Ursula and The Romualdez

10.3K 323 15
                                    

"Ano ba..." Pilit na tinatanggal ni Laura ang pagkakahaklit ni Diane sa braso niya.
"Tumigil ka...Papasakan ko ng pasador yang bunganga mo." Sagot ni Diane.

Hinila ni Diane si Laura hanggang sa kwarto na kinuha nila. Pagpasok ni Diane at Laura sa kwarto, napatingin ang mga nagpapahinga sa loob sa kanila.

"Kids, labas muna kayo." Sabi ni Diane.
Mabilis na nagpulasan sila Sky, Dakota, Chase at London. At si Yuan, hinila ni Sky ng nakiusisa pa saglit. Sinarado nila ang pintuan at dahil chismis is life, nakinig sila sa labas ng pinto kung ano ang mangyayari.

Pagkasarado ng pintuan ay siyang pagbitaw ni Diane sa braso ni Laura.

Si Kaye, hindi napigilan ang galit at sinakal ang matanda habang nakasandal sa pader.
"Ano ang ginawa mo sa anak ko, hayop kang matanda ka?" Tanong ni Kaye.

Hindi pinigilan ni Diane at Angel si Kaye kahit mukhang ube na si Laura.

"Hindi kayo mabuting magulang." Sagot ni Laura.
Isang sampal ang pinakawalan ni Kaye.
"Layuan mo ang anak ko. Hayop ka."

Inawat ni Angel si Kaye at inilayo sa tiyahin.

"Ano sa tingin mo, Tita Laura kung tayong dalawa ang magharap ngayon? Anak sa labas laban sa anak sa labas?" May galit ang bawat salita ni Diane.
"Ang kapal ng mukha mo na kamuhian ako ng palihim gayong anak ka din sa labas."

"Ang mga katulad mo ay hindi dapat nakakahanap ng pamilya..." Sabi ni Laura kay Diane.
Hinawakan sa sa bibig ni Diane si Laura gamit lamang ang isang kamay niya at inuntog ang matanda sa pader.

"Ipapapatay kita kapag lumapit ka pa kay Margaux at sa mga anak ko. Magsama kayo ng kapatid mo dahil pareho kayong walang kwentang tao. Huwag mong kalimutan ang mukha ko dahil ako ang magiging bangungot mo kapag lumapit ka pa kay Margaux. Kung alam ko lang ang ginawa mo sa pamangkin ko, matagal ka ng nakalibing." Sabi ni Diane.

Namumutla na si Laura sa ginawa ni Diane sa kanya.

"Tita Laura, mula ngayon, wala ka ng karapatan sa kumpanya. That company is purely mine. Huwag na kayong tatapak doon ng kapatid mo. Ubusin mo ang ibinayad ko sa iyo, wala akong pakialam. Magtira ka ng pampalibing mo dahil wala kang pamangkin na mag-aaksaya ng panahon na ibalibing ka. Huwag kang lalapit kay Margaux... Kung hindi si Diane ang magpapapatay sa iyo... ako." Sabi ni Angel.

"Isa kang ipokritang matanda. Mabuti nga at hindi ka nakapag-asawa. Mabuti at hindi mo maikakalat yang masama mong pag-uugali." Wika ni Diane.
"Isa kang walang pinag-aralan na bisaya." Sigaw ni Laura.

Isang sampal ang binigay ni Diane sa tiyahin.

"Yung DUKHANG bata na hinahamak mo ang siyang hahawak ng kumpanya na pinapangarap mo balang araw." Sabi ni Angel na ikinaupo ni Laura sa sahig.
"At tandaan mo ang pagmumukha niya dahil luluhod ka at hihingi ng tulong sa kanya at ipapanalangin ko na huwag ka niyang tulungan." Dagdag pa ni Angel.

"Hindi... hindi mo pwedeng gawin yan. Hindi siya Romualdez." Sabi ni Laura.
"Hindi ka rin naman Romualdez... Dahil isa kang anak sa labas..." Sagot ni Diane.

"Layuan mo si Margaux at tigilan mo ang panlalait kay Jaxx." Sinipa ni Kaye ang galit na galit na si Laura.
"Anak ka ng puta." Sabi pa ni Kaye at saka dinuraan si Laura.

Binuksan ni Diane ang pintuan at napatayo ng deretso ang mga nakikinig sa labas.

"Alam mo na ang daan palabas, Laura. Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo." Sabi ni Diane.

Napasandal sa pader ang mga usisero ng dumaan si Laura palabas ng kwarto. Pinupunasan nito ang mukha.

Sinundan ng tingin ng mga bata ang matanda na palayo.
"Ano ang narinig ninyo?" Tanong ni Diane sa mga bata.
"Umm... Lahat, mommy." Sagot ni London.
"Pumasok na nga kayo, mga chismoso." Utos ni Diane.

Nagsipasukan ang mga bata sa kwarto.

Whoa... Laura is out... Jaxx is in.

Yun lang ang nangyari mga chismackers...

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon