Chapter 14- Pep Talk

7.7K 278 20
                                    

Jaxx

Few Years Ago

"Jaxx, lagi mong kasama si Rich Kid ah," comment ni Brook sa akin.

"Si Margaux?"

"Sino pa ba? May iba pa bang rich kid maliban sa kanya?" Nagtawanan sila ni Sakura, Xykie at Violet.

Hindi ako kumibo.

"Liligawan mo ba? Good luck." Umalis sila at naiwan kaming mga lalaki.

"Okay naman si Margaux ah. Nakasama n'yo na ba siya?" tanong ko kay London.

Umiling ito.

"'Di ba pinsan nyo siya?" Naitanong ko pa.

"Half," sagot ni London.

"Eh di pinsan n'yo pa rin."

"Bakit hindi mo isama minsan dito Jaxx? Para naman makasama nila Brook," suggestion ni Amboy.

"Sabihin ko sa kanya. Medyo malungkot nga siya eh. Umalis kasi si Dakota. Sa Canada yata mag-aaral," pagkukwento ko sa kanila.

Iyon nga ang ginawa ko. Sinama ko si Margaux sa tambayan namin.

"Hi," bati ni Margaux. Nakatingin sa kanya lahat at walang nagsasalita.

"Upo ka Margaux." Si Amboy ang unang nagbasag ng awkwardness.

"Hindi mo yata kasama ang ka-power puff mo?" tanong ni Violet. Alanganing ngumiti si Margaux.

"Ah si Sky at si Koko... Umalis na si Koko eh," sagot ni Margaux.

"Ahhh..." Sabi ng mga girls ng sabay-sabay.

Tahimik na naman.

"Margaux, sama ka sa amin minsan," yaya ni Ralph sa kanya.

"Saan?" Umaliwalas ang mukha ni Margaux.

"Bungee jumping," sagot ni Brook.

Nawala ang ngiti ni Margaux.

"Takot siya sa heights." Tumawa si Brook at nakisabay ang mga kaibigan naming babae. Humigpit ang hawak ni Margaux sa kamay ko.

"Sige next time na lang ulit. May lakad kami in 1 minute," paalam ko. I nod to Margaux at tumayo kami. 

"Sige, we'll go ahead," paalam ni Margaux.

"Bye" Parang nang-iinis pa sila Brook.

Naiintindihan ko na kung bakit ayaw sumama ni Margaux kanina.

"Sorry," sabi ko kay Margaux pagkaalis namin sa tambayan.

"Okay lang. Marami na kasing nangyari sa amin na hindi na maibabalik. May mga nasabi akong hindi maganda. May mga nagawa silang hindi maganda," mahinang sagot ni Margaux.

"Gano'n naman ang mga babae in general di ba? They use words to cover themselves. I mean"

"Naiintindihan ko, Jaxx," pigil ni Margaux. "'Yon nga lang, hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan na magsalita ng masakit kapag nasasaktan na rin ako. Kaya siguro lalong lumala ang sitwasyon namin nila Brook."

Napabuntong hininga si Margaux.

"Hindi bubukas ang bintana kahit titigan mo." Hindi ko naramdaman na pumasok si Daddy sa kwarto ko. Tumabi sa akin si daddy sa kama at tumingin din sa kabilang bintana.

"Hindi mo kinuwento kung ano ang nangyari sa inyo ni Margaux noon. One minute you are happy, the next day, her window was already close you are lonely kahit marami kang kasama."

"My fault dad," pag-amin ko. Tumango si Daddy. "Hindi ako makalagpas sa realidad na napakayaman niya. Ang nag-iisang tagapagmana. Wala siyang pinsan sa father side at ang buong company nila, sa kanya mapupunta."

"Si Margaux ba ang mahal mo o 'yong mamanahin niya?" tanong ni daddy.

Natawa ako ng bahagya. "Siya—"

"Ano pa ang pumipigil sa iyo?"

"'Yong katotohanan na pinamukha sa akin ng lola niya. She talked to me before. Layuan ko raw si Margaux. Hindi raw ang isang gaya ko ang nababagay sa apo niya. Na hindi ang isang gaya ko na tadtad ng tattoo at walang permanenteng trabaho ang babagay sa apo niya."
Ngayon ko lang ikinuwento sa iba ang nangyari sa akin.

"Alam ni Margaux?" ranong ng daddy ko.

Umiling ako.

"Maiintindihan ko ang pag-iwas mo sa kanya kung alam niya ang nangyari. Pero unfair sa kanya ang ginagawa mo. Hindi niya alam ang ginawa ng lola niya sa iyo yet siya ang pinapahirapan mo," pangaral ni daddy.

"Kahit anong ipon ko, hindi ako aabot sa kahit one forth ng yaman nila."

"Pera ba ang foundation ng relationship ninyo? Sa nakita ko dati hindi eh. Correct me if I'm wrong but she was alone before you started to talked to her. And I saw how she started to open up a little. Ngumingiti na siya. Nakikipagtawanan sa mga kabanda mo. Then it all stops."

"Narinig ko dati na pinapagalitan siya ng lola nya because of me. Sinabihan siya ng lola niya but she didn't said anything." Sinabihan akong dukha.

"Narinig mo ba lahat ng usapan nila?"

Umiling ako.

"Ginawa mo sa kanya ang isang bagay na sa tingin ko ay kinakatakot niyang mangyari. You rejected her when she started to open herself to you. Ayusin mo Jaxx. Kausapin mo para may closure kayo kung sakaling hindi ninyo masa-save ang nasimulan ninyo dati. Maybe pride is the only thing that you have right now, but it is also the one thing that's hindering you from moving forward."

Dad pat my shoulder before he left my room.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon