Chapter 29- Reprove

8.6K 311 30
                                    

Jaxx

Unang dumating si Sky, Dakota at ang assistant pala ni Sky na si Yuan. Puro ng dugo ang damit ko at wala akong pakialam sa Media na nasa labas.

"Jaxx... Si Margaux?" Tanong ni Koko.
"Nasa ER. Pinalabas nila ako." Sagot ko. "Si Star? Nadamay ba?"
"Pinauwi ko kasabay ni Kuya." Sagot ni Sky.

Sunod na dumating si Mia at Ralph.
"Si Margaux?" Umiiyak na tanong ni Mia.
Walang halos kumikibo.
"Nasa ER." Sagot ni Yuan.

Naupo sa tabi namin si Mia at pinapatahan ni Ralph. Dumating si Mommy kasabay sila Tita Diane at Tita Kaye.

"Si Margaux? Ano ang nangyari?" Nanginginig si Tita Kaye. Nang-iisang anak si Margaux.
"Nasa ER po." Yumuko ako para itago ang mga luha ko.

Napaupo si Tita Kaye at umiyak. Yakap yakap siya ni Tita Diane.

"Diyos ko po. Ang anak ko." Iyak ni Tita Kaye. At wala akong magawa. Lagi akong walang magawa.

Dumating ang iba naming mga kaibigan... at iisa ang tanong nila. Ano ang nangyari? Huling dumating si Brook, kasama si Rome.

"Bakit nabaril si Maragux? May nasabi ba siya kaya siya binaril?" Tanong ni Brook.

"Ano?" Tanong ni Sky.
"Sky..." Awat ni Koko sa kanya.
"Ano yang sinabi mo, Brook?" Tumayo si Sky at galit na galit nahinarap si Brook.

"Bakit nabaril si Margaux? Dahil sinagip yang kaibigan nyo. Iyon ang nangyari." Sigaw ni Sky sa mukha ni Brook.
"Sky tama na..." Awat sa kanya ni Koko.
Kumakawala si Sky sa pagkakahawak ni Koko sa kanya. Pati si Yuan inaawat siya pero galit na galit si Sky.

"Sige Brook... magsumbatan tayong dalawa dito. Tutal sinimulan mo na... Ano ang ginawa sa iyo ni Margaux, ha? Si Margaux... na walang ibang inisip buhat ng bata siya kung hindi iligtas kayong tatlong magkakapatid sa lupit ng Lola niya. Si Margaux, na pinagkaisahan ninyong lahat. Instead of reaching out, you turned your back on her. Kayo dapat ang umiintindi sa kanya dahil pinsan niya kayong tatlo."

"Sky... Kumalma ka. Hindi gusto ni Margaux yang ganyan." Hinaharangan ni Koko si Sky but she stepped aside and put Koko at her back.

"Alam nyo ba kung bakit umiwas si Margaux sa inyo? Because at her young age of seven, she wanted to protect you from Lola Laura. Alam nyo ba ang sinasabi ng Lola ninyo sa inyo? Para lang hindi kayo ipahiya dahil anak sa labas si Tita Diane..." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Sky pero pinahiran niya ito...
"... sinunod niya ang lahat ng sinabi ni Lola Laura at iwasan kayo. Akala nyo mabait si Lola Laura... Well, kinausap nya rin ako na layuan si Margaux when I was twelve dahil anak si mommy sa labas. Hindi ninyo masisikmura ang sasabihin ni Lola Laura. I climbed the wall that Margaux built around her and I saw how broken she is. Until now... At ikaw Brook. Margaux may get angry with me pero ipapamukha ko talaga sa iyo na pinagtakpan ka niya ng hindi mo siya ininvite sa debut mo. She said she doesn't feel well para hindi ka pagalitan. Ngayon... sino ang SPOILED... RICH...KID?"

"Dahil kung hindi sinagip ni Margaux yang magaling ninyong kaibigan... malamang siya ang nasa ER at hindi ang kaibigan ko." Sigaw na naman ni Sky kay Brook na umiiyak na at nakayakap kay Rome.
"Ulitin mo ngayon Brook ang sinabi mo...sa harapan ni Tita Kaye." Ramdam ko ang galit ni Sky. Nakakasakit din talaga kasing marinig ang mga sinabi tungkol kay Margaux.

"Hindi ko alam." Mahinang sagot ni Brook.
"Of course hindi mo alam. Hindi ka naman nagreach out, eh. Pinili nyo siyang talikuran." Sagot ni Dakota sa kanya.

Napayuko si Dakota at umiiyak sa tabi niya si Sky. Si Yuan ang kumakalma sa kanilang dalawa.
Hindi nakakibo si Rome, London at Brook.

"Excuse po... Sino po ang kamag-anak ni Margaux Romualdez?" Tanong ng isang doctor na lumabas sa ER. Napatayo kaming lahat.

"Ako ang mommy niya." Sagot ni Tita Kaye.
"Kailangan siyang masalinan ng dugo. At kailangan siyang operahan agad. Tinamaan ng bala ang liver niya." Sagot ng doctor.

"Ka-blood type ko si Margaux." Sagot ni Sky.
"Kulang ang isang donor." Sagot ng doctor.
"Ako po. Magkablood type po kaming tatlo." Sagot ni Dakota.

Kung bakit kasi, hindi kami magkablood type... Kahit sa huli, wala akong magawa.

Sumama sa loob ng ER si Koko at Sky. Sumama din si Tita Kaye para makita si Margaux. Naiwan kaming lahat na naghihintay.

"Kayong tatlo... mag-uusap tayo pag-uwi sa bahay." May authority na sabi ni Tita Diane sa tatlong anak niya.

Lahat ay nangyayari sa harapan ko... pero wala akong magawa... Wala akong magawa.

"Diane... Ano ang nangyari?" Humahangos si Tito Angel.
"Si Margaux?" Tanong ni Tito.

"Nasa ER. Puntahan mo, nandoon si Kaye." Sabi ni Tita Diane na pinipilit din magpakatatag.
Tumakbo si Tito Angel papasok ng ER.

"Jaxx... May alam ka ba sa mga ginawa ni Tita Laura kay Margaux? Sa mga pinagsasabi ng matandang yun sa likod naming magkapatid?" Tanong ni Tita Diane sa akin.
"Hindi ko masasabi Tita dahil madalang kong makita ang Lola ni Margaux. Ang alam ko lang ay ang mga kinukwento nya dati. Pero narinig ko na siyang magsalita. And like Sky, pinalayo niya din ako kay Margaux." Mahinang sagot ko.
"Ano ang sinabi sa iyo? Tatamaan sa akin ang matandang yun." Galit na galit na si Tita Diane.
Umiling ako. "Gaya ng sabi ni Sky Tita, hindi nyo masisikmura." Sagot ko.

Dumating ang mga kabanda ko. Naharang daw sila ng media sa labas at nahirapang pumasok. Nag-aalala din sila kay Margaux at ayaw din magsi-uwi.

Halos mapuno namin ang hallway ng dumating ang mga titos and titas. Si mommy, hindi umalis sa tabi ko. Dumating din si daddy kasabay nila Tito Tristan.

"Jaxx..." Tawag ni daddy sa akin.
Hindi ako kumibo.

Gusto kong akuin na lang ang nararamdaman ni Margaux. Wala na naman akong magawa.

Nagyuko ako ng ulo at hinayaang tumulo ang pinipigil kong mga luha. Hinayaan ako ni mommy at daddy na umiyak.

Lumaban ka Margaux... Please.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon