Chapter 15- New Friend

7.6K 289 25
                                    

Margaux

Final rehearsal ngayon ng mga modelo. Stress na stress si mommy.

"Sure kayong may nahanap kayong kapalit?" tanong ni Mommy sa amin ni Koko na nakaupo sa sahig ng runway.

Naka-set up na rin ang instrument nila Jaxx. Kasama nila ngayon si Mia na tutugtog. Nagkatinginan kami ni Koko. Huminga na lang ako ng malalim. 

Anong oras ka dadating Juancho?

Nagkagulo ang ibang model sa backstage at lumabas si Juancho sa gilid. Kinawayan ko siya at lumapit siya sa amin nila mommy at Koko. Mabuti at hindi pang-YUAN ang outfit n'ya ngayon.

"Finally... Tita, sorry si Juancho Aquitania lang ang nahatak namin," pang-aasar ni Koko sa kaibigan niya.

"Are you kidding me? Top model yan eh. Hi Juancho. Thank God, you said yes," sabi ni Mommy na mukhang ngayon pa lang umayos ang mood. Tumango si Juancho. Napilitan lang naman siya eh. Pero at least nakakaraos na kami.

"Hindi po ako makatanggi sa dalawang ito," sagot ni Juancho na ikinatawa ni Koko. 'Yong tawang nangba-blackmail. 

Nagsimula na ang director na magtawag. Pumunta na sa backstage si Koko at Juancho at kami naman ni Mommy, pumunta sa dulo ng runway para manood ng rehearsal.

Isang slow rock ang kinakanta nila Jaxx incorporated ang classic music. Maganda 'yong kanta. Maganda ang arrangement. Pero as much as possible, gusto kong maalis na sa isip ko na HIS SONGS ARE NOT MINE ANYMORE.

Hindi na ako ang nasa bawat lyrics ng kanta. Sinabi niya na sa akin 'yon pero bakit kailangan akong umasa ng paulit-ulit na baka bumalik siya?

Alam mo agad na professional si Juancho. Hindi na kailangang turuan pa sila ni Koko. Ang galing at ang tangkad nila... hahaha.

"Nakakapanliit ano? Ang tangkad nila." Natatawa si mommy habang nanonood.

"Okay naman height ko, mommy," biro ko sa kanya.

"Call time bukas, 10 am,"  announce ni mommy habang nakapalibot ang mga model sa kanya. "Good luck sa atin. Sleep well ha," paalala pa ni Mommy.

Nagpaiwan ng kaunti si Juancho para hindi masabay sa mga ibang models. Nakaupo kaming tatlo nila Koko sa dulo ng runway. Nag-aayos ang mga sound technician at sila Jaxx. Nauna ng umuwi si Mommy sa amin.

"Margaux, naiintindihan kita kung bakit hindi platonic ang tingin mo sa dalawa." Ngumuso si Koko kina Jaxx at Mia.

Tumingin ako kay Jaxx at Mia. Nagkibit ako ng balikat. Ayaw ko ng pag-usapan.

"Siya ba ang sinasabi mong nang-iwan sa iyo ng walang paliwanag?" tanong ni Juancho.

Napabalik ang tingin ko kay Juancho at sa tumatawang si Koko.

"Chismoso mo," defensive na sagot ko. Tumawa na rin si Juancho.

Sky... bakit medyo bulag ka?

"Uy, ikaw nga itong ayaw akong palabasin ng office no'ng umiiyak ka," paalala ni Juancho sa akin. Totoo naman. Mabuti at mahina lang ang usapan namin. 

"Unreasonable ang mga tao kapag nagseselos." Tumaas-taas ang kilay ni Juancho sa akin at hinihikayat akong mag-disagree.  "Syempre nasasaktan ka eh. Paano mo pa maiisip na friends lang sila kung naka-angkla si girl na parang oyster?" patuloy ni Juancho.

Hindi naman parang oyster. Nakahawak lang si Mia sa braso ni Jaxx at pilit na hinihila paalis ng stage. Platonic para sa iba pero sa babaeng nasasaktan, syempre iba ang nakikita.

"Akala ko si Paulo ang iniiyakan mo dati." Sinipa ng bahagya ni Juancho ang paa ko.

"Juice kuh... Kinuhanan ko pa nga sila ng video," nasabi ko na lang.

"Patingin!" Sira ulo din tong si Juancho.

Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang phone. Pinakita ko ang video ni Paulo at ng guy na kahalikan niya.

"Confirm si Pau." Tumatawang sabi ni Juancho at ibinalik sa akin ang phone. "Hindi ka naman pala suplada," sabi ni Juanchosa akin after a while. 

Napangiti ako ng bahagya.

"Sa aming tatlo nila Sky, si Margaux ang laging mayroon, HINDI NAMAN SIGURO, sa tuwing may pag-uusapan kaming ibang tao. Lagi siyang may benefit of the doubt. Hindi ko nga maintindihan bakit iba ang tingin sa kanya, eh mas savage si Sky kung magsalita," wika ni Dakota. Napatingin ako sa shoes ko.

"Totoo," sang-ayon ni Juancho. "Pero huwag nyo akong isumbong baka mawalan ako ngtrabaho." 

Napailing na lang kami ni Koko.

"Nagsasalita lang naman ng masakit si Margaux kapag may ginawa na sa kanya eh. Tapos aakto na biktima ang napagsalitaan niya. Tapos si Margaux na ang masama. Paulit-ulit na ginagawa sa kanya kaya nakakasawa silang pakinggan," sabi ni Koko na may hinanakit sa boses. 

Bakit ba buhay ko ang topic natin?

"Masyadong selective ang memory ng ibang tao. 'Yong mali lang ni Margaux ang naalala nila, but the reason why she acted that way, they tend to forget. Double standard pa sila. Kung ano-ano ang sasabihin nila behind her back. Kesyo, SPOILED RICH KID si Margaux. Pero kapag pinamukha mo sa kanila ang totoo, si Margaux ang mali? Sana kung nagmamaldita sila sa likod ni Margaux, kaya din nilang sumabay sa harapan. Kaso hindi eh. Patalikod sila kung tumira. Tapos pa-victim na kapag harapan ng usapan." Sabi ni Koko. Tumingin siya kay Jaxx kaya napatingin din ako. Pababa na sila ni Mia ng stage.

"Sana, hindi buhay ko ang usapan natin," biro ko kay Koko na ikinangiti nila ni Juancho.
"Masyadong malungkot."

"May ipapakilala ako sayo Margaux," hirit ni Juancho.

"Huwag na. Baka paminta na naman yan," tanggi ko.

Nagtawanan sila Juancho at Koko. Tigilan n'yo na ako sa love life. Masyadong masakit magtiwala.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon