Chapter 19- Moment

7.7K 289 9
                                    

Jaxx

Umalis na si Margaux pero parang lutang pa rin ako.

"Ano pre, ilabas na ang kilig?" biro ni Drake sa akin.

"Namo ka," sagot ko pero nangiti ako kaya nagkanchawan na.

Pumasoksi Blaze at Mia sa recording booth.

"Ano na? Magrerecord na ba tayo ng sorry songs mo? Mukhang madami-dami eh," tukso ni Mia sa akin.

"Isa ka pa. Tumigil nga kayo."

"Luh... Ramdam namin ang kilig mo, Jaxx," kanchaw ni Brix.

"Tang-ina nyo."

Nagtawanan sila.

"Mabubusog si Jaxx sa laki ng kakainin niyang pride," ani ni Ryker.

"So, ano na ang plano mo?" usisa ni Blaze. "Hanggang tingin na naman?"

"Flowers... give her flowers," suggestion ni Mia.

Nakatayo kaming lahat sa booth at yakap ko ang gitara ko habang nagsasabi sila ng mga dapat kong gawin.

"Huwag n'yo ng gamitin 'yang pagselosin si Margaux tactics nyo. Hindi naman nakakatulong, nakakagulo lang. Nakakadamay pa kayo ng ibang tao," sumbat ni Mia sa apat. Napataas ang kilay ko. "An independent woman like her will not beg, you know. Ilang taon na bang ginagawa ni Jaxx 'yan, hanggang ngayon nganga?" 

Natahimik ang apat.

"May point siya," sabat ni Blaze.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. "Tangina n'yo. Tigilan nyo ang pakikialam sa buhay ko," sabi ko sa kanila.

Ryker taps my shoulder. "Ayusin na natin 'yong single na nirecord natin. Para may dahilan kang makipag-text mamaya."

"Ayyiiieee..." Nangunguna sa panunukso si Mia.

Sinend ko kay Margaux ang link kung saan ko sinave ang kanta na nirecord namin pagdating ko sa condo ko. Nakaabang talaga ako na mabasa niya ang message ko. And when SEEN appeared on the message. Hinintay ko naman na maging TYPING ang nakalagay sa pangalan niya.

THANKS.
-Margaux

Ehhh... paano ko rereplyan ito?

Nu ginagawa mo?
-Jaxx

Putik...bakit nakakakaba kapag hindi niya agad nababasa ang message ko?

Pinapakinggan ang kanta na sinend mo.
-Margaux

I chewed my lips and dialed her number.

"Hello," sagot ni Margaux on the third ring.

"Hey... uhmmm... nasaan ka?" I asked.

Jaxx... tanga... ang lame.

"Pauwi pa lang," she replied.

Past nine na... pauwi pa lang siya?

"Kumain ka na?"

"Hindi pa," she answered.

"Margaux, 'yong ulcer mo.Kapag umilit yan—"

"I know...I know... Wala lang talaga akong gana kapag si Lola ang kasama ko," sagot niya.

"Ano na naman ang ginawa ng Lola mo sa'yo?" Nawawalan kami ng gana kapag ang Lola nya ang topic pero siya naman talaga ang problema namin.

"Same old news," she replied. Natawa siya ng mapakla. "I just found out this night... na anak si Lola sa labas," sabi niya.

Natahimik kami.

"Pupuntahan kita. Nasaan ka Margaux?"

"Huwag na Jaxx. May rehearsal kayo bukas. Magpahinga ka na. Okay lang ako," sagot niya.

"Alam mong kaya kitang hanapin. At alam kong hindi ka okay." 

Narinig ko siyang humikbi. Tangina, ano ang ginawa ng lola mo na naman?

"Pauwi na ako sa condo ko," sagot ni Margaux habang umiiyak.

"Hintayin mo ako sa condo mo," I replied habang hinahanap ang susi ng motor ko. "Tumahan ka na. Nagmamaneho ka, Margaux," paalala ko sa kanya.

Malapit lang ang condo ko sa condo niya. Nauna pa nga ako sa parking. Hinintay ko siya sa designated parking space niya. She looked defeated nang lumabas siya ng kotse.

"Bread—" Itinaas ko ang binili kong tinapay para sa kanya. Malungkot siyang ngumiti.

"Thanks," sabi niya.

Tahimik kaming umakyat sa floor niya.

Nilagay ko sa table ang tinapay at hinintay si Margaux sa maliit na sala. Kung hindi lang masamang pumatol sa matanda... tangina 'yang Lola ni Margaux na iyan.

Naka-panjama na si Margaux nang lumabas ng kwarto niya. Wala na rin ang make-up sa mukha.

I missed her. I miss this. 

"Sabi ko sa 'yo, okay lang ako eh."

Tinuro ko ang tinapay sa table. "Kumain ka muna," sabi ko sa kanya.

"Gusto mong coffee?" slok nya sa akin.

Umiling ako. Hinayana ko muna siyang kumain. Alam kong hindi siya makakakain ng marami kaya hindi ko na pinilit nang hindi niya maubos ang kahit isa man lamang na tinapay na kinuha niya.

Umupo si Margaux sa sofa katabi ko. Nilagay niya ang throw pillows sa hita at sumandal. Natulala siya at alam kong iniisip niya ang nangyari sa kanila ng lola niya kanina.

"I just found out that Lola was an illegitimate child." Mahina ang boses ni Margaux at nangingilid ang mga luha niya. "Nagkasagutan na naman kami. At isinumbat ko sa kanya lahat ng pinagawa niya sa akin. Lahat ng mga pagkukunwari niya. Anak pala siya sa labas pero bakit galit na galit siya sa mga anak sa labas?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Margaux.

"The things that she said to Tita Diane; to Kuya Rome, Brook and London, and to Sky, I was throwing it on her face. At alam mo kung ano ang mas masakit? 'Yong mga nagawa ko kina Tita Diane dahil sa akala ko I was protecting them."

I embraced Margaux and she let me. Iyak siya nang iyak. Alam kong nasasaktan siya.

"Pwede pa naman kayong mag-usap usap nila Brook. Hindi pa naman late ang lahat sa inyo," I told her.

She looks small in my arms.

"I'm sorry Margaux. Nasasaktan ka ng ganito. Kung pwede ko lang akuin na lahat para sa iyo."

Humihikbi si Margaux. Punong-puno siya ng sama ng loob. Para siyang sponge; she absorbed everything pero hindi niya alam kung paano niya bibitawan ang mga masasakit na nangyayari sa kanya.

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko iyon. Dahil isa ako sa nanakit sa kanya. Isa ka sa dumagdag sa sakit na naipon niya.

"I'm sorry I was too weak," I murmured. "I'm sorry... I'm sorry..." My love... "I'm sorry Margaux."

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon