Chapter 17- Blaze

8.1K 289 34
                                    

Margaux

"Maam Margaux, phone call." Binigay ni Maureen ang mobile phone ko sa akin.

"Sorry, I need to take this call," paalam ko. "Please do continue the meeting."

Nasa meeting ako with Tito Douglas and Overdrive para sa Tour nila when Maureen mouthed who is on the other line. 

"Lola, good morning." Bati ko sa kabilang line.

"Good morning hija. Ano itong nabalitaan ko na wala na kayo ni Paulo. Is this true?"

"Yes lola," I replied. Botong boto si Lola sa bakla na iyon. 

"Dahil pa rin ba ito sa lalaking nanloko sa iyo?" Nag-iba ang boses ni lola.

"He is out of this. Paulo is gay," sagot ko.

"Hija, Paulo came from respectable family. Meet me later. We will talk about this," utos ni Lola.

"I have work to do," katwiran ko.

"What time you will reach? In two hours?"

"I have work to do Lola. Paulo and I are over. He is gay. End of the story. Wala tayong pag-uusapan na dalawa," naiinis na sagot ko. Pinatay ko ang phone ko at huminga ng malalim.

Why all this years, I am still this child that craving for her approval? Gaano ba kalalim ang sugat ko noong bata para dalin ko ang ache ng rejection hanggang ngayon?

"Margaux, okay ka lang?" tanong ni Jaxx sa akin. Hindi ko siya napansing lumabas ng meeting room. 

"Yeah. Sorry," I replied. Nilagpasan ko siya at bumalik sa loob ng meeting room.

Sumunod si Jaxx after five minutes at kasama na niya ni Mia. 

The ache, here we go again, heart. 

"Shall we continue?" tanong ko kay Tito Douglas. Hindi ko na lang pinansin si Mia.

"May hinihintay pa tayo," sagot niya.

Natingin ako kay Maureen. Nagkibit balikat siya.

"Sorry...Na-overdrive ako," sabi ng bagong dating. Lumingon ako sa pinto at nandoon si Blaze.

"Hey... Long time, no see ah." Nakangiting bati ko. Umulan ng fist bumb galing kay Blaze.

"How are you?" sasayang tanong ko.

"Prof na yan," sagot ni Brix.

"Really... May natututunan ba ang mga student mo o tinititigan ka lang?" biro ko.

"Both," nakakatawang sagot ni Blaze at binigyan ulit ako ng isang fist bump.

"Nandito na lahat. Blaze, this is Mia. Un-official member ng Overdrive. Si Margaux, kilala mo pala. Siya ang stylist ng grupo and that's her team." Pagpapakilala ni Tito Douglas sa isa't –isa.

"Okay," tatatawang sagot ni Blaze. "May stylist." 

Nagsimula na ang meeting tungkol sa schedule ng tour. Isang concert sa MOA tapos South East Asia na ang kasunod.

Nag-ring na naman ang phone ko. Natigil sila sa meeting at natingin sa phone. I cancelled the call when I see it's from Lola.

"Kailangan din ba ng outfit ni Blaze?" tanong ko kay Tito Douglas.

"Yes. Kaya pa bang ihabol si Mia?" tanong ni Tito.

Tumango ako kay Maureen at siya ang kumuha ng sukat kay Mia.

"Ako na kay Blaze, Madam," rresinta ni Kimberly.

"Si Margaux na lang," sagot ni Blaze. Malaki pa ang katawan ni Kimberly sa kanya.

Tumayo ako para kuhanan ng sukat si Blaze.
"Still, short." Tukso ni Blaze sa akin. "Tagal nyo na rin ni Jaxx noh?"

Biglang tumigil ang lahat sa office at natingin sa akin. Awkward...

Tumango ako. "Matagal na kaming hiwalay," sagot ko.

"What? Margaux sorry. I didn't mean... really. Akala ko kayo pa. Pre, sorry." Hinging paumanhin ni Blaze sa amin ni Jaxx.

Nagpipigil ng tawa sila Brix, Ryker at Drake. Binigay ko kay Maureen ang sukat na nakuha ko kay Blaze.

"Ano hawak mo ngayon, Blaze? Ukulele?" biro ko para mawala ang awkwardness. 

"Papalitan ko si Jaxx," sagot niya.

Umiling ako. "Hindi mo mapapalitan," sagot ko. Napatingin sila Jaxx sa akin.

"Sintunado ka di ba?" dugtong ko.

"Grabe... Hindi ako 'yon," tanggi ni Blaze. "Si Tito Redgie ang narinig mo." 

Nagtatawanan kami. Pati si Drake na saglit ko lang nakasama dati bago naging magulo ang lahat. Na-out of place si Mia.

"Paano...mauna na kaming umalis. Nice to see you again Blaze," paalam ko.

"Aalis ka na agad? Hindi ba tayong pwedeng lumabas, gaya ng dati? Tayo-tayo oh." Yaya ni Blaze sa akin.

"Next time...Promise."

Natingin si Blaze kay Jaxx na katabi si Mia.

"Ahhh girlfriend ba ni Jaxx si Mia? Tang-ina, ang dami ko ng hindi alam," walang prenong tanong ni Blaze.

Kung todo iling si Mia.

"Gago, hindi," sagot ni Jaxx.

"Eh kasi ang close ninyo eh!" sagot ni Blaze sabay tawa. "Sorry...Sorry." 

Naiilang na umusog palayo si Mia ng upuan.

"Sige po Tito Douglas. Overdrive... huwag na sanang ma—"

"Overdrive!!!" sagot nila ng sabay-sabay. The good old joke... I missed it. 

"Ingat kayo Margaux," bilin pa ni Blaze bago kami lumabas ng team ko.

"Ralph" Hinayaan ako ni Sky na malasing. Sama ng loob ko ngayong araw na ito. Ayaw akong tigilan ni Lola sa pagseset-up sa mga kilala niyang mayayaman. Parang wala akong karapatang pumili ng gugustuhin ko. Kasalanan ko ba kung wala silang anak at apo? Kung ako ang nag-iisa, kasalanan ko ba 'yon at pinapakialaman na nila ang buhay ko? Laging pinamumukha sa akin na minsan akong namili pero namali ako ng pinili.

"Ang hot mo naman stage," sabi ko galing sa epekto ng alak. Kakatapos lang nilang kumanta. Si Ralph lang naman ang ka-close ko sa mga ito. Natawa ang mga kaibigan niya. Haayyy mukha na naman akong tanga sa paningin nila.

Bumulong si Sakura sa babaeng masama ang tingin sa akin. Ano ang problema nito? Baka bago nilang friend.

"Sino ang nagpaasa sayo ha? Aabangan ko," biro ko kay Ralph.

"Ang gwapo-gwapo mo na nga eh. Para kayong kambal ni Kuya Gab kanina."

Binuksan ko ang isang butones ni Ralph kasi hindi bagay na naka full button ang polo niya.

Bumulong si Jaxx sa bagong babae. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lumabas sila and at the same time hinila ako ni Sky pabalik sa table namin.

"Lumapit ka na naman sa kanila. Pag-uusapan ka na naman," bulong ni Sky.

"Kilala mo 'yong kasama ni Jaxx?" tanong ko.

Umiling si Sky.

Naglalakad kami pauwi ni Sky para raw mawala ang hang-over ko. Hinatid niya ako sa bahay. Nakaupo si Jaxx sa labas ng bahay nila. May kasama siyang lalaki na hindi ko kilala.

"Margaux" pinipigilan ako ni Sky pero nakalapit pa rin ako kay Jaxx.

"Sino 'yong kasama mo kanina?" kalmadong tanong ko. Nakasunod sa akin si Sky at hinihila ako pabalik sa bahay.

"Lasing ka," sabi ni Jaxx.

"Sino nga 'yon? Ngayon ko lang siya nakita," pangungulit ko.

"Flavour of the month," sagot ng kasama ni Jaxx.

Hindi naman siya nagsalita kaya tumango na lang ako at bumalik sa bahay kasama si Sky.

That night, umiyak ako nang umiyak habang nakatingin sa nakasarado kong bintana.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon