Chapter 9- Pain in my Heart

7.8K 272 44
                                    

Margaux

Naka-repeat ang kantang Pain in my Heart sa mp3 player ko sa condo. Nilulunod ko ang sarili ko sa mga memories namin ni Jaxx. Tama naman si Sky, hindi kasalanan ni Mia. Pero hindi kasi nakikita ni Sky ang pagiging sweet ni Jaxx kay Mia sa harapan ko. And it kills me. After all these years, it still painful to see him with someone else. 

Platonic sila sa tingin ng ibang tao pero nagseselos ako eh. Nagseselos ako sa lahat ng babae na ngingitian niya dahil sa akin ang mga ngiting 'yon dati. Nagseselos ako sa mga pinagtatanggol niya dahil ako ang pinagtatanggol niya dati kay Brook. Bakit hindi ako sapat sa kanya dati? Bakit hindi ako sapat sa kahit na sino? Pati kay Paulo na hindi ko na nga mahal, may kahati pa ako.

"Papatayin mo ang sarili mo sa lungkot," sabi ni Koko na lumitaw sa kwarto nang hindi ko naririnig na nakapasok na sa condo. Pinatay niya ang mp3 player. Pero tulala pa rin akong nakatitig sa bintana na puro building naman ang nakikita ko.

Inabot ni Koko ang isang keycard.

"Nakuha sa pacute si Sakura. Nasa EDSA Shang nga si Paulo," wika niya.

Kinuha ko ang keycard mula kay Koko. "Thank you, Dakota," I replied.

"Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya.

Umiling ako. "Kaya ko ito. Salamat sa tulong."

Hindi kasi ako close sa mga kaibigan ni Jaxx. Alam kong si Sakura lang ang malalapitan ko pero hindi naman ako pagbibigyan niya (maybe) kaya si Koko ang gumawa ng way. Siya ang nakiusap na igawa siya ng keycard para mahuli kunwari ang boyfriend niya.

Nagbihis ako at nag-wig para hindi makilala. Nag-make-up din ako ng medyo makapal. Mukha akong pawalk which is common sa EDSA Shang. This way, hindi ako matatanong kung may reservation ako dahil alam nilang may naghihintay sa akin.

Dumeretso ako sa parking lot ng EDSA Shang at sumakay ng elevator ng walang tanong mula sa gurad. Pinakita ko lang ang keycard na binigay sa akin ni Koko at clear na agad ako.

Binuksan ko ang camera ng cellphone ko at nilagay sa video mode bago ako lumabas ng elevator. Room 2153.

Tinapat ko ang keycard sa lock at bumukas ang pinto. Kalmado akong pumasok sa kwarto. Hindi ako napansin ni Paulo at ng kasama niya sa kama na parehong nakahubad at kasalukuyang naghahalikan. Naka-video ako sa kanila ng mga 15 seconds bago nila ako napansin na nakatayo sa tapat ng kama.

"Who are—" Hindi natulog ni Paulo ang sasabihin nang hinubad ko ang wig. "Ma—Margaux—" 

Hindi alam ni Paulo kung ano ang gagawin. Kung tatakpan ang buhad na katawan o tatakpan ang kasama niyang... LALAKI.

Pinatay ko ang video at nilagay sa bag ko ang phone.

"We are over, Pau," malamig na wika ko saka ako tumalikod at sinarado ang pintuan.

Wala akong naramdaman na kahit na ano sa break up. Parang mas maginhawa pa nga. Totoo ngang bakla siya. Sa lahat ng tao, ako pa talaga ang huling nakaalam.

Susme, pati si Yuan na jologs, alam na bakla si Paulo. How come I didn't know?

Syempre Margaux, you always give benefit of the doubt kahit hindi halata. Kay Jaxx ka lang naman illogical. Pagdating kay Jaxx para kang tigress na ready na manakmal. Kahit hindi naman kayo.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang kotse ko. Sinend ko kay Koko at Sky ang video bago ako umalis sa parking.

Nagpunta akong Eastwood para makapag-isa.

Sa isang bar na kakaunti ang tao ako nagpunta. Um-order ako ng wine at naupo lang doon. Iniisip na naman ang nakaraan. Nanghihinayang sa pagkakataon na nakasama ko sana ang mga pinsan ko. Mga pinsan na malayo ang loob sa akin. Sa edad ko na pitong taon, akala ko tama ang ginagawa ko. Akala ko pinoprotektahan ko sila. May taga tanggol sana ako sa mga kagaya ni Paulo na manloloko. Kaso wala eh.

Napabuntong hininga ako at ininom ang wine. Tinawag ang bartender at nagpasalin ulit sa wine glass.

Mahahanap ko pa ba ang dating Margaux? Hindi na siguro. Hindi ko na rin kilala ang sarili ko.

Iyon ang hirap sa matapang na babae ano? Walang nagtatanong kung okay ka pa ba. Akala ng lahat ng tao, si Wonder Woman ka. Kaya mo lahat. Hindi ka nasasaktan.

"Isa pa," hingi ko ulit sa bartender.

"Pangatlo mo na 'yan."

Napatingin ako kay Jaxx na nasa tabi ko na pala.

"Pakialam mo?" Automatic ang defense mechanism ko na tumataas kapag palapit na si Jaxx.

"Nasaan ang syota mo?"

"Gusto mong sumama sa kanila? Mag three some kayo. Nasa EDSA Shang. Room 2153," mapaklang sagot ko.

"Naglalasing ka dahil kay Paulo?" naiiritang tanong ni Jaxx.

Wrong, naglalasing ako dahil pagod na pagod na ako. Hindi ako kumibo.

"Naglalasing ka sa walang kwentang tao na iyon?" Kinuha ni Jaxx ang wine glass ko at nilayo sa akin.

Kumuha ako ng pera sa wallet at binigay sa bartender.

"Keep the change," sabi ko sa bartender. Kinuha ko ang bag ko at iniwan si Jaxx sa bar.

Tama na Margaux. It's time to stop hurting yourself.

——————
A/N
Pakiplay ang video habang nagbabasa kayo... kapag hindi kayo nalungkot, ewan ko na lang 😂😂😂

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon