Epilogue

11.1K 375 97
                                    

Margaux

Nakatambay kami ni Jaxx sa porch ng bahay nila mommy. Gaya ng dati, dala niya ang gitara at nagsusulat siya ng kanta. Kapag weekend, umuuwi kami dito sa Country Club para marelax naman kami. Full time student siya at determinadong matapos ang Law.

Napatingin si Jaxx sa phone ko ng magsimula itong mag-ring...

"Yes, Boss." Si Sky.... I mouthed to Jaxx. Nag-aalala pa rin siya na baka tumawag si Lola sa akin bigla.
Tumango si Jaxx at bumalik sa sinusulat.
"Saan ka?" Tanong ni Sky.
"Nasa Country Club. Why?"

"Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ko tinutulungan pa si Arabella?" Naiinis na tanong ni Sky.
Natawa ako. "Dahil pinsan mo siya?"
"Hindi ko siya pinsan." Sigaw na naman ni Sky... Tawang-tawa ako.
"Ano na naman ba ang ginawa ni Arabella?"

"Damn it... Si Yuan gusto ng magresign dahil sa lecheng si Arabella. She tried to drug Yuan's drink ng sundan ni Ara si Yuan sa isang bar." Sumbong ni Sky.
Naiimagine ko si Juancho... hahaha... Tumawa ako.
"Oh tapos?" Tanong ko kay Sky.
"Balak pa yatang gahasain ni Arabella si Yuan. Juice kuh... Nakakabwisit... Mabuti at nakita ni Dakota. Sa liit ni Arabella na iyon ha, nadala na niya ng parking lot si Yuan na walang malay."

Natawa ako ng malakas... Nagtataka si Jaxx na natingin sa akin. I kissed his nose then he smile.

"Naiuwi ba ni Arabella si Yuan?"
"Hindi... pero ayaw ng pumasok ni Yuan." Ramdam ko ang inis ni Sky.
"Hanap ka na lang ng ibang assistant. Ipromote mo as boyfriend si Yuan." Biro ko.
"Isa ka pa. Sige na, bye." Mas lalong nainis si Sky. Hindi talaga ako marunong magjoke.

Kinuwento ko kay Jaxx ang sinabi ni Sky. Nagtatawanan kaming dalawa sa porch ng dumaan si Mia na mukhang wala sa sarili at lutang.

"Mia..." Sigaw ko.
Hindi yata ako narining.
"Mia..." Sigaw ko ulit. Napahinto si Mia at hinanap kung sino ang tumawag sa kanya. Kinawayan ko siya ng matingin siya sa amin.

Badtrip pa rin si Jaxx kay Mia at ewan ko kung kelan sila magkakasundo. Lumapit si Mia sa amin. Mukha siyang problemado.

"Okay ka lang." Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.
Natulala na naman si Mia.
"Mia..." Inuga ko si Mia at parang doon pa lang talaga siya natauhan. Natingin siya sa amin ni Jaxx.

"Problema mo?" Tanong ni Jaxx kay Mia.
Aba't... biglang umiyak si Mia.

"Ano ang nangyari sa iyo?" Tanong ko.
"Margaux..." Tawag niya sa akin at sumandal sa balikat ko. Hinagod ko ang likod niya para kumalma.
"Kumalma ka. Ano ang problema mo? Para kang lutang na naglalakad." Tanong ko sa kanya.

Lalong umiyak si Mia. Jaxx rolled his eyes at pumasok sa bahay. Lumabas siyang may dalang pitcher ng tubig at baso.

Pinainom ni Jaxx si Mia at hinintay naming kumalma. Humihikbi ni Mia at maga ang mata ng ibalik niya ang baso kay Jaxx.

"Ano problema mo?" Tanong ulit ni Jaxx kay Mia.
Mia mumbled something na hindi namin naintindihan.
"Ano?" Tanong ulit ni Jaxx.
"Buntis ako." Sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Jaxx.
"Hindi ba uso sa inyo ni Amboy ang condom?" Sarcastic na tanong ni Jaxx kay Mia.
Hinampas ko sa hita si Jaxx para tigilan ang pang-aasar kay Mia.
"Alam na ba ni Ralph? Bakit ka umiiyak, eh blessing yan?!" Sabi ko sa kanya.
Umiling si Mia.

"Eh bakit hindi mo sabihin sa kanya? Nauna mo pang sabihin sa amin ni Margaux kaysa sa tatay."
"Jaxx..." I warned him.
"Gusto mong tawagan namin ni Ralph para magkausap kayo dito ngayon?" Tanong ko kay Mia. Tumango si Mia.

Si Jaxx ang tumawag kay Ralph para pumunta dito sa amin.
"Hindi ko alam... Kaya nga pumunta ka dito. Malay kong patahanin yung syota mo." Sabi ni Jaxx sa kausap.

"Papunta na daw siya." Sabi ni Jaxx sa amin.
"Congratulations, Mia." I told her. Medyo napangiti ng kaunti si Mia.
"Hindi mo dapat iyakan yan... Hindi ka naman tatakasan ni Ralph." Sabi ko pa...

"Natatakot lang ako kasi... quadruplets eh." Sabi niya.
"Ha? Come again?" Mali yata ako ng dinig.
"Natatakot lang ako kasi quadruplets." Pag-uulit ni Mia. Tama pala ang dinig ko.

"Anak ka ng peppa pig... sa liit mong yan, paano mo pagkakasyahin ang apat na bata? Hanggang lalamunan na ang tiyan mo niyan." Sabi ni Jaxx.
"Yun nga ang inaalala ko eh..." Umiyak na naman si Mia.

Na-shook ako...

"Ano yang mga anak mo, kalapati? Kapag nahanginan, doon pa lang lalaki?" Sabi ni Jaxx sabay tawa... na lalong nakapagpaiyak kay Mia.

"Tang-inang Amboy, hindi talaga nagpatalo sa Marcelo." Sabi pa ni Jaxx. Natawa kaming dalawa. Si Mia mukhang problemado talaga.

Dumating si Ralph at naabutan kami ni Jaxx na tumatawa. Si Mia nakayuko naman.
"What happened?" Tanong ni Ralph. "Bakit ka umiiyak, Mia?"

Huminga muna ng malalim si Mia bago nagsalita.
"Buntis ako." Sabi niya kay Ralph.
Napalitan ng ngiti ang nag-aalalang mukha ni Ralph.
"Quadruplets anak natin." Dugtong ni Mia.
Napanganga si Ralph at natulala din.

Kaya ayun, tawa kami ng tawa ni Jaxx.

Panalo na naman ang mga Roman... Ano nga ang sabi nila? Taga Panay din si Ralph...

- The End

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon