kay Margaux at umupo sa isang maliit na upuan sa tabi ng kama. Hinawakan ko ang kamay niya at dumukmo dito.

"Labs... Gising na." Huminga ako ng malalim para hindi tumulo ang luha ko.
"Ano ang gusto mong kanta? Kakantahin ko para sayo?"

"Naalala mo yung sinulat natin noong nasa beach tayo?" Nagbabara ang lalamunan ko sa kakapigil umiyak. Makailang beses kong tinanggal ang bara sa lalaunan ko para makakanta...

It breaks the silence
When you turn around
When the light shines your face
More I'm becoming
The last one who's falling
Have I been waiting for your love

As we ignite, oh the fire grows
The wind can never blow
And your words in my ears are rhymes

Over and over, I'll love you so tender
Wrapped in your arms while staring at your eyes
Then I'll be over, when you are under
I want you to hold my hands and take these chances free

Natigil ako sa pagkanta ng marinig ko ang boses ni Lola Laura sa labas.

"I want to see my apo." Pamimilit niya.
"Umalis na kayo. Angel doesn't want you to be near Margaux." Sagot ni Tito Tristan.

Sumenyas ako kay mommy na tawagan ang mga nasa taas. Kinuha niya ang phone at tumawag.

"Palayasin mo ang hampas-lupa na yan sa kwarto ni Margaux." Sabi niya na nakapagpalaki ng mata ni mommy.
"Hoy... Tang-ina mo ka..." Ang tunog ng mura ni mommy.
Makakalbo si Lola Laura kung hindi nahila ni daddy si mommy palayo sa matanda.

"Wala kang karapatan na pagsabihan ang anak ko ng ganyan. Kahit kaunti ang pera ko, isasampal ko sa iyo. Tarantado ka...Bilat sa imong ina." Hindi ko napigilang tumawa.
"Pisti kang yawa'a ka. Dimunyo..." Nagbisaya na si mommy.

Bakit kaya hindi ko sinumbong dati si Lola Laura para matagal ng nakalbo ni mommy? Hindi ko naisip. Tsk...tsk...

Dumating si Tita Diane na galit na galit... Hala ka, isa pang bisaya. Hinaklit nito ang braso ng matanda...
"Diane... wait..." Pigil ni Tito Tristan sa kanya.
Napatigil si Tito Tristan ng makita ang mukha ni Tita.

"Mag-usap tayo, matanda ka." Sabi ni Tita at muntik ng matanggal ang braso ni Lola Laura sa pagkakahila ni Tita Diane paalis ng ICU. Hindi sumunod si Tito Tristan sa kanya. Kumalma lang si mommy ng wala na si Lola Laura.

"Buang..." May pahabol pa si mommy bago tuluyang kumalma.

Labs... hindi ko navideo, sorry. Ikukwento ko na lang sa iyo ang nangyari. Marami ka ng kakampi, labs laban kay Lola mo.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon