Chapter 6- Past is Coming out

7.8K 300 46
                                    

Margaux

"Mia—" Jaxx warned her.

"Sorry my bad. Anak nga pala ako sa labas na pinapasok na ng daddy ko pero wala pa rin karapatan na kausapin ang nag-iisang anak na may tita na anak din sa labas na pinapasok na rin ng lolo nya." 

She can't forget that insult talaga and I was irritated when she brings it out.

Sobrang napagalitan ako nang malaman ni daddy iyon.

Hahablutin ko si Mia at talagang gagalusan ko ang mukha nang yumakap si Jaxx dito at pumagitna sa amin.

"Stop it. You two." pagbabawal ni Jaxx.

"Pagsabihan mo yan ha," I said.

"You started it," sagot na naman ni Mia.

"Tama na Margaux," sigaw ni Jaxx sa akin.

"Why me?" defensive na tanong ko. "Kimberly, tapusin mo ang pagsusukat sa kanila. I will just go ahead." Naiinis akong lumabas ng studio.

Bakit ba lagi niyang pinagtatanggol si Mia? He used to be the one who protects me.

Damn it Margaux! Nagbago na si Jaxx. Iniwan ka niya ng walang pasabi. INIWAN KA. Move on na. May boyfriend ka na!!!! 

Bakit ka umiiyak? Bakit ka ba nasasaktan pa? It's been years! Years, Margaux!

Kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang luha. Ini-start ko ang kotse ko at tinawagan si Sky.

"Hello," sagot niya.

"Busy ka?"

"Oh dear, ano ang nangyari?" tanong niya.

Suminghot ako dahil umiiyak na naman pala ako.

"On the way na ako sa office mo," I replied to her.

Hindi alam ni Yuan kung aalis o magstay sa office ni Sky nang pumasok ako at biglang umiyak. Kinuwento ko kay Sky ang nangyari.

"Ma'am, sa labas na lang ako," paalam ni Yuan.

"Hindi. Diyan ka lang. Ikaw ang sumagot sa mga tanong ko. Bakit kayo umaalis ng hindi nagsasabi ng dahilan? Ha? Sumagot ka?" tanong ko kay Yuan habang umiiyak sa balikat ni Sky.

"Hindi ko alam ang isasagot ko." Napakamot ng ulo si Yuan.

"Ano ba kasi ang sinabi mo? Bakit pinagtanggol ni Jaxx si Mia?" tanong ni Sky.

"Eh kasi tinatanong niya kay Kimberly kung sino daw ang nambakod kay Jaxx... eh she said who? Who? Kaya sabi ko she turned into owl."

"Eh ikaw naman pala ang nagsimula eh. May boyfriend si Mia at mukhang platonic lang naman ang tingin ni Jaxx at Mia sa isa't-isa. Mia acted the same way with the rest of the band. Masyado ka lang nagseselos sa kanya kaya tinatarget mo siya, Margaux," pangaral ni Sky.

"Nasasaktan ako, Sky. Bakit bale wala lang ako sa kanya? Pagkatapos ko siyang ipaglaban. Tapos ang dali n'ya akong palitan." Kung todo talaga ang iyak ko.

"Mag-usap kasi kayo ni Jaxx. Kayong dalawa ang may issue hindi ikaw at si Mia. She maybe doesn't even know na naging kayo ni Jaxx. At isa pa, it's been years, Margaux. At pwede ba, makipagbreak ka na sa syota mo kung hindi mo naman talaga siya gusto? Ginawa mong panakip butas si Paulo. Para kayong nag-gagaguhan na dalawa." Deretchang pangaral ni Sky.

"Sorry, sinong Paulo?" sabat ni Yuan.

"Paulo Frankston," sagot ko.

Pinigil ni Yuan ang matawa.

"What? What are you laughing at?"

"Sorry... Pero bakla si Paulo," sagot ni Yuan.

 "Pati ba naman ang assistant mo, chismoso," umiiyak na wika ko kay Sky.

"Ikaw lang talaga ang hindi nakakakita na bakla ang syota mo," natatawang sagot ni Sky. Inabutan niya ako ng tissue. 

"Paano mong nalaman?" Naiinis na tanong ko kay Yuan.

"Gurl, malabo lang ang mata ni Yuan pero hindi siya bulag," sabi ni Sky na ikinakunot ng noo ni Yuan. "Hiwalayan mo na. Please lang. Mas makinis pa ang mukha sa akin ng lalaking iyon." 

"Hihintayin kong umuwi galing sa Singapore," katwiran ko.

"Uh—"

"Ano yun, Yuan?" Naasar talaga ako sa dami ng alam niya.

Umiling si Yuan.

"May sasabihin ka eh. Sabihin mo na," pamimilit ko.

"Okay... I heard na wala si Paulo sa Singapore. Nandito lang siya sa EDSA Shangrila sa Mandaluyong. Naka-staycation," kwento ni Yuan. 

"Paano mong nalaman yan?" nagtatakang tanong ko.

"Maliit lang ang fashion industry," sagot niya.

Juice Kuh... Saang fashion industry kaya galing si Yuan? Ang sakit mo sa mata.

"Bakla ka rin ba?" bigla kong naitanong kay Yuan. Tumawa si Sky ng nakakaloko.

"Hindi ah!" sagot ni Yuan sabay talikod at iniwan kami ni Sky.

———————
A/N

bukas pa sana ito eh... pero nasasaktan ako para kay Margaux so iyan na.

Nga pala, may outside meeting Ko bukas baka hndi ako makagawa ng UD... cross fingers na lang tayo na makabalik akong office. 😘

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon