Chapter 38- Closure

10.4K 319 39
                                    

Margaux

Some stories need closure, but some needs to be left behind. Gaya ng sa amin ni Brook. No need to say sorry as we do not need the past. The past is too painful for us to visit over and over.

Yumakap ako ng mahigpit kay Brook.
"Welcome back, cous." Bulong niya sa akin.

I saw Jaxx smiled behind Brook. And my heart... my heart is ready to accept the love that they will give because I already unloaded the pain that I stored inside of me.  Iniwan ko na sa Switzerland.

"Huwag mong pansinin si Kuya Rome, mainit lang ang ulo nyan." Sabi ni Brook ng bumitaw kami sa isa't-isa.
"Why naman?" Tanong ko.

Tumawa si Brook at London.
"Na-office na naman ang kambal. Kagagaling niya lang sa school. Pinaghahanap na sila ng bagong school. Kick-out na ang kambal niya." Sabi ni London.
Umasim ang mukha ni Rome kasi nagtawanan ang mga nakarinig sa kwento ni London.
"Hala... bakit naman? Kawawa naman yung kambal." Ang bata pa ng dalawa para makick-out.
"Mas kawawa yung pinagtulungan. Ayaw ng pumasok. Natrauma yung bata." Sabi ni Brook.

"Ano ba ang nangyari?" Natatawang tanong ni Kuya Carlos.
"Ako ang magkukwento para masaya..." Sabi ni London.
"Recess daw, eh di nagkakagulo ang mga bata. Yung isang kaklase nung dalawa, may dalang chicharon. Tapos di ba sa chicharon may papel na nakalagay kung saan gawa yung chicharon..." Simula ni London.

"Oo... Yung may phone number pang kasama yun di ba?" Sagot naman ni Kuya King.
Nagtanguan kami.

"Eh di eto na... nakita ni A yung papel na iyon tapos nagalit daw... Tinawag si B... eh kambal eh. Pareho ng kulit eh... Tapos pinakita ni A kay B ang papel, eh di nagalit din yung isa. Yung batang kumakain ng chicharon, sinapak nila at pinagbintangan na pinatay daw si Peppa Pig." Kwento ni London.

Nagtawanan talaga kami. Nayuko si Kuya Rome...

"Kasi ba naman, yung papel, ang nakalagay sa pangalan ng gumawa, Peppa Pig Special Chicharon. Ayun, kick-out yung dalawa." Dagdag pa ni London. Nagtago ako sa likod ni Jaxx at doon tumawa. Tawa kami ng tawa... si Kuya Rome, nailing na lang. Wala na siyang magawa. Nilabas pa ni London ang picture ng papel na sinasabi nila. May evidence talaga.

 "Ano? Ang sarap maghanap ng bagong school, ano? Ramdam mo na ang hirap namin sa iyo? Simula pa lang yan, Rome

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano? Ang sarap maghanap ng bagong school, ano? Ramdam mo na ang hirap namin sa iyo? Simula pa lang yan, Rome. Matagl-tagal pang mag-aaral ang dalawang yun." Sinulsulan pa ni Tita Diane.

"Rome, magpatayo ka na lang ng sarili mong school." Sabi ni Kuya Carlos at nagtawanan sila.
"Mabuti kamo, si Axel hindi tinawag. Isa pang sutil yung anak ni Gab... Baka nalumpo yung bata na ang kasalanan lang ay pinabaunan ng chicharon." Tumatawa si London ng iwasan ang pambabatok ni Kuya Rome.
"Bakit kasi Peppa Pig ang company ng gumawa ng chicharon?" Tumatawang tanong ko.
"Kasalanan nung kumpanya ng chicharon." Tumatawang sagot ni Brook.

Umiiling na lang si Kuya Rome... Xerox copy niya ang kambal niya.

"Margaux!!!" Si Violet nandito pala. Pati na rin si Xykie.
"Kailan ka dumating?" Tanong ni Violet ng makalapit siya sa amin.
"Kanina lang." I replied.
"Bakit parang alam nyo kung saan siya nagpunta?" Naniningkit ang mata ni Jaxx ng tanungin sila.
"Dinalaw namin siya sa Monastery. Feeling ko kung nakita mo siyang nakapang-madre, nagbigti ka on the spot." Sabi ni Xykie kay Jaxx at tumawa. Lalong naningkit si Jaxx. Pwede ng pumasang K-pop sa sobrang liit ng mata.
"Di kami saklaw ng memorandum of agreement ninyo dito." Biro ni Violet.

"Ummm... Margaux. Pwede mo bang palitan ang shade ng lipstick ko? Hindi kasi gusto ni Kiro ang napili mo nung una." Sabi ni Sakura sa akin. Ngumiti ako kaya yumakap si Sakura.
"Sorry sa lahat..." Sabi niya.
"Wala na yun. Kalimutan nyo na." Sabi ko sa kanila.

Nakangiti si Koko at Sky sa akin ng lumapit ako sa kanila.
"Overwhelming?" Tanong ni Sky.
"Sobra." Sagot ko.

Nakarating din ako sa kuna ng triplets.
"Hi Summer. Ang ganda ng mga babies mo." Bati ko kay Summer.
"Hello, Margaux. Thank you. Nauna na akong manganak sa mga buntis. Seven months lang silang tatlo pero super lakas. Hindi kinailangan ng incubator." Sabi ni Summer.

Nagmulat ng mata ang tatlo, oo nga, blue ang mata nila.
"Dagdagan mo pa... Ang ganda ng lahi nyo." Biro ko. Natawa si Summer.
"Akin na lang ang isa, Mommy Sunshine." Sabi ni Dakota at pisil pisil ang paa ng baby.
"Gumawa ka ng sa iyo." Sagot ni Chase. Tumabi siya kay Summer at hinalikan sa lips. Sa harap talaga namin.

"Masusundan yang triplets na yan." Sabi ni Sky. Natawa kami at nahihiyang naghiwalay si Chase at Summer.
"Ninang kayong tatlo ha..." Sabi ni Chase sa amin.
"Sureness... Ang gaganda ng ninang nyo." Sagot ni Koko. "Ang daming papaiyakin ng tatlo na ito. Marcelo pa naman...Tatag ng tuhod niyan."

Sira ulo talaga si Dakota. Nagulat ang mga baby sa tawa namin.

"Nasaan si Star?" I asked. Hindi ko pa siya nakikita.
"Nagtatago." Bulong ni Sky.
"Ahhh...." Nandito kasi si Blaze. Pambihira...

"So... kayo na ulit ni Jaxx?" Tanong ni Koko.
"Yup."
"Talandi..." Kinikilig na sabi ni Koko at yumakap sa akin. Para kang may yakap na Avatar sa kanya.
"Tara kain na tayo." Yaya ni Sky.

Nasa harapan kami ng table ng food at hindi namin alam ang kakainin.
"Tititigan nyo lang ba ang pagkain? Bakit ba lagi kayong matagal sa pila?" Tanong ni Jacob sa amin.
"Nagbibilang ako ng calories." Naiinis na sagot ni Koko.
"Eh di tumabi ka muna habang nagbibilang ka... May gutom na nakapila." Nilagpasan kami ni Jacob at kumaha siya ng pagkain.
"Payat-payat mo, para kang tooth pick." Sabi pa ni Jacob. Nakalimutan na naming kumain, hinila muna namin si Koko paalis sa table. Baka sipain si Jacob ng wala sa oras at magkagulo.

"Napakayabang kahit kailan." Inis na inis si Dakota.
"Affected ka masyado kay Jacob." Sabi ni Sky sa kanya.
"Dati sinabihan akong chubby, ngayong pumayat ako mukha daw akong tooth pick. Sira ulo talaga..." Sagot ni Dakota.

"Kumain kana Labs?" Tanong ni Jaxx sa akin.
"Hindi pa."
"Tara na...Kain na tayo. Nakapila na sila..." Yaya ni Jaxx. Tinuro ang mga kabanda niya na nasa mesa na.
"Ano nangyari sa iyo?" Tanong ni Jaxx kay Dakota.
"Naku, huwag mo ng tanungin. Uusok lang ilong nyan. Tara na, kumain na tayo." Sabi ni Sky at hinila si Dakota.

"Problema nun?" Tanong ni Jaxx sa akin.
"Ahhh yaan mo lang. Nagkita na naman kasi sila ni Jacob kaya ganyan siya." I replied.
"Hali ka na. Baka pumayat ka." Hinila ako ni Jaxx papunta sa table.

I look back at my family na sobrang nagtatawanan sa mga kanya-kanya nilangtopic... we are not perfect because we are human but definitely, we are one.

"Labs, tara na."
"Coming, Labs." I murmured.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon