Chapter 10- Simbahan

7.5K 275 26
                                    

Jaxx


Tangina...

si Maureen at Kimberly na lang ang humarap sa amin kinabukasan.

"Si Margaux?" tanong ko kay Maureen na ikinataas ng pink na kilay ni Kimberly.

"May sakit," sagot ni Maureen.

Ang dami nilang dalang leather jackets na pinapasukat sa amin.

"Ano sakit?" tanong kong muli. 

"Sakit sa ulo. Sakit ka kasi sa ulo, namo ka," sagot ni Brix. Nagtawanan ang tatlo.

"Hindi nya sinabi. Gano'n siya kapag masama ang loob. Hindi na lang papasok kaysa masigawan kaming lahat," sagot ni Kimberly. "Saka I heard, wala na sila ni Paulo," bulong ni Kimberly na narinig din naman ng iba.

Pinaswitan ni Maureen si Kimberly para tumahimik. 

"Bakit daw?" tanong ng chismosong si Drake.

"Hindi ko alam." Umiling si Kimberly at pasimpleng nag-iwas ng tingin. 

"Ah, kaya siguro hindi nagpapakita si Margaux kasi broken hearted," pang-aasar ni Ryker.

Kaibigan ko ba ang mga ito? Tangina nyo ah.

"Baka—" Nagkibit ng balikat si Maureen. "Anyway, meron siyang To Do List ninyo. Shall we start? Medyo marami kasi ang outfit na nakalagay sa listahan niya eh." Natatawang pinakita ni Maureen ang listahan ni Margaux na sinend sa kanya sa email.

Broken hearted si Margaux kay Paulo? Parang hindi naman siya nagkagano'n sa akin dati ah.

Sumunod ako sa pinapagawa nila Maureen.

"Hindi ba ako mamatay sa heat stoke dahil sa mga jacket na ito? Ano ako, action star?" naiinis na tanong ko dalawa.

"Hindi mo ba napapansin, unti-unti ka ng pinapatay ni Margaux. Gano'n na kalaki ang galit n'ya sa iyo," sabat ni Ryker. Nagtawanan silang lahat.

"Grabe, hindi naman. Bagay nga sa iyo lahat ng design na napili ni Madam," pagtatanggol ni Kimberly.

"Wala bang T-shirt?" Nababad trip na talaga ako sa mga tali ng damit na pinapasukat.

"Jaxx, sa stage mo lang naman isusuot ang mga iyan. Hindi naman sa araw-araw," paliwanag ni Maureen.

Okay naman ang mga design ng damit kaya lang nababad trip talaga ako. Iniwan ko sila sa gitna ng pagsusukat.

Tinawagan ko si Mia.

"May pasok ka?" tanong ko sa kanya.

"Hmm... bakit?" balik tanong niya.

"May pasok ka nga?"

"Eh bakit ka sumisigaw? Oo may pasok ako. Student ako, remember?" sarcastic na sagot niya. "What's your problem ba, Jaxx?"

"Wala... sige... bye." Pinatayan ko ng phone si Mia.

Saan ba nagpupunta si Margaux kapag malungkot siya?

"Bakit lagi kang nasa simbahan?" tanong ko sa kanya ng magtext siya sa akin na lumabas siya ng school.

"Kapag malungkot ako, nagpupunta lang ako ng simbahan. Hindi halata noh?" sagot niya sa akin ng makita ko siya sa simbahan na malapit sa school niya.

"So, bakit ka malungkot?" tanong ko.

"Masamang tao ba ako?" balik na tanong ni Margaux sa akin.

"Labs?... okay ka lang? Syempre hindi. Margaux, what's wrong?"

"Wala... Nanghihinayang lang ako sa mga bagay na hindi ko nagawa dati," sagot niya.

"Bakit hindi mo gawin ngayon?"

"Alam mo bang dalawa lang ang kaibigan ko. Plus ikaw pero boyfriend kita so si Koko at Sky lang talaga ang kaibigan ko."

"Hey...you have my friends. Kaibigan mo rin sila Ryker, Brix atsi Blaze. Anyway, pupunta ka ba sa debut ni Brook?" 

"I was not invited," mahinang sagot ni Margaux.


Saang simbahan kita hahanapin, Margaux?

Inisa-isa ko ang lahat ng simbahan na malapit sa area ng condo niya. Mas gusto niya ang walang masyadong tao naisip ko. Kaya pinuntahan ko lahat ng maliliit na simbahan. Nakita ko siya sa isang chapel sa isang subdivision. Nakaupo siya sa harapan ng altar at nakatingin sa cross.

Umupo ako sa hulihang upuan at tiningnan ko siya. Tahimik ang simabahan. Kami lang dalawa ang nando'n. Hindi niya alam na nandoon ako. Ako, nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin. Or kung nasa paligid siya kahit maraming tao.

Kalahating oras na akong nakaupo sa simbahan pero hindi pa rin tumitinag si Margaux kaya pinuntahan ko na siya sa unahan.

Mabilis siyang nagpunas ng luha nang maramdaman niyang may taong palapit sa kanya. Tumingin siya sa likod niya at... hindi ko mabasa ang mukha niya. Her face was blanked.

"Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw, bakit nandito ka?" balik na tanong niya sa akin.

Ano naman ang isasagot ko sa kanya?

"Malapit kasi ang apartment ni Mia dito," sabi ko. 

Fucking shit... sa loob ng simbahan talaga ako nagsinungaling.

"Ahhh..." sabi niya. Kinuha ang bag at tumayo. "I'll go ahead Jaxx," sagot ni Margaux na mas lalong ikinalamig ng simbahan. 

Gusto kong iuntog ang sarili ko. Bakit ba Jaxx? Bakit ba ang duwag mo?

Tiningnan ko na lang si Margaux na papalayo sakay ng kotse niya at hindi ko alam kung susundan ko pa ba.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon