Chapter 7- Tanga ka pala Bespren

7.9K 292 12
                                    

Jaxx

"Mia! Tama na," pigil ko kay Mia. Kumalma naman si Mia at naupo sa tabi ni Drake. "Para kang Pomeranian. Cute pero maingay." 

"Hey! I didn't start that war," katwiran ni Mia "What's her problem with me?" Naiinis na tanong ni niya. 

Napabuntong hininga ako. 

"Hindi ikaw ang problem ni Margaux kung hindi 'yang si Jaxx. Nadadamay ka lang," sagot ni Ryker.

"Ows?" usisa ni Mia. "How come?"

"Exes Baggage," sagot ni Brix.

"Ows?" sabi na naman ni Mia na mukhang hindi naniniwala. 

"Oh. Em. Gee—" sambit ni Kimberly.

Napapagod akong napaupo sa silya.

"Wala pang closure," sagdag pa ni Drake.

"Ahhh..." nakakaintinding tumango si Mia.

"Ipapaalala ko sa iyo Mia, ikaw ang unang nainis kay Margaux dahil nakakapit kay Ralph dati ha. Hindi siya ang nagsimula ng away ninyo kung hindi ikaw," pagtatanggol ko kay Margaux.

Umikot ang mata ni Mia at tumingin kay Drake.

"Sakit niyang kasing magsalita kaya," bulong ni Mia. "It really hurts, you know."

"Eh papaano, tinititigan mo ng masama. Huwag mong sabihing hindi," babala ko kay Mia nang mukhang tatanggi ito. 

"Sinabihan niya ako noon ng flavour of the month dahil hinahanap kita," giit ni Mia.

Napasinghap si Kimberly. 

Napatingin ako sa kisame. God give me patience. Nakalimutan namin na nandito pa si Kimberly at nakikinig.

"Iwan mo muna kami Kimberly," utos ko.

"Juice kuh, kung kailan maganda ang usapan saka ninyo ako papaalisin,"rReklamo ni Kimberly bago lumabas ng studio.

"Kasi nga, wala silang closure," pamimilit ni Drake nang makalabas si Kimberly.

"Tapos close pa kayo ni Jaxx," sabi ni Brix. "Kung makakapit ka rin kasi, para kang talaba."

"Bff kami nyan eh. Kami ang nasa ibaba ng food chain sa Country Club. Syempre nagkakaintindihan kami," nakangusong sagot ni Mia. "You don't know how I feel. Si Jaxx ang una kong nakausap nang hindi ako naiilang."

"Ito kasi eh," turo ni Ryker sa akin na may kasamang paninisi. "Tangina ka kasi. Kapag malapit si Margaux kung todo pang-asar ka rin kasi. Para kang gumaganti na preschooler. Pati si Mia nadadamay. Ewan ko lang kapag ang syota ni Mia ang nagselos sa inyo. Kung di ka bumulagta, Jaxx."

"Ahhh so nagseselos si Margaux kaya siya gano'n sa akin," sabi ni Mia.

"Ay...nakuha mo din. Ang bright mo," pang-aasar ni Drake kay Mia.

"Pwede ba. May syota na si Margaux. End of story." 

"Ows?" tanong ni Mia na laging may pagdududa.

"Pre, tangina kang indenial ka. Sabihin mong wala na sa 'yo 'yon. Kulang na lang magpa-press con ka at sabihing taga Baclayon si Paulo para lang masiraan sa public at maghiwalay sila,"  sabat ni Brix.

"Where is Baclayon?" tanong ni Mia.

"Minsan, slow ka talag.. Bakla 'yon... Gets mo na?" tanong ni Ryker kay Mia.

"Ahhh...You mean gay s'ya?"

"Tangina, hindi pala taga Bohol. Taga Japan pala si Paulo," biro ni Drake.

Nagtawanan kami minus si Mia na late tumawa ng 5 seconds. Nagloading pa ang joke sa kanya bago tumawa.

"So, bakit kayo naghiwalay ng walang closure?" usisa ni Mia.

"Kasi ganito yun," hirit ni Drake. "Si Jaxx malakas ang tama kay Margaux," simula nito.

I snorted. Hindi naman lakas tama.

"Kaso, sobrang yaman ni Margaux. Alam mo ba kung gaano kayaman ang pamilya nya? Pag-aari nila ang isang building sa Makati," dugtong ni Ryker.

"To make the story short. Matapobre ang pamilya ni Margaux," Brix concluded.

"Weehhh... Sila Tita Kaye? Parang hindi. Manapa si Margaux," sagot ni Mia.

Umiling ang tatlo.

"Hindi 'yon. 'Yong Lola ni Margaux. Bali Tita lang ni Sir Angel 'yon pero syempre Lola ni Margaux 'yon. Iyon ang matapobre. Mabait si Margaux," dagdag ni Drake.

"Tangina, parang wala ako kung magkwentuhan kayo ah." Gago 'tong mga ito.

"Mabait si Margaux? O tapos?" tanong ni Mia. Hindi ako pinansin.

"Tutugtog kami no'n sa isang event tapos nando'n ang Lola ni Margaux. Kasama siya saka 'yong kaibigan niya. Narinig namin na pinagsabihan si Margaux ng Lola niya dahil nakitang kausap kami. Tangina... hindi ko masikmura ang sinabi eh." Naiiling si Brix.

"Ano sabi?" tanong ni Mia.

"Ano ang ipapakain sa iyo ng isang dukha?" Ako ang sumagot sa tanong ni Mia. "Iyon ang tinanong kay Margaux na hindi niya sinagot." 

"Tapos no'n, wala na. Hindi na kinausap ni Jaxx si Margaux," sabi ni Drake.

Natahimik kami.

"Eh tanga ka pala eh!" bulalas ni Mia sa akin. "Bakit hindi mo kinausap? For sure she tried to talk to you."

"Kita mo na. Iyan ang sinasabi ko sa iyo noon, Jaxx," paninisi ni Drake.

"Tigilan n'yo na. May boyfriend na siya, okay?" Nababadtrip na ako sa kanila.

"Naka move-on na si Margaux pero ikaw hindi pa. You were using me to make her angry so you have a reason para pansinin ka nya. At ako, although badtrip ako sa kanya ay naiipit sa inyong dalawa. What the hell, Jaxx?" singhal ni Mia sa akin.

"Maybe Margaux and I started at the wrong foot, pero tengene, mali ka doon, bespren," pangaral ni Mia.

Hay... Pomeranian... Maingay.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon