Jaxx
Lintik na facial 'yan, ang sakit pala. Hindi na ako uulit...tangina.
"Mukha tayong bacon sa pula," reklamo ni Brix pagkakita namin sa mukha namin after ng facial.
"Nasaan ba si Margaux?" tanong ko kay Maureen na s'yang kasama namin sa Belo Clinic.
"Naghihintay sa akin sa salon na pinabook namin," sagot ni Maureen.
"Hindi pa kami tapos?" parang kakainin na ni Drake sa inis si Maureen.
"Ah...eh... hindi pa," sagot niya.
Pagdating namin sa salon, sinimulan kaming i-shampoo dahil puro oil daw ang buhok namin.
"Naliligo pa ba kayo?" tanong ni Margaux sa amin.
"Mukha lang hindi. Pero mabango naman kami," sagot ni Ryker sabay ngiti kay Maragux.
Isang hilera kami sa harap ng salamin at sinimulang gupitan.
"Margaux, ano ang gagawin dito kay Jaxx?" tanong ng naka-assign sa akin na hair dresser.
Hinawakan ni Margaux ang buhok ko at sinuklay ang mga daliri niya. Kinagat ko ang bagang ko para hindi umungol. She's making things too difficult for me.
"Parang mas bagay sa kanya ang medyo brown," sabi ni Margaux na nakatingin sa akin mula sa salamin. Ngumiti ang hair dresser at umalis sandali.
"Huwag mong pakulayan ang buhok ko," banta ko sa kanya.
"Gawin mong pink," sigaw ni Drake. Nagsimula na naman ang kanchawan.
"Hawig mo talaga si Kurt Cobain," sabi niya.
I rolled my eyes. Matagal mo ng sinasabi 'yan. Dahil siguro sa cleft chin.
Bumalik ang hair dresser na may balang bowl.
"Margaux," reklamo ko.
"Tiis ganda lang, Jaxx." Tinapik niya ang balikat ko bago ako iwan.
"Bakit ako lang ang kinukulayan n'yo?" naiinis na tanong ko.
"Pagkatapos silang gupitan, doon sila kukulayan," sagot ng ibang hair dresser na ikinareklamo ng mga kasama ko.
Nakatulog na si Drake sa upuan at naghihilik pa. Habang bored na bored kaming nakaupo sa upuan at nagbibilang kung ilang pahid ng cream ang nilalagay sa amin.
"Matagal pa ba?" bulyaw ko kay Margaux na may kausap sa phone.
"Kausap yata ang taga Baclayon," comment ni Brix.
Narinig ni Margaux ang tawanan namin kaya naningkit ang mata nitong tinapos ang usapan sa kausap.
"After nito Mau, dalin mo sila sa studio nila sa QC. Magkita tayo doon." Kinausap ni Margaux ang assistant niya na tumango lang.
Puro kami kanchawan nang matapos kaming ayusan.
"Tangina, nangmukha akong k-pop," sabi ni Ryker sabay tawa.
"Parang ayaw kong lumabas," ungot ko.
Kulay dark brown ang buhok ko ngayon. Hindi naman drastic ang changes. Inahitan kami na lalong nagmukha akong Kurt Cobain ampota...
"Pre, mukhang mapapasabak ako sa magdamagan dahil sa highlights ng buhok ko ah," sabi ni Brix na may kulay ang dulo ng buhok.
"Anoangsayo..." Nagbow si Drake at ginaya ang accent ng Korean.
Ayan na naman ang tawanan namin. Pati ang mga nasa salon ay hihikain sa tawa.
Nagsimulang kumanta at sumayaw si Drake ng wala sa tempo.
"Eh eh eh eh eh eh eh eh 2NE1"Gumulong kami sa tawa. Hayop ka Drake, ang laki mong tae.
"Hayop... ano ang ginawa ng boss mo sa amin ha?" Tanong ni Drake kay Maureen na naluluha kakatawa.
On the way na kami sa studio nang tawagan ni Brix si Mia.
"Mia-pot, punta kang studio," sabi niya.
"Oo tapos na ang make-over namin. Maiinggit ka sa highlights ko," sabi ni Brix na ikinatawa namin.
"Sige...sige...kita tayo sa studio. May bago na pala kaming pangalan. Overhaul."
Nagtawanan na naman kami. 'Yong tawa ni Mia rinig namin kahit hindi nakaloud speaker.
Nasa studio si Margaux at may kasamang malaking bakla. Malaki pa sa akin si ateng.
"Juice kuh... papicture muna sa inyo," sabi ni ateng sa amin pagpasok.
"Mukha pa kaming pin cushion dahil sa pula ng mukha namin," reklamo ni Ryker.
Maya maya, pumasok si Mia nang walang pasintabi dahil sanay na siya dito sa studio. Napatingin siya sa amin at biglang tumawa ng malakas.
Maluha-luha siyang nakipag fist bumb sa amin. Hindi pinansin si Margaux.
"Hi."Bati niya sa baklang ateng.
"Overhaul nga," sabi ni Mia.
Kinunan ako ng picture at sinend sa GC namin.
"Kurt Cobain. Nak ng becky." Another fist bumb sa akin galing kay Mia.
"Ang sosyal talaga ng beke kapag ikaw ang nagsasabi," biro ni Drake sa kanya.
"Sukatan mo na sila Kimberly. Hindi kasama 'yang girl. Hindi siya part ng band," utos ni Margaux.
"Kimberly pala ang name mo. I'm Mia," pagpapakilala ni Mia.
Ngumiti naman si Kimberly sa kanya.
"May jowa ka ba dito, bhe?" tanong ni Kimberly habang sinusukatan si Ryker.
"Yes... Nasa Country Club ang boyfriend ko," sabi ni Mia.
"My Gawd... invite mo nga ako doon minsan. Pakilala mo ako sa friends mong single pa," hirit ni Kimberly.
"Si Jaxx... Single and available. 'Di ba Jaxx?" Nakangisi sa akin si Mia.
"I heard binakuran na si Jaxx," pang chichismis nito.
Natingin ako kay Margaux na nakataas ang isang kilay habang nagtetext.
"Who? Who?" tanong ni Mia.
"She just turned into owl," parinig ni Margaux.
"Oh damn, I didn't noticed you there, Margaux. Akala ko kasi aircon ka...so cold," sagot ni Mia na ikinaubo ko at ni Kimberly. Pero dahil savage sila Drake, tumawa sila ng malakas.
BINABASA MO ANG
Unplugged
RomanceSa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi ko mailagan ay IKAW. Ang hirap mong abutin. Parang ikaw ang bituin. Para kang apoy na mahirap hawaka...