Jaxx
Hindi kumo-contact si Margaux kahit kay Sky at Dakota. Ilang months na din siyang wala. Isang buwan ng tapos ang tour namin... wala pa rin akong balita sa kanya.
I was thinking to pursue my studies. Magmaster kaya ako or mag-law? Kapag ba naging corporate lawyer ako, hindi na ako alangan sa kanya? God... so help me God. I promised to wait for her, but at least kausapin nya naman sana ako.
"Tita nandiyan po si Jaxx?" Narinig ko si Mia sa labas.
"Pasok lang. Nasa kwarto as usual." Sagot ni mommy.Nasa kwarto lang lagi ako. Nakatanaw sa nakasaradong bintana ni Margaux. Baka sakaling bumukas... baka sakalaing nandiyan na siya.
"Jaxx..." Kumatok ng dalawa si Mia bago buksan ang pintuan ko.
Nakaupo ako sa kama ng lumapit siya sa akin at isang suntok sa mukha ang pinakawalan.Tang-ina... Nasapo ko ang panga ko. Masakit ah. Saan galing ang lakas nito?
"Sira ulo ka... Bakit hindi mo kinorrect kay Maragux na hindi ako kasama sa flavor of the month mo? Who is that fucking guy you're with at that night? Mga gago kayo... Wala kaming malay tapos nag-away kaming dalawa ni Margaux... Sino yun?"
Parang maliit na aso si Mia kung magtahol.
"Paano mo nalaman yun?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Nauna akong magtanong sa'yo ah." Galit si Mia. Namumula sa galit.
"Si Dambo." Sagot ko. Isa sa security namin na hindi kilala ni Margaux.
"Humanda sa akin yung Dambo na iyon." Sabi ni Mia.Kinuha niya ang cellphone niya at maya-maya ay umalis ng walang paalam. Hindi man lang nagsorry ang tinamaan. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
Umaasa akong si Margaux ang nagmessage pero si Mia lang pala. Nang buksan ko ang picture na sinend niya... tumigil ang mundo ko pati ang paghinga.
Si Margaux... magmamadre?
"Mia..." Sigaw ko mula sa kwarto at hinabol si Mia.
Nadaanan ko si mommy sa labas at nakatingin sa akin ng tumakbo ako palabas ng bahay."Mia..." Tawag ko kay Mia na tumakbo naman pabalik sa bahay nila.
"Tatamaan ka sa akin." Hinabol ko si Mia at nagulat si Manang Flor ng pumasok ako sa bahay nila na parang doon ako nakatira."Hoy...bastos ka neh." Bulyaw ni Manang Flor sa akin. Deretso akong umakyat sa second floor.
"Mia... Nasaan si Margaux? Mia..." Kinalampag ko ang pintuan ng kwarto niya.Tang-inang...
"Mia... gigibain ko itong kwarto mo. Nasaan si Margaux?" Sigaw ko.
Hindi sumasagot si Mia.Si Manang Flor, umakyat sa second floor at pinapapalo ako ng walis tambo.
"Umalis kang damoho ka. Kakawalis ko lang. Nakayapak ka pang pumasok." Sabi ni Mang Flor.Tang-inang mag-amo 'to, nakakabwisit pareho.
"Tumigil ka nga Manang Flor." Saway ko sa matanda.
"Aba't damoho kang bastos ka." Sabi ni Manang Flor at pinagpapalo ulit ako ng walis tambo.Lumabas ako ng bahay nila Mia at pinagbabato ko ang nakabukas niyang bintana. Pumasok sa loob ng kwarto ang mga bato at bunga ng pine tree.
"Gago ka Mia... May utang ka sa akin. Kapag ikaw ang nangailangan ng tulong hindi kita tutulungan..." Nagngingit-ngit ako sa galit na bumalik sa bahay at nagbihis.Nagtataka si mommy ng lumabas ako ulit na dala ang helmet ng motor ko. Pinaharurot ko ang motor papunta sa The Lakeside.
Nagkumpulan ang barkada ko ng pumasok ako sa resto.
"Si Amboy?" Tanong ko sa bar tender. Naka leave na si Summer at mukhang manganganak na.
"Jaxx... problema?" Tanong ni London."Nasaan si Maragux?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi namin alam." Sagot ni Sakura. Pero mukha siyang may alam. Si Sakura pa..."Ano problema mo, Jaxx?" Tanong ni Amboy sa akin. Kalalabas lang niya ng office nila.
"Nasaan si Margaux?" Tanong ko ulit. Tinaasan ako ng dalawang kilay ni Amboy at nag-cross arm.
"Kung hindi ka lang mukhang miserable, baka sinapak kita." Sagot ni Amboy.
"Napapala mo sa kagaguhan mo, Jaxx." Sabi niya pa."Tang-ina, yung syota mo sinapak na ako oh." Pinakita ko ang panga ko na mukhang magpapasa.
"At sinend sa akin 'to." Tinapat ko sa mukha niya ang picture ni Maragux."Nasaan si Maragux?" Tanong ko ulit kay Amboy.
Lumapit si London sa akin at tiningnan ang picture sa cellphone ko.
"Huwat the?" Nasabi na lang ni London.Nanlalambot akong napaupo sa bar stool.
"Kung lalaki ang karibal ko, pwede kong ipapatay di ba? Pero... Magmamadre siya? Ano ang laban ko kay Lord?" Nasapo ko ang ulo ko ng dalawang kamay. Naglapitan na din si Brook at Sakura."Baka photoshop lang." Sabi ni Brook.
"Do I look stupid to you, Brook? Alam ko ang photoshop sa hindi." Sigaw ko.
"Grabe...chill." Tinaas ni Brook ang dalawang kamay niya.Nakadukmo ako sa upuan ko ng may tawagan si Sakura sa phone niya. Nakaloud speak ito.
"Good Evening. Carmelite Monestery, may I help you." Sabi ng nakasagot.
"Good evening. Sorry to disturb you. Please sister, kindly help me to talk to Margaux." Sabi ni Sakura.
Napatingin ako sa kanya at nag-shhh siya sa akin.
"Margaux? Is she a sister in here?" Tanong ulit ng nakasagot."I believe she is a student or a trainee. I'm calling from the Philippines. From her hometown. I'm Dakota, her friend." Sabi ni Sakura at napapikit sa pagsisinungaling niya.
"Oh... I see... Can you hold on for a minute or two?"
"Yes, please. Thank you."Binigay ni Sakura ang phone sa akin. At naghintay kami kung sasagot si Margaux. After ng long wait, narinig ko din ang boses ni Margaux.
"Hello." Sabi niya.
"Margaux... umuwi kana please." I pleaded. Narinig kong tumawa ng bahagya si Amboy.
"Jaxx? Are you okay?" Tanong ni Margaux.
Tinanggal ko sa loudspeaker si Maragux. Nakadukmo ako sa bar at mukhang hindi ako bibigyan ng privacy ng mga kaibigan ko.
"I am not okay... I had a mini heart attacked when I saw your picture wearing a nun habit..." I said.
"Oh..." Iyon lang ang sinabi niya."Labs...anong oh? Umuwi kana. Baka sa pag-uwi mo sa mental mo ako abutan. Umuwi ka na, please..." I begged her.
"Mapapagalitan ako sa pagtawag mo dito. But, I'm glad that I heared your voice.Uuwi din ako." Sabi niya.
"Kailan?"
"Ingat ka Jaxx... I love you." She said and the line went off.
Napatingin ako sa phone."Ano sabi?" Usisa ni Sakura.
I love you...that's what she said.
BINABASA MO ANG
Unplugged
RomanceSa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi ko mailagan ay IKAW. Ang hirap mong abutin. Parang ikaw ang bituin. Para kang apoy na mahirap hawaka...