Chapter 11- Stress to the Highest Level

7.6K 257 16
                                    

Margaux

As much as possible, si Maureen na ang nag-take over ng meetings ko with Overdrive. Iniiwasan ko talaga si Jaxx. Part of moving on.

Saka tinutulungan ko si Mommy sa nalalapit na fashion show niya. Two days before the event, nag-cancel ang isang lalaking modelo niya at ang stress level ni Mommy ay mataas pa sa kanya.

"Margaux, may kilala pa ba kayong pwedeng ipalit sa lintik na model na paimportante na iyan?" Mangiyak-ngiyak na si mommy dahil isang International model na naman ang nagpa-importante.

"Sige, puntahan ko si Koko. Baka may kilala pa siya," sabi ko.

So, pinuntahan ko si Koko na nakatambay sa Sweet Bells kahit kasama siya sa line-up ng Fashion Show ni Mommy.

"Koko, we have a problem. Nag-back out si Tony." Bungad ko talaga kay Dakota na nakatitig sa mga cupcakes pero hindi naman kumukuha.

"Huwat? Why the heck did he do that?" Nataranta rin si Dakota.

"We need to find a replacement...asap," sabi ko.

Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang mga kilalang models pero may mga commitment na raw.

"Can you just do at least 2 rounds of walk lang?" tanong ni Koko sa kausap. "Sige na please," pagmamakaawa ni Koko sa kausap.

Palakad-lakad ako at hindi ko alam kung tama ang naiisip ko pero pwede kayang pakiusapan si Ralph? Mukha naman kasi siyang inshape na model type. Hindi kasing bulky ni London. Chase will be out of the equation. Hindi papayag 'yon for sure. So, si Ralph lang ang naiisip ko.

"Mga walang pakinabang." Naiinis na binato ni Dakota ang cellphone niya. Ayon, basag. "Wala akong mahila sa last minute," sabi ni Koko.

"Si Paulo kaya?" Kahit ako hindi ako convince sa sinabi ko pero last minute na kasi.

"Tangina, huwag 'yon. Isip tayo. Sino ang pwede?" Koko is drumming her fingernails sa table which added to my stress. Para nya akong binibilangan...nakakatense.

"Pwede kaya si Ralph?" Nadukmo na ako sa table. Hindi na ako lumapit ulit sa kanya buhat ng maging sila ni Mia.

"Tara, try natin." Hinila ako ni Koko palabas ng Sweet Bells.

Pumunta kami sa The Lakeside kahit hindi ako comfortable.

"Hi Summer. Kumusta ang triplets?" tanong ni Koko kay Summer na mukhang any minute ay lalabas ang mga anak sa sobrang laki ng tiyan niya. Amazing kung paano pa siya nakakatayo.

"Eto, nagboboxing silang tatlo. What can I do for the two of you?" tanong ni Summer. Nakangiti naman siya sa amin, pero alam mo 'yon. Ilang pa rin ako. Para akong guilty dahil hindi kami magkasundo ng mga pinsan ko na pinsan din niya.

"Nandiyan ba si Ralph?" tanong ni Koko.

"Nasa office. Pasok lang kayo." Tinuro ni Summer ang opisina nila.

"Thank you Mommy Sunshine," sagot ni Koko.

Hinila ako ni Dakota papunta sa office nila Ralph.

"Hello. Can we come in?" tanong ni Koko kahit binuksan na niya ang pinto at hinila na niya ako papasok sa loob.

"Uy, napadalaw kayong dalawa," sabi ni Ralph. 

Pleasant lagi ang mukha niya. Sa lahat ng kaibigan ni Jaxx, siya ang peacemaker so kahit papano, nakakalapit ako sa kanya.

"We need help," sabi agad ni Koko na walang kahiya-hiya. "Nagback-out ang isang model ni Tita Kaye and wala kaming mahanap na kapalit. As in, wala, Ralph."

Mabagal na tumango si Ralph pero nakakunot ang noo. "So... bakit ninyo sinasabi sa akin?" tanong niya.

Naupo si Dakota sa upuan ni Summer na mukhang natambakan na ng mga papel. Umupo ako sa harapan ng table ni Ralph at hinawakan ang braso niya para magmakaawa.

"Pwede bang ikaw ang pumalit. Meron pang 2 days, pwede ka namin i-train sa runway," sabi ko.

"Ha?" Nanlaki ang mata ni Ralph.

"Sige na please. I am desperate. Kailangan ko ng makahanap ng kapalit. Pag-uusapan kami ng media eh kapag kulang ang line-up," I begged him. 

Napakamot ng ulo si Ralph.

"Wala ka bang flavor of the month na pwedeng tanungin?" Napatingin ako kay Mia na nasa pintuan. Nakataas ang isang kilay at masama na naman ang tingin sa akin.

"Okay...Ralph, just forget what we asked," sabi ni Koko. Ngumiti siya kay Ralph na hindi agad nakaimik.

Napatingin din si Mia kay Koko nang magsalita ito. Hindi niya siguro napansin si Dakota sa dami ng papel na nakatambak sa table.

"Salamat na lang. Halika na Margaux." Hinila ako ni Koko patayo.

"Uhmmm... I didn't know you are here. Sorry," sabi ni Mia kay Koko. 

"No harm done, Mia," sagot ni Koko kahit alam kong nainis siya ng slight.

"Palagpasin mo na lang," bulong ni Koko kahit nagngingit-ngit akong magsalita.

"Sorry sa abala. Aalis na kami," sabi ko kay Ralph. Hindi ko pinansin si Mia. Nilagpasan namin siya ni Koko. Nasa bar si Jaxx at kausap si Summer nang dumaan kami.

"Bye, Sunshine." Kaway ni Koko kay Summer.

"Nakausap nyo na si Ralph?" tanong ni Summer.

Tumango na lang kami ni Koko. Mukha kaming nakainom ng ampalaya shake dahil kay Mia. Kung hindi lang ako nagmamadaling makahanap ng kapalit na model ngayong araw na ito, baka nagboxing na kami ni Mia.

"Puntahan natin si Sky," sabi ni Dakota nang makalabas kami.

"For what?"

"Ewan ko. Stress ako...Stress ka...Lagay tayong dalawa lang? Saka hindi pa ako nakakapunta sa office niya. Baka may himala tayong mahanap doon. Si Chase... O kaya si Lego o kaya si Tito Cloud... Baka pwede na sila... Tara na." Hinila ako ni Dakota sa kotse niya na nasa tapat ng Sweet Bells.

"I swear, isang araw, dudukutin ko na lang ang mga mata ni Mia." Naiinis akong nagkabit ng seat belt.

"Akala ko ba hanga ka sa kanya dahil ang galing sa music?" tanong ni Dakota habang paalis kami.

"Pwede naman siyang tumugtog ng walang mata. Bwisit siya." Gigil  na gigil ako.

"Oo noh... Tapos lagyan nating karatula sa harapan," sagot ni Koko na ikinatawa namin.

"And they said, I am the savage one," sarcastic na comment ko.

"You know Margaux, its part of my charm," tumatawang sagot ni Koko.

Bakit ba kasi ganto ang mukha ko? Laging nasa resting bitch face mode.

UnpluggedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon