Chapter 30- The Secrets

8.7K 288 10
                                    

Jaxx

Naghihintay kaming lahat sa labas ng operating room. Ayaw umuwi ni Koko at Sky. Hindi rin ako mapauwi nila mommy. Si Yuan nakasupport naman sa dalawa at hindi rin umuwi.

Pinauwi na sila London, Brook at Rome. Si Mia binigyan ng sedative para kumalma at iniuwi na din ni Ralph.

Si mommy at daddy, pinakiusapan ko na lang na dalan ako ng damit pagbalik nila sa umaga.

"Sky... Ano ang ginawa ni Tita Laura sa anak ko?" Tanong ni Tita Kaye.
"Madami Tita." Sagot ni Sky.
"Please let us know, Sky...Dakota..." Tita Kaye pleaded.
Natingin sa akin si Sky.

"Gaya po ng sinabi ko kanina, pinagsabihan ni Lola Laura si Margaux dati na huwag makisama sa pinsan niya dahil... anak daw sa labas si Tita Diane." Huminga ng malalim si Sky.
"Go on Sky... Kailangan naming malaman lahat ng alam ninyo." Sabi ni Tita Diane.

"Kaya iniwasan ni Margaux sila Brook kahit gusto niyang makasama sila. She never approved your... marriage... sorry." Napayuko si Sky.
"Sige lang Sky. Magsalita ka... Hindi naman kami sa iyo nagagalit. Please, magsalita kayo." Paki-usap ni Tito Angel.

"Iyon po ang pinapamukha naman ni Lola kay Margaux when she was dating Jaxx." Napayuko na naman si Sky.

"She used those hurtful words so Margaux will do whatever she wanted to do para hindi nito masabi sa ibang tao ang mga salitang iyon. Lahat po sinunod ni Maragux para lang maapprove siya ng Lola niya. Because she was craving for acceptance dahil wala siyang mga kaibigan." Tumulo na naman ang luha ni Koko at Sky.

"She asked me to leave Margaux alone, dahil daw po anak si mommy sa labas at hindi magandang image kay Margaux ang mga scandal ng pamilya ko. I was twelve at that time. Iniwasan ko si Margaux but I saw her crying kaya pinilit ko siyang magsabi sa akin ng totoo. If you remember Tita, dalawang gabi kaming nakitulog sa inyo ni Dakota para mag-open up siya sa amin."

"Natatandaan ko yun." Sagot ni Tita Kaye.

"Lahat ng naging boyfriend ni Margaux, pinilit sa kanya ni Lola Laura. Si Jaxx lang talaga ang pinaglaban niya kay Lola Laura. I was there when she stand against Lola Laura. Kaya po ng nagkahiwalay sila, Lola Laura used that para maipamukha kay Margaux na minsan na siyang namili at nagkamali." Huminga ng malalim si Sky.

Pinaglaban niya ako pero mas pinili kong halikan ang babae na hindi ko kilala dahil alam kong padating na si Margaux sa hallway at gusto kong makita niya na kaya ko siyang palitan. Dahil akala ko hindi niya ako ipaglalaban. Ang laki kong gago.

"Dakota?" Tinawag ni Tita Kaye si Koko.
"Wala pong masyado sa akin bukod po sa convicted si Lolo ng pananakit kay Lola. Iniiwasan ko po si Lola Laura ng marinig ko pong ang sinasabi niya kay Margaux na masang tao ang mga anak sa labas." Sabi ni Dakota.

"Anak din siya sa labas. Ano ba ang pinagkaiba niya sa akin?" Ramdam ko ang galit ni Tita Diane.
"Putang-ina." Napamura si Tito Angel.
"It was too late when Margaux realized that she lost the opportunity to mend with her cousins." Sabi ni Sky.
  "It's not too late." Umiling si Tita Diane.

"Jaxx?" Tawag sa akin ni Tita Kaye.
Umiling ako.
"Ano ang ginawa ni Tita sa inyo ni Margaux?" Naluluhang tanong ni Tita Kaye.
"Ako po ang may kasalanan ng sa amin ni Margaux." Sagot ko.
"Ano ang sinabi niya sa iyo?" Tanong ulit ni Tita Kaye.

Huminga ako ng malalim.
"Ano ang ipapakain sa iyo ng isang DUKHA? Iyon po ang tinanong ng Lola ni Magaux sa kanya noong sinabi niya na boyfriend niya po ako dati." Sabi ko. Napasinghap sila Tita Kaye at Tita Diane.
Napatingin si Sky sa akin.
"Narinig mo?" Tanong niya.
Tumango.
"Pero hindi lahat?" Tanong niya ulit.
Tumango ulit ako.

"Huwag mong sabihin sa akin na siya ang boyfriend mo dahil hindi ako papayag... Siya ang hahawak ng kumpanya? Para siyang isang langaw na natungtong sa kalabaw kung ganoon. Iyon po ang narinig ko." Sabi ko.

Napasuntok sa pader si Tito Angel.

"Tinawagan niya ako minsan, sinabi niyang layuan ko na si Margaux dahil po may boyfriend na siyang mayaman at wala daw po ako sa kahit kalahati ng pera nito." Hindi ko na lang sinabi lahat baka mabutas na ang pader sa kakasuntok ni Tito Angel.

"Humanda sa akin yang matanda na yan." Sabi ni Tita Diane.

"Gusto ko lang maging okay si Margaux. Masyado na siyang nasaktan. Sorry po." Napayuko ako sa hiya sa kanila.

"Magpahinga na kayo. Jaxx, puro ka pa dugo..." Sabi ni Tita Diane sa amin.
Umiling kaming tatlo sila Koko at Sky.

"Yuan, uwi ka na. Huwag ka na din pumasok mamaya." Sabi ni Sky sa assistant.
Ayaw naman din umuwi nito. May dugo din siya dahil sa pagtulong niya sa akin kanina.

"Sorry po Tita Diane kanina. Hindi ko po dapat sinabi yun." Hinging paumanhin ni Sky.
"Mabuti nga Sky at sinabi mo." Sagot ni Tita Diane.
"Hindi namin alam na ganito kalalim ang sugat ni Margaux. Akala ko napalaki kong spoiled dahil nag-iisa." Naiyak na ng tuluyan si Tita Kaye.

"Ayaw niya pong ipaalam, Tita. Malalagot kami kapag nalaman niyang chinika namin sa iyo ang secrets niya." Pinilit ni Koko na pangitiin si Tita Kaye.

"Jaxx, for what is worth, nakita naming naging masaya si Maragux ng kasama ka. Never ka naming idodown..." Sabi ni Tita sa akin.
"Alam ko po Tita. Kasalanan ko po talaga dahil nagpaapekto ako sa sinabi ngLola niya." I replied.

"Tita, papayagan mo bang manligaw ulit si Jaxx kay Margaux?" Tanong ni Dakota kay Tita Kaye.
Nangiti si Tita kahit umiiyak.
"Nakakakilig kaya yung ginawa niyang kanta para kay Margaux." Tuluyan ng ngumiti si Tita Kaye sa sinabi ni Koko.
"Naging fangirl tuloy ako ng wala sa oras."  Dagdag ni Koko.

"Basta mahal si Margaux, kahit sino. Pero plus point sa akin ang magaling gumawa ng kanta." Sagot ni Tita Kaye.

Tito Angel clapped my shoulder. "Magpahinga na kayo Jaxx. May kwarto kaming kinuha. Doon muna kayo. Kami na maghihintay dito."
"Jaxx... Pahinga na. Pagod ka din." Sabi ni Dakota sa akin.
"Sige na Jaxx. Tara na..." Yaya ni Sky na mukhang napipikit na. Kinuhanan pa naman sila ng dugo kanina.
"Kami ng bahala Jaxx. Maraming salamat." Tita Kaye kissed my forehead.

Sinabi ni Tito ang room number sa amin. Pumunta kaming apat sa kwarto at nakatulog kami pagkaupo namin.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon