Chapter 26- Vodka

7.4K 281 17
                                    

Maragux

"Kimberly, okay na ba kayo..." Naputol ang sasabihin ko ng makita ko si Mia na nakayakap kay Jaxx.
"Sorry..." Sinarado ko agad ang pintuan.

Ang unang nagregister sa akin ay pain... parang bumalik ako sa oras na nakita namin siya ni Sky na may kahalikang babae.

Then betrayal... dahil umaasa na ako na mag-uusap kami at magkakasundo ulit.

Aalis na sana ako ng venue ng bigla akong mapahinto sa paglakad. Nakakailang hakbang pa lang ako mula sa dressing room ni Mia.

"No... You need an answer." I murmured at bumalik sa dressing room ni Mia. Walang katok-katok na binuksan ko ang pintuan.

"Okay lang kayong dalawa?" Tanong ko.

Nakatayo si Jaxx sa harap ng pintuan at parang nakahinga ng maluwag ng makita ako.

"Stage fright." Sabi niya at tinuro si Mia nanakaupo at nanginginig na.

Mabilis akong pumasok sa room at isinarado ang pintuan.

"Mia..." Lumuhod ako sa harapan niya. Nanginginig si Mia at basang-basa ang mukha sa luha.
"Mia... kumalma ka. Talk to me."

"I want to puke." Sabi niya.
"Jaxx.. pakihanap si Kimberly." I said. Mabilis na lumabas ng dressing room si Jaxx. Naghanap ako ng plastic or anything na pwedeng masukahan ni Mia.

Wala akong mahanap kaya naghanap ako sa bag ko na pwedeng masukahan. Tinanggal ko ang make-up kit ko sa pouch at binigay kay Mia ang pouch.
"Hermes to eh." Reklamo niya.
"Just puke..." Sabi ko sa kanya. Inintindi pa talaga ang label.

Naghanap ako ng tubig at binigyan siya ng maisuka ang mga kinain niya. Pumasok si Kimberly sa room kasama ni Jaxx.

"Kimberly, pahinging vodka..." Sabi ko.
Effective itong pampakalma. Binigay ni Kim kay Mia ang miniature size na vodka. Tamang isang shot ang sukat.

"Drink, Mia. Isang shot lang yan. Para kumalma ka." Sabi ko.

Kinuha ni Kimberly ang pouch na sinukahan ni Mia.
"Juice kuh, ang sosyal ng sukahan mo." Biro ni Kim.

Namumutla pa si Mia pero kalmado na pagkainom niya ng vodka.
"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya.
Tumango si Mia.
"Kailangan mo ba si Ralph dito?" I asked again.
"Hindi na. Okay na ako." Sabi niya. "Thank you, Margaux."

"Kailangan mong magretouch. Si Kim na ang bahala sa iyo. Kapag kinakabahan ka, sa isang tao ka lang tumingin. Forget about the crowd. Hanapin mo si Ralph mamaya at siya lang ang tingnan mo. It will help." Payo ko sa kanya.

Bumabalik na ang kulay ng mukha ni Mia.
"Thank you." She said.

"Nagsuka din si Jaxx noong unang concert nila. Hindi lang ikaw ang naka-experience niya. Even models have stage fright." I tapped her shoulder bago ako tumayo.

"Stay here for a while. Tingnan mo kung okay na si Mia. Balikan ko lang ang ibang members baka nagusot na ang dami ng mga iyon." I said to Jaxx.
"Thank you, Margaux." Sabi niya.

I smile to him and was thankful at hindi ako umalis agad.

Niready na namin ni Maureen ang susunod na outfit ng Overdrive. Tatlong palit sila ng damit ngayong concert na ito.

Bumalik si Jaxx bago ang call time nila.
"Margaux, tapusin mo ang concert." Sabi niya sa akin.
"Ahh...oo naman. Nandito ako sa backstage."
Umiling si Jaxx at hinahawakan ang dalawang kamay ko.
"Manood ka mamaya. I want you to be there." He said.
"Of course... Nasa front ako kasama ng security nyo." Biro ko.
Ngumiti si Jaxx...

At ang hindi ko inaasahan ay ang yakapin niya ako.
"Overdrive, let's go." Sigaw ng floor director.
"Tawag na kayo."
"And the reason is you." He said na parang lyrics ng kanta.
He kissed my forehead bago siya kumalas ng yakap.

Nanood kami nila Maureen at Kimberly sa gilid ng stage dahil kailangan naming tumakbo mamaya pabalik ng backstage para sa tulungan silang magpalit ng outfit nila.

Mayroong malaking LED Screen sa likod nila Jaxx...

Ang daming tao, ang layo na ng narating ng Overdrive... Nakikita ko din si Koko at Sky kasama si Yuan at Star. At sa banda doon ang mga barkada ni Jaxx.

Maganda ang kanta na nag-duet sila ni Mia. I heard that Mia wrote that song and Jaxx arrange it.

Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi, Gusto ko nang lumisan.

Paano ba ang magmahal? Kailangan bang nasasaktan
Lagi na lang, di maaari, Ngunit ayaw lumisan

"Goodevening, Mall of Asia Arena." Sigaw ni Jaxx pagkatapos ng isang kanta nila.
Nagsigawan ang mga fans... Napapangiti ako.

"May nagbabalik...." Sabi ni Jaxx. "Ewan ko kung namiss nyo. Hindi ko kasi namiss."
Sigawan ulit.

"Ang dating drummer ng Overdrive... Blaze Sarmiento."
Si Star... na nakamake-over ngayon, ang nangunguna sa pagsigaw.

Lumitaw ang drum set mula sa ilalim ng stage at nakaupo na doon si Blaze...

"Dahil luma ang drummer, lumang kanta din tayo. This is one of my favorite song ever. Written by someone who will forever holds my heart." Sabi ni Jaxx.

At nagsimula siyang tumugtog ng intro... He sang the song that I wrote... He sang Broken na punong-puno ng emotion.

Ano ba Jaxx? Saan papunta ang ginagawa mo sa akin?

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon