Chapter 13- Juancho

7.8K 312 37
                                    

Margaux

"Koko, I will warn you ha. Please, huwag mong takutin ang assistant ni Sky." Pinipigilan kong tumawa.

"Why will I do that?" tanong ni Dakota.

"Cause you are an asshole sometimes," sagot ko na ikinatawa ni Dakota.

"Most of the time pero nadadala ko sa charm," she giggled. "Ano ba itsura ng assistant ni Sky?" tanong ni Koko.

"Nerd is what I can describe him," I honestly replied.

"I like nerds," sagot ni Koko.

"Hindi nerd like Jacob kind... it's nerd like... NERD... gets mo?"

"Nerd si Jacob? Hindi ako aware," sarcastic na sagot ni Dakota.

"Kapag hindi tayo nakahanap ng kapalit ni Tony, hihilahin kita bukas para magmakaawa kay Jacob. Pwede siya—"

Koko snorted. "Si Tito Kyle na lang. Mas hot pa. Si Kuya Carlos ba?"

"Nasa Spain," sagot ko.

"Si Kuya Gab?"

Tiningnan ko si Koko ng taimtim. Makakausap mo nga si Kuya Gab sa ganitong klaseng sitwasyon!

"Okay, out si Kuya Gab kahit gwapo. More on, kamukha lang naman siya ni Ralph," sagot ni Dakota sa sariling tanong. "Kuya King is so...like mountain. Kuya Rome is like London, macho but not model type macho. Si Daddy Saint, juice kuh baka magkagulo ang mga bakla plus hindi papayag 'yon. Kuya Jon is out of the picture. Nauubusan na ako ng naiisip. Si Jaxx kaya?" tanong ni Koko.

"Kakanta sila 'di ba?" naiinis na reply ko.

"Ay oo nga pala." Napaisip na naman kami ni Koko. "Si Kiro—" sabi niya.

"Eh di ikaw ang kumausap."

"Masyadong singkit, hindi pwede," sagot ni Koko na ikinatawa namin. Buti kung makausap mo si Kiro.

"Lego is still young—" sabi ko.

"Sira, college student na 'yon. Anong year na ba 'yon? Tanong na lang natin si Sky. Cross finger tayong dalawa. Kahit ialay natin si Arabella kay Ada, makahanap lang ng kapalit sa lecheng Tony na iyon." 

Tanggapin kaya si Arabella ni Ada? Baka isuka pa. Mapapahamak pa tayo, Koko. 

Nagpark kami sa basement ng building nila Sky at dumeretso sa floor niya. Ngayon lang nakapunta dito si Koko dito. Ayaw niya kasi sa mga office, nasasakal daw siya. Arte lang.

"Yuan, nasaan si Sky?" tanong ko sa assistant ni Sky.

"Wala Margaux. Nasa meeting. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang meeting niya," sagot nito. Nakatingin si Yuan kay Dakota.

Lumapit si Dakota sa table ni Yuan at yumuko. Tiningnan ng mabuti si Yuan na parang mikrobyo sa microscope. Naiilang na lumayo si Yuan sa kanya.

"Ano nga ang pangalan mo?" tanong ni Dakota kay Yuan na mukhang pinagpawisan.

"Yu...Yuan," sagot niya.

"Buong pangalan." Naniningkit ang mata ni Dakota.

"Yuan..." sagot nito.

Ngumisi si Dakota.

"Solve ang problem natin," sabi ni Koko. Tinuro ni Dakota si Yuan.

"Hibang ka ba?" Jesus Christ... si Yuan. Juice Kuh!!!!

Pumasok si Dakota sa table ni Yuan at nakipag-agawan sa salamin ng tao.

"May utang ka pa sa akin na rampa. Sinasabi ko sa iyo, Juancho!" sigaw ni Dakota.

Naagaw ni Dakota ang salamin ni Yuan at ginulo nito ang napakaayos at hawing-hawi na buhok ng tao. Napaka-bully ni Dakota. Kapag nakita kami ni Sky, malalagot kami.

Tumabi sa akin si Dakota at isinuot ang salamin ni Yuan.

"Juancho... Dito ka lang pala sa Pinas nagtatago." Nakangisi si Dakota.
Tumingin sa amin si Yuan mula sa pagkakayuko at WTF!

Juancho Aquitania!!!

"What do you want, Dakota?" tanong ni Yuan o Juancho.

Naspeechless ako...

"Natatandaan mo ba na sinagip kita sa isang fashion show sa Milan?" nanunumbat na tanong ni Dakota. Naningkit ang mga mata ni Juancho. "Kailangan namin ng tulong. Nagback out si Tony sa fashion show sa makalawa." 

WTF...magkano ang talent fee niyan?

"Sapuhin mo," utos ni Koko dito.

"Iniwan ko na ang runway," katwiran ni Juancho.

"Then, welcome back," sarcastic na sagot ni Dakota na nakalahad pa ang dalawang kamay.

"Kaya pala si Superman ay hindi nakikilala kapag nakasalamin. Effective pala," comment ni Dakota sabay tawa.

"Dakota... bakit ba nagpakita ka pa?" Kinuha ni Yuan ang salamin niya kay Dakota.

"Alam mo naman ang magkakaibigan, tinik sa lalamunan ng bawat isa. Tutulungan mo ba kami o isusumbong kita kay Sky?" naghahamong tanong ni Dakota.

"Hanggang kailan mo ako iba-blackmail?" naiinis na tanong ni Yuan. Inayos niya ang buhok niya na ginulo ni Koko.

"Hangga't hindi ka pumapayag," sagot ni Koko.

Oh my God, Juancho Aquitania. HIndi pa ako maka-sabay sa kanila. 

Huminga ng malalim si Yuan.

"Bukas, last rehearsal. Pwede ka bang sukatan ngayon?" Siniko ako ni Dakota. "May dala ka bang tape measure?" tanong niya.

"Magkano TF mo?" Iyon agad ang tanong ko. Kung sigawan ni Sky si Yuan... ampucha...Juice Kuh Sky!

"Kung magkano lang ang ibibigay n'yo kay Tony. Walang problema sa akin ang pera pero huwag n'yong sabihin sa press...please. At huwag n'yo akong ibuko kay Ma'am Sky," sagot ni Yuan.

"Okay." Napabuga ako ng hininga. "Thank you. Sinagip mo talaga kami."

Hinanap ko ang tape measure sa bag ko. Oo meron akong laging dala. Don't judge me.

"Para kang tanga sa suot mo, Juancho," deretsang wika ni Dakota habang sinusukatan ko si Yuan.

"Bakit ba naging kaibigan kita?" tanong nito kay Koko.

Tumawa lang si Dakota.

Oh, magkaibigan pala sila. Sky... impakta ka... May International Supermodel kang assistant at hindi ka aware!!!

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon