Chapter 20- Lego House

7.9K 309 24
                                    

Margaux

I woke up in my bed. Hindi ko matandaan na nakatulog ako. Binalikan ko ang nangyari kagabi.

Kausap ko si Jaxx and it feels right. Sinabi ko ang mga nangyari sa amin ni Lola. Kinuwento ko pati ang pamimilit niya sa akin na balikan si Paulo.

Jaxx listened to me and holds me while I was crying. His embrace comforts me. And he told me he was sorry over and over pero hindi niya naman sinasabi kung para saan.

I have some work to do and need to put my sadness behind me today.

Nakita ko ang isang papel na may pangalan ko sa ilalim ng phone ko sa bedside table. I open the paper and saw it was a short letter from Jaxx.

Margaux,

You were exhausted last night and slept on my arms.
Hindi na kita ginising. Nilock ko na lang ang pintuan mo bago ako umalis.
See you later... Please call me if you need anything.

Yours,
Jaxx

"Yours, Jaxx." Paulit-ulit na binasa ko.

He is not yours anymore, Margaux, bulong ko sa sarili ko.

MOA arena is one heck of a concert venue. To think na ang laki ng lugar at mapupuno ng Overdrive? Sikat na sikat na nga sila.

Hindi naman ako kailangan talaga na pumunta sa final fitting pero sadyang sadista ako at gusto kong makita si Jaxx at ang banda na napamahal sa akin kahit hindi na ako part nila.

Nandoon na sa MOA si Maureen at Kimberly. Hindi nakaligtas sa kanila ang mugto kong mata.

"Madam... Vhaket ka umiyak?" nag-aalalang tanong ni Kimberly sa akin.

I made a face. "Halata pa ba? Ang dami ko ng nilagay na concealer eh."

"Hindi naman. Kilala ka lang namin kaya alam namin," sagot ni Maureen.

Nasa backstage kami at tinitingnan ang kwarto na gagamitin ng Overdrive as dressing room.

"Magkaiba pa ba ang kwarto ni Mia sa mga boys?" tanong ni Kimberly sa akin.

"Hindi ko alam. Tanong nyo na lang sa kanila," sagot ko. Ayaw ko ng isipin pa 'yan.

"Madam, phone mo." Ngumuso si Kimberly sa bulsa ko.

Nagriring pala ang phone, hindi ko naririnig sa lalim ng iniisip ko.

It was Jaxx that's calling me.

Nag-ring ulit ang phone ko and I answer it on the first ring.

"Hello."

"Nasa MOA ka na?" tanong niya.

"Yes," maikling sagot ko.

"Kumain ka na?"

"Not yet." Tinitingnan ako ni Kimberly at Maureen.

"Margaux... You need to eat."

Pinigilan kong ngumiti kasi nakatingin talaga ang dalawang kasama ko sa akin.

"Mamaya na lang," I replied.

"Ano ang gusto mo sa Starbucks? Nandito ako. Bawal ang coffee sa 'yo," paalala ni Jaxx.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa dalawang kasama ko. Tumango silang dalawa.

"Glaze donut nalang sa akin. Kumain na raw sila Maureen," I replied.

"Okay, sure. Nandiyan na ba ang iba?"

"I don't know. Nasa backstage kami nila Maureen eh," sagot ko.

"Ahh okay. Sige. Maya nalang labs. Kita na lang tayo diyan," sabi ni Jaxx na nakapagpatahimik sa aming dalawa.

"I mean...Margaux., He said after a few seconds.

Nakatingin pa rin ako sa phone ko kahit in-end call na ni Jaxx. Nanunukso ang ngiti nila Kimberly at Maureen nang matangin ako sa kanila. May karapatan ba akong kiligin?

Isa-isang dumating ang mga member ng Overdrive. Nauna ng nagsukat si Ryker.

"Lakas naman makapogi nitong jacket na ito," sabi niya.

"Oo na Ryk. Fishing compliment na naman eh. Ganyan tayo eh," biro ko sa kanya habang inaayos ang kwelyo niya.

Dumating si Mia at umupo sa tabi ni Drake.

"Sino ang mas gwapo sa amin ni Jaxx ngayon?" tanong ni Ryker sa akin pagkatapos kong maiayos ang damit niya.

"Si Jaxx," wala sa loob na sagot ko. Nakalimutan ko si Mia na nasa paligid nga pala. Nagtawanan sila.

"Namo ka... mali ka ng pinagtanungan kasi," sabi ni Brix kay Ryker.

Pumasok si Jaxx na may dalang isang box ng donut. Inabot niya ito sa akin saka ang caramel frappe. Natatandaan niya ang flavor na gusto ko.

"Margaux, sino nga ulit ang mas gwapo sa amin ni Jaxx?" tanong na naman ni Ryker.

"Thank you. Magkano utang ko?" tanong ko kay Jaxx. HIndi ko pinansin si Ryker. Umiling siya at tumabi kay Brix.

Himala...hindi siya kay Mia tumabi.

"Ano na Margaux? Sino mas gwapo sa amin ni Jaxx?" pangungulit ni Ryker.

"Si Jaxx," sagot ko sabay subo ng donut.

Tinawanan na naman nila si Ryker.

"Try mong kay Kimberly itanong. Baka magbago ang sagot," sabi ni Drake sa kanya.

"Ikaw...parang di ka tropa. Wala kang support sa akin. Ganyan ka," sabi ni Ryker sa akin. Hinubad nito ang jacket at kunwari nagtatampo.

"Penge ngang donut. Ikaw lang ang binigyan," sabi niya. Nahiya naman ako. Ako lang ang kumakain. Nakalimutan kong mang-alok.

"Sorry, I forgot my manners. Kuha lang kayo." Inabot ko kay Ryker ang kahon at inikot niya ang donut sa lahat.

Pagkatapos naming kumain ng donut, nagpatuloy kami sa pagsusukat. Si Maureen na ang nag-assist kay Mia. Nakipag-unahan naman si Jaxx kay Drake na magpunta sa akin. Kaya si Drake ang napunta kay Kimberly.


Si Brix at Ryker, nakaupo naman at naggigitara. Si Jaxx naman ay nagsimulang kumanta habang inaayos ko ang jacket.

I'm gonna pick up the pieces
And build a Lego house
When things go wrong, we can knock it down

Napatigil ako sa pagsasaradong zipper ng jacket.

My three words have two meanings
There's one thing on my mind, it's all for you

And it's dark in a cold December, but I've got ya to keep me warm
And if you're broken I'll mend ya
And keep you sheltered from the storm that's raging on now

Kinagat ko ang inner cheek ko para pigilang ngumiti. Nanlalamig ang kamay kong pinagpatuloy ang ginagawa ko.

I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done, I think I love you better now

Feeling ko ako ang kinakausap nitong si Jaxx. Feeling ko lang. Kaya hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Kahit ang ganda ng kanta... Aasa na naman ako kung iisipin kong para sa akin yun.

I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done

Hinawakan ni Jaxx ang baba ko at iniangat ang mukha ko. Para akong bumalik sa unang araw na sinabihan niya ako ng I Love You.

I think I love you better now

He ended the song na nakatitig siya sa akin saka siya ngumiti.

Juice kuh... aasa na naman ako nito. Hopia na naman ang ending. Iyak Margaux na naman. A-bugbog a puso na naman.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon