Chapter 33- Farewell talk

8.9K 301 19
                                    

Jaxx

"Kailangan nyo ng ituloy ang tour ninyo." Pinapagalitan na ako ni Tito Douglas.
"Hindi pa okay si Margaux." Katwiran ko.
"She is not part of the band." Huminga ng malalim si Tito Douglas para kalmahinang sarili niya.
"She is part of my life. Intindihin naman ninyo na hindi rin ako makakafunction knowing she is still at the hospital." Katwiran ko.

"Napostponed na ang concert nyo sa Taiwan. Gusto mo pati sa Singapore, ipostponed din? Alam mo ba kung gaano kahirap kumuha ng permit sa Singapore?" Tanong ni Tito Douglas.
I bare my teeth...
"Kaya nga nandiyan kayo diba? Ano pa silbe ng buong team kung hindi ninyo magagawan ng paraan? Kung gusto ninyong ituloy, I'm out." Tumayo ako at iniwan si Tito Douglas na namumula sa galit.

Pinuntahan ko si Margaux sa hospital. She asked Tita Kaye not to have visitors maliban kay Sky at Dakota. Hindi ko alam kung bakit pati ako, ayaw niyang makita.

I knocked and open her hospital room door. She's alone in her room.

"Pasok ka, Jaxx." Sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong wala na ang ibang fluid na nakakabit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at umupo sa monoblock sa tabi ng kama niya.

"May problema ka..." Sabi niya.
Bakit sobrang kilala mo ako? Hindi ako kumibo.

"Nakausap ko si Maureen. Bakit mo ipapamove ang schedule nyo sa Singapore?" Tanong niya sa akin.
"I can't function well." I replied.
"Ano ang problema, Jaxx?" She asked again.
I kiss her knuckles and hold her tight.

"Jaxx, you have to honour the contract that you've signed. Okay na ako, kung ako ang nakakapigil sa iyo." Sabi niya.
"You are not okay. You put up your walls again." I replied.
"I need to forgive myself in order to face them all. I need to love myself so I can open myself again." Sabi niya.

"Margaux... including me?"
Malungkot na tumango si Margaux.
"Yun nga ang kinakatakot ko. Baka pagbalik ko, wala na akong babalikan." I told her.
"I'm sorry... kung naging duwag ako noon. Kung sinaktan kita noon. Mahal kita Margaux. Ayaw kong mawala ka ulit."

"I have to love myself so I can fully love you back, Jaxx. Hayaan mo akong buuin ko ulit ang sarili ko."
"What are you thinking? Are you going somewhere?" Kinakabahang tanong ko.

"Jaxx..."
"Margaux..." Itinago ko na ang mukha ko sa kanya... "I'm sorry. Please, don't leave."
Damn it... Damn it...

"Jaxx... please listen to me." Mahinahon si Margaux. Sobrang hinahon, natatakot akong pakinggan siya.
"I lost myself because I tried to please and serve everybody. Let me find her... so she can love you back unconditionally." She said.

"No... I'm sorry Margaux. I was insecure and insensitive and I hurt you... But I love you and I am begging you not to leave me. Please..." My tears started to fall.

"And I am begging you Jaxx to wait for me. Please...For us?" Sabi niya.
"Ayusin mo ang schedule mo, ha."

Napilitan akong tumango.

"Pwede mo bang irecord ang last song mo for me?" She asked.
"It's not my last song for you. It was a song for you, but not the last. Isesend ko sa iyo." I kiss her hand and just sit there looking at her.

We were in Singapore when London called me.
"Pre, umalis si Margaux." Sabi niya.
Tumango ako.
"And Tita Kaye asked us not to look for her. May problema ba siya? Ayaw niya ba kaming lumapit sa kanya? May nasabi ba si Brook? Sabi ni Brook hindi pa sila nakakapag-usap. Si Mia ba? May nagawa ba si Mia? Bakit siya umalis?" Sunod-sunod na tanong ni London.

"She said she needs to forgive herself in order to face us all." Sabi ko.
"That's bullshit... Kami yung may mali."
"That is what she asked. All we can do is wait. Naghihintay din ako." Sagot ko.
"Kinakain din ako ng kunsensya ko, London." Huminga ako ng malalim.
"Ang hirap humarap sa camera... kumanta at magpretend na masaya."

"Let's just honor what she wanted. That's the least we can do for her. And I am hoping she will come back. God knows what will happen to me if she chooses not to."

"Pre... tang-ina, huwag mong sukuan." Sabi ni London sa akin.
"Hindi nga... Pero kapag hindi siya bumalik London, aanhin ko pa ang lecheng buhay ko?" Tanong ko sa kanya.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon