Chapter 8- The Past

8.2K 266 17
                                    

Margaux

Few years ago

"Sky, kinakabahan ako," bulong ko sa kaibigan ko na sumama talaga sa akin para lang i-support ang gagawin ko.

"Don't be. Isipin mo na lang na kapag nasabi mo ng maaga, matatapos na ito ng maaga. Hindi mo na kailangang itago pa ang relationship mo kay Jaxx," bulong ni Sky sa akin.

Hindi madaling magsabi kay Lola. Pero I am craving for her approval. Siguro dahil ako 'yong tipo na nagca-crave na ma-please ang lahat to the point na hindi ko na kilala ang sarili ko. I need to do things to please one side tapos 'yong other side naman ang hindi matutuwa sa akin.

Para akong nasa seesaw. Hindi ko alam kung saan pupunta ng hindi ako lulubog.

All my life, sinasabi ni Lola na maganda ka Margaux. Mayaman ka Margaux. Dapat sila ang nakikisama sa iyo and not the other way around. I remember when I was 7 years old. I was so happy to be with my cousins, lalo na si London. Then Lola found out and she said that they are bad blood because Tita Diane was the reason why Lolo is not around. Then sabi niya, ipapahiya n'ya daw ang mga pinsan ko kapag lalapit sila sa akin, so I end up doing what Lola said to me, layuan ko sila kahit na gustong-gusto ko silang kasama.

Galit si Lola sa mga anak sa labas. Kahit si Sky, pinahiya niya noon but Sky fought for our friendship. Habang nilalayuan ko ang mga pinsan ko para hindi sila madamay sa pamamahiya ni Lola, tuluyan din akong nalayo sa mga ibang bata na kasabayan ko.

I only have Sky and Dakota. I was isolated. And it was lonely.

Naging defense mechanism ko na ang magtaray para lang hindi ako masaktan. Para hindi makita ni Lola na I am weak inside. Para lang hindi makita ng iba na nasasaktan ako kapag nilalayuan nila ako. Dahil sa totoo lang, I am craving for friendship. Until dumating ang time na I don't know how to be friends to anyone dahil nakalimutan ko na kung sino ako sa kaka-please ko kay Lola.

I once heard Brook told her friends that I should not be invited sa party nila. I was 16 at that time. Umiyak ako noon nang umiyak hanggang hindi na rin um-attend si Sky just to be with me. Si Dakota ay nasa Canada na at that time.

I was so alone until Jaxx talked to me. Or rather shouted from his window dahil magkatapat ang bintana namin sa kwarto. Sinula noon, sa akin niya pinaparinig ang mga compositions niya na laging tinatawanan nila Ralph at London dati.

Meron din akong unang poster ng Overdrive. Isang picture 'yon na pinaprint ko sa A3 at pinapirma sa kanila. Noong nagsisimula pa lang silang tumugtog, ako ang unang fan nila. Mga college students sila sa UP at patakas pa nga silang mag-gig.

Kahit ilag ang barkada ni Jaxx sa akin, at least nato-tolerate nila akong kasama kapag kasama ko si Jaxx.

"Relax ka lang Margaux. Huwag mo na lang papansinin ang sasabihin ng Lola mo," pampalakas loob na sabi ni Sky.

Anniversary party ito ng Company at ang Overdrive ang tutugtog. I am so proud dahil maririnig nila ang boses ni Jaxx at ang banda nila.

"Lola, ang galing nila di ba?" tanong ko sa lola ko. Nakakunot ang noo ni Lola pero hindi nagsalita.

Pagkatapos ng session nila Jaxx, masaya akong kinausap sila sa backstage.

"Congrats! Ang galing n'yo talaga," masayang wika ko. Kasama ko si Sky para hindi ako pagdudahan na mag-isang babae lang ako sa backstage.

"Thank you, Labs," sagot ni Jaxx sa akin.

"Margaux, Lola mo." Turo ni Sky sa akin. Palabas si Lola noon sa hallway at chance ko ng makausap.

"Iwan ko muna kayo. Kain lang kayo. Babalik ako." Hinawakan ko si Sky at lumabas kami para sundan si Lola.

Malayo na kami sa pintuan nang mahabol namin si Lola.

"La... what do you think about the band?" tanong ko.

"They can play," sagot ni Lola.

"How's Jaxx for you?" hindi ko siguradong tanong ko. "Di ba ang galing niya, Lola?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

"Margaux, ano ang ipapakain sa iyo ng isang dukha?" sabi niya na ikinabigla ko. Napasinghap si Sky sa narinig. Natulala ako at yumuko para itago ang pagdilim ng mukha ko.

"Huwag mong sabihin sa akin na siya ang boyfriend mo dahil hindi ako papayag. Siya ang hahawak ng kumpanya? Para siyang isang langaw na natungtong sa kalabaw kung ganoon." 

Naitikom ko ang kamao ko. Pinilit kong itago ang mga luha ko.

"Huwag mong gayahin ang katangahan ng ama mo sa pagpapakasal sa walang kwenta mong ina," sabi ni Lola.

"Stop... Just stop. I don't know why I even care to have your blessing. I love Jaxx and to hell with you. Anak nga ako ng daddy ko dahil kaya naming magmahal nang hindi tumitingin sa pera."

"Iyan ang natututunan mo kakasama sa mga anak sa labas," sabi ni Lola.

"Ito ang natutunan ko sa matagal kong magtitimpi sa iyo Lola. Be ready dahil ilalabas ko na sa public ang relationship namin ni Jaxx. And to hell with the gossips. I fucking don't care anymore."

Tumakbo ako palayo sa hallway, kasunod si Sky. Nagpupuyos ako sa galit.

Napahinto ako pagliko ko nang makita ko si Jaxx. Na may kahalikang babae sa hallway.

"What the—" bulong ko.

Nasapo ni Sky ang likod ko dahil nanlambot ang mga tuhod ko sa nakikita ko.

"After what I did, Sky! Ito ang makikita ko?" Tumulo ang luha ko nang hindi ko alam.
Hinila ako ni Sky sa staircase at doon kami dumaan pababa.

Iyak ako nang iyak noon. Iyak ako nang iyak hanggang ngayon.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon