Chapter 22- Ginisang Yuan

8.3K 289 13
                                    

Margaux


I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done, I think I love you better now

Paulit ulit ko yatang kinanta yan. 

Juice Kuh... Jaxx.

Paasahin mo na naman ako! Ako naman si tanga, aasa na naman. Kasi nga mahal kita. Lintik na iyan.

I think I love you better now

Waaahhhh...

Inuntog-untog ko ang ulo ko sa manibela. Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ko. Si Dakota, tawa ng tawa nang mapatalon ako sa gulat.

"Uy, bakit mo inuuntog ang sarili mo?" tanong ni Dakota nang buksan ko ang bintana ng kotse ko. Nasa building kami nila Sky.

"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"Tinawagan ako ni Sky," sagot niya. "Saka chance na naman na asarin ko si Juancho."

"Tigilan mo si Juancho. Tinulungan na tayo no'ng tao. Napaka-bully mo rin Dakota."

Tumawa lang si Koko.

Sabay na kaming umakyat sa floor ni Sky. Ano kaya ang nangyari kay Star at bakit kami pinatawag ni Lady Boss?

Wala si Yuan sa table niya kaya pumasok na kami ni Koko ng deretso sa office ni Sky. Nandoon si Yuan at nakaupo sa harapan ng table ni Sky.

Ngumisi agad si Koko. Alam mong may kalokohang gagawin.

"Hello..." bati ni Koko.

Nakaupo si Star sa sofa ni Sky at mukhang hinihintay kami.

"Oh, s'ya ba ang assistant mo, Sky?" maang na tanong ni Dakota. Kinailangan ko ang double effort na huwag tumawa. Nakakunot ang noo ni Yuan sa amin. Si Sky naman ay hindi nag-angat ng mata sa tinatype.

"Yes. Siya si Yuan. Yuan, si Dakota, isa sa kaibigan ko," pagpapakilala ni Sky.

"Parang dinilaan ng cow ang buhok mo. Sobrang patag," sabi ni Dakota na naka-poker face pa. Lakas mang-troll ni Dakota. Sorry, hindi ko napigil ang pagtawa ko. Si Star ay nagtago sa likod ng bag niya.

"Dakota—" babala ni Sky sa kanya.

"Nakaka-amaze kasi. Tingnan mo ang hawi niya. Pantay na pantay," sagot ni Dakota.

Tawa ako nang tawa. Iniwan ko si Dakota sa tapat nila Yuan at umupo sa tabi ni Star. Si Yuan, hindi mo alam kung magwawalk-out o sasakalin si Dakota.

"Parang kapag may kuto na tumawid, kita agad," dagdag pa ni Koko.

Nakitago ako sa likod ng bag ni Star. Malapit ng sumabog si Sky sa inis. HIndi ba iyan din ang naisip ko noon?

"Niruler mo ba yan?" Hindi pinansin ni Dakota ang nakasimangot na si Sky. Panay pa rin siya sa pangto-troll kay Yuan. Siguro kung hindi magkaibigan ang dalawa na ito, nasapak na si Koko ni Yuan.

"Ate Koko, may admirer kaya si Yuan," sabat ni Star at nagtago ulit sa likod ng bag ng tiningnan ni Sky.

"S'ya nga?" Parang tanga si Koko. Parang gulat na gulat. "Sino ang bulag na babae?"

"Si Arabella," sagot ni Star.

Napabuntong hininga si Sky at gusto ng iuntog ang ulo sa table. Si Yuan... hahahah.... Si Yuan kumukuha ng tiempo para makurot si Dakota.

"Ay... juice kuh. Ang babaeng machete." Nasapo si Koko ang puso niya

Ayaw ko ng magsalita, makikitawa na lang ako.

"Anong machete?" tanong ni Sky.

"'Yong babaeng inukit sa kamoteng kahoy," sagot ni Dakota.

Ahh... nangingiti si Yuan...Pinipigilan lang.

"Hanggang bewang ko lang yata yung pinsan nyo na iyon," dagdag pa ni Koko.

"Hindi ko 'yon pinsan," sigaw ni Sky. Napasandalsi Yuan sa upuan.

"Eh 'di hindi. Sumisigaw agad. Juice kuh Sky...Lumabas labas ka sa opisina mo. Manood tayong concert. Merong concert ang Overdrive. Malibang ka naman," sermon ni Koko kay Sky.

"Walang ticket, ate. Sold out," sabat ni Star.

"Sold out?" manghang tanong ko. Tumango si Star.

"Gusto nyo bang manood?" tanong ko sa kanila. 

"Yes...Yes... please," mabilis na sagot ni Star.

Tumingin ako kay Koko."Tayong lima, sige. Sama natin si Boyoyong," sagot ni Koko.

"Sinong Boyoyong?" naiiritang tanong ni Sky.

Tinuro ni Koko si Yuan. Inambaan ni Sky si Koko ng paper weight. Tumatawang tumabi sa akin si Koko.

"Saan ka kukuha ng ticket?" tanong ni Koko sa akin para maiba ang usapan.

Kay Jaxx, syempre.

"Stylist ako ng Overdrive. Saka dati silang tropa," sagot ko.

Nagmessage ako kay Jaxx kung may makukuhanan pa ng ticket.

"Luh... nandoon lang ang iniirog mo," tukso ni Koko.

Biglang tumawag si Jaxx at natataranta ako kung sasagutin ko o hindi. Kinuha ni Koko ang phone ko at mabilis na umiwas sa akin.

"Yes Jaxx," sagot ni Koko.

"Ah...si Margaux... Kayo ba ulit?" tanong ni Koko.

Muntik na akong madapa sa kakahabol kay Koko. Ang laki ng hakbang niya.

"Ahhh...hindi...pa? Sige, eto na nga siya. Napagod na kakahabol sa akin." Binigay ni Koko ang cellphone sa akin. Isang sabunot muna ang binigay ko sa kanya bago ko kuhanin ang phone. Tumatawa lang ang gaga. Napakatukso ni Dakota kahit kailan.

"Hello." Hiningal nga ako kakahabol kay Koko.

"Okay ka lang?" tanong ni Jaxx.

"Okay lang. May ticket pa ba? Sold out na daw kasi sabi ni Star."

Nanunukso ang tingin ni Dakota habang naniningkit ang mga mata ni Sky sa akin.

"Ilan ba kayo?" tanong ni Jaxx.

"Four. May pass naman ako di ba?So silang apat na lang," I said.

"Okay. I got your tickets. Bigay ko sa'yo later," sabi niya.

"Thanks. Pero kapag nagkita na lang tayo—"

"Ihahatid ko mamaya sa' yo," pamimilit niya.

"Okay. Thank you." Bakit ako biglang nahiya?

"Okay. Mamaya na lang Margaux. Ingat ka. Don't forget to eat," sabi ni Jaxx bago niya in-end call.

"Okay na. May ticket natayo," sabi ko sa kanila.

"Yes! Thank you, Ate Margaux. Sana pati back stage passes ate—" sabi ni Star.

"Fan ka ano?"

Nahihiyang ngumiti si Star. "Kay Sir Blaze lang," sagot niya.

Napanganga ako. "Student ka ni Blaze?"

Tumango siya. "Iyan nga problem ko kaya ako nandito," sabi niya.

Nagkuwento si Star ng problema niya. Ewan ko bakit natatawa kami ni Koko. Nahihiya siya kay Yuan pero ang sabi ni Koko, hindi yan magsasalita kaya sinabi sa amin ni Star ang buong problema niya.

"Ano gagawin ko?" tanong ni Star.

"Alam mo ba kung tatanggalin mo lang yang beanie mo—" Tinanggal ni Koko ang suot na beanie ni Star. 

"At yang salamin mo," dagdag ni Koko at kinuha ang salamin ni Star.

"Hindi ako makakakita—" mabilis na sagot ni Star. Koko snorted.

"Contact lens," I commented.

"Hindi ka na makikilala ni Sir Blaze," pagpapatuloy ni Koko. "Believe me, hindi ka makikilala kapag wala kang salamin," Makahulugang wika ni Koko sabay ngisi kay Yuan. 

Nanlalaki na ang butas ng ilong ni Yuan sa kanya.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon