Chapter 4- That Crazy Coffee

8.7K 292 16
                                    

Margaux

Kaasar! Why everybody is saying that Pau is gay?

"Yuan, busy ba si Sky?"

Nagulat pa ang assistant ni Sky na tutok ang mukha sa cellphone nang magsalita ako.

"Not so. Pero nandoon si Arabella. So, baka bad mood na naman siya," sagot nito.

"So bakit ka nandito? 'Di ba dapat binabantayan mo 'yong amo mo?

Nakapila sa Starbucks si Yuan. Sa lahat ng assistant, ito ang adik sa Starbucks.

"Nagpapabili si Ma'am Sky ng coffee," sagot niya sabay taas ng salamin na suot. Pamada yata ang gamit nito at patag na patag ang buhok. Kung sakaling may kuto na dadaan sa hawi niya, kitang-kita.

"Sige, puntahan ko na lang sa office niya." 

Napaka-weird nitong si Yuan. Ang laking tao eh. Ang laki din ng mga damit na suot. Parang sa tatay niya pa yata. Juice kuh, yung slacks niya may pleats. Putaragis. Eye sore siya sa paningin ko.

Dere-deretso ako sa floor ni Sky at mula sa table ni Yuan na bakante ngayon, naririnig ko ang boses ni Sky.

"Tigilan mo ang kakasabi na magpinsan tayo. Itatapon na kita sa bintana, Arabella." May kalakasan ang boses ni Sky. "At tigilan mo rin si Yuan. My God!"

Natatawa akong pumasok ng walang katok-katok.

"Why are you inis today?" tanong ko kay Sky.

"Isama mo nga 'yan palabas." Turo ni Sky kay Arabella na petiks na nakaupo sa sofa niya.

"Ano ba ang ginawa niya ngayon?"

"Kapag ang assistant ko ay nagresign dahil sa iyo—. Sinasabi ko sa iyo Arabella, pupulutin ka sa kangkungan. Juice kuh Margaux!"

Mukhang stress na si Sky.

"Nilalandi si Yuan. At panay tambay n'ya rito. Lecheng 'yan." 

"Margaux, naghahanap ako ng raket, baka kailangan mo ng model sa clothing line ng mommy mo," sabi ni Arabella sa akin. Tumaas ang isang kilay ko.

"Wala kaming Mouse Girl equivalent," pabalang na sagot ko. 'Yong tawa ni Sky nakakainsulto din talaga eh.

"Grabe naman kayo. Don't you think we can hang out sometime?" hopeful na tanong ni Arabella.

"Ah... no. Baka mawala ako ng career kapag nakita nilang kasama kita," sagot ko. 

"Ara, pwede ba, please lang tigilan mo ang kakapunta rito. Ipapa-ban na kita sa guard, sinasabi ko sa iyo. Ako na lang ang nakakausap mo sa pamilya namin. Sagarin mo ang pasensya ko at malilintikan ka talaga," banta ni Sky.

Ara rolled her eyes. "Sige couz, aalis na ako," sabi nito.

Parang wolf si Sky na lumabas lahat ng ngipin nang tinawag siyang couz ni Ara.

"Hanga din ako sa kapal ng mukha no'n," I said nang wala na si Ara sa office ni Sky.

"I kennat... Alam mo naawa ako sa kanya at the same time, sukang suka na ako," sabi ni Sky. "Bakit ka nandito?" tanong ni Sky sa akin nang makabawi sa inis. 

"Galing ako sa banda d'yan," sagot ko.

"Sabi ni Koko, kasama mo raw si Jaxx." Nanunukso ang pagtaas-taas ng kilay ni Sky.

"Juice kuh, 'yong buong banda nila. Kailangan nila ng stylist at ako ang tinawagan ng manager nila," paliwanag ko.

"Nasaan ang syota mong baklita?" tanong ni Sky na nagtytype ng email.

"Pati ba naman ikaw?!"

"Seriously, ano ang nakita mo kay Paulo?"

"We love fashion," pagdadahilan ko.

Sky snorted.

"Ang pinipili mo talaga ay ang opposite ni Jaxx, ano?"

"Can we just not talk about him? Wala namang kami."

"Kaya pala inis ka kay Mia kasi lagi silang magkasama. Tigilan mo 'yong tao. Mabait naman siya saka mahiya ka kay Tito Mark," pangaral ni Sky sa akin.

"Can't believe you will lecture me. I was hoping we could grab something to eat."

"May boyfriend na si Mia. Mahiya ka din kay Ralph."

"Oh my God, hindi ako si Ara para pagalitan mo," frustrated na sabi ko kay Sky.

"Mabalik tayo sa baklita mong jowa—"

"I will just move out from your office." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Tawa nang tawa si Sky. Sinarado ang laptop at tumayo rin.

"Tara na... I will just message my assistant na lalabas ako," sabi nito. "Nasaan nga si Pau?"

"Nasa SG daw," sagot ko habang palabas kami.

"Hooo maniwala ka do'n. Nasa Sogo lang 'yon," walang prenong wika ni Sky sabay tawa.

Nagkita kami nila Dakota sa Starbucks dahil gusto n'ya raw doon. Nakapila kami at umo-order si Koko na ikakabaliw ng barista.

"10 pumps vanilla, 5 pumps caramel syrup, 5 pumps classic syrup, 5 pumps caramel sauce, 5 pumps white mocha with whole milk, light coconut milk, light-heavy cream, light vanilla powder, extra cream, 5 sweet and low light ice, 10 sugar, 5 Splenda, light-dark choc curls, ex almond milk, extra sweet cream, extra whip," sabi ni Dakota.

"Pwede bang bilisan ninyo?" Napatingin kami sa masungit na boses na kasunod namin."Ang haba ng pila, nakuha nyo pang pahirapan ang barista?" singhal ni Jacob sa amin.

"Excuse me, I have my rights dahil customer din ako," naiinis na sagot ni Dakota.

At dahil sa nangyayari, nagbukas tuloy ng isang counter.

"One caffè americano, venti. Take out," sabi ni Jacob na ikinaikot ng mga mata ni Koko. 

"Nasaan na ako sa order ko?" tanong ni Dakota sa cashier.

Hindi pa pala siya tapos... Juice Kuh!

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon