Jaxx
Full pack ang schedule namin at madalas, si Maureen at Kimberly ang kasama namin sa road show. Si Mia, dahil graduate na siya at kahit ayaw payagan ni Tito Mark, sumama sa amin sa road shows.
"Mia, buti pinapayagan ka ng jowa mo?" usisa ni Drake nang minsan nasa van kami pabalik ng studio.
"Nagpaalam naman ako. Saka kasama ko naman si Jaxx," sagot niya.
Natahimik kami sa van. At dahil tahimik, nag-ingay si Brix. Kinuha ang gitara at tumugtog ng mga luma namin kanta. Automatic na kumanta ako kaya nagpatuloy lang sa paggitara si Brix.
I wanted you to know I love the way you laugh
I want to hold you high and steal your pain away
I keep your photograph, and I know it serves me well
I want to hold you high and steal your painIsa ito sa kanta na ginawa namin ni Margaux. Nakatambay kami noon sa porch nila at tumutugtog ako. She sang those lyrics habang nakatingin sa malayo. Hindi niya namamalayan na gumagawa na siya ng kanta. She put her feelings into words and the song came out as broken and beautiful like her.
'Cause I'm broken when I'm lonesome
And I don't feel right when you've gone away
You've gone away
You don't feel me here anymore"Ang ganda ng song na 'yan," Mia commented.
"Margaux wrote it," sagot ni Ryker.
"Really. Marunong pala siyang magsulat." Mia was surprised to know that.
"Maraming nagawang kanta si Jaxx at Margaux na nasa mga past album namin. Hindi nga lang pinapalagay ni Margaux ang pangalan niya as a composer," paliwanag ni Brix.
"Sayang naman ang royalty," Mia commented.
Natahimik na naman sa van.
"'Yong royalty ng mga kanta na ginawa niya, napupunta sa monastery," I said to Mia "'Yon ang bilin nya," I added.
Iyon ang hindi ninyo alam tungkol kay Margaux. Iyon ang binabalewala ninyo.
Nasa studio si Blaze at Margaux nang dumating kami. Pumasok ako sa recording area kung saan sila nakaupo.
"May kasama ka na. Aalis na ako," paalam ni Margaux kay Blaze.
"Sabi mo magrerecord tayo." Pinigilan ni Blaze na umalis si Margaux. Napatingin ako sa kamay ni Blaze na nasa kamay ni Margaux.
"Sa ibang araw na lang. Pagod na ang iba," tanggi ni Margaux.
"Ano ire-record n'yo?" curious na tanong ko. Pilit kong binabaliwala ang kamay ni Blaze na nakahawak pa rin kay Margaux.
"'Yong lumang kanta na sinulat niya. Sabi ko, bagay sa duet 'yon eh. Ayaw niyang maniwala," sagot ni Blaze.
Pumasok na rin ang ibang member ng Overdrive sa recording area maliban kay Mia.
"Tara... May oras pa kami. Iniiwasan mo ba kami Margaux?" tanong ni Drake sa kanya.
Tumawa si Margaux. "Hindi ah."
"'Yon naman pala. Anong kanta ba?" tanong ni Brix.
"'Yong Broken..." Si Blaze ang sumagot.
"Kinakanta lang namin kanina 'yon eh. Tara... Tagal nang hindi nakaka-jamming si Margaux." Si Drake ay pumuwesto agad sa drums.
"Ako sa recording sa labas." Binigay ni Blaze sa akin ang kopya ng lyrics na sinulatan nila ni Margaux. Lumabas siya at pumunta sa gawi ni Mia. Binuksan niya ang mga mic.
"Ready?" tanong ni Blaze.
Isa lang ang recording mic ngayon at kailangan naming magshare ni Margaux.
"Naisahan ako ni Blaze ah," sabi ni Margaux.
Tumawa si Blaze sa labas at may pinindot. "Naririnig kita," sagot ni Blaze.
Natawa si Margaux ng bahagya.
"Okay na ang arrangement ng kanta sayo?" tanong ko kay Margaux.
"Hindi ko sure. Sintunado si Blaze eh," sagot niya na ikinatawa namin kahit si Blaze at Mia sa labas.
"Naririnig nga kita, Margaux. Over ka," biro ni Blaze.
"Sa tingin ko mas okay kung second stanza na lang ako. What do you think?" nag-aalangang tanong niya.
"Sige..." Sinulatan ko ang part na para sa kanya at sa part na duet.
Tumango si Margaux sa akin. Kinuha ko ang acoustic guitar.
"Ready?" tanong ni Blaze.
Wala kaming headset na suot dahil kasama namin ang banda na tumutugtog.
Nagsimula akong tumipa ng gitara. Namiss ko ito. Namiss ko ang ganitong panahon na kasama ko siya. Sinimulan ko ang kanta gaya ng kinanta ko kanina sa van.
I stepped back a little para bigyan ng room si Margaux when it's her turn.
The worst is over now and we can breathe again
I want to hold you high, and steal my pain away
There's so much left to learn, and no one left to fight
I want to hold you high and steal your pain'Cause I'm broken when I'm open
And I don't feel like I am strong enough
'Cause I'm broken when I'm lonesome
And I don't feel right when you're gone awayLumapit ako sa mic ng kailangan na naming magduet. The song is really hers.
'Cause I'm broken when I'm open
And I don't feel like I am strong enough
'Cause I'm broken when I'm lonesome
And I don't feel right when you're gone away'Cause I'm broken when I'm lonesome
And I don't feel right when you're gone away
You've gone away
You don't feel me here anymoreHindi namin napansin na dumami na ang tao sa labas and they were clapping their hands when we finished the song.
Nahihiya si Margaux na nagtakip ng mukha. Sumenyas si Blaze ng cut sa amin.
"Nice," nakangiting comment ni Brix.
"Thank you," sagot ni Margaux. "Paano? I better go. Kita na lang tayo bukas for final fitting," she said. Bigla ay gusto ko ng umuwi dahil uuwi na si Margaux.
"Pupunta ka sa MOA for practice?" hopeful na tanong ko.
Tumango siya. Yes...
"Jaxx—"
"Hmmm?" Please tell me magpapahatid ka sa akin.
"Can you please give me a copy of that... recording?" nahihiyang tanong niya.
"Sure," sagot ko. Medyo disappointed ng kaunti.
Tumango si Margaux. "Thank you. Bye...bye... Overdrive."
"Ingat Margaux. Baka ma-overdrive ka," paala ni Ryker.
"Hindi naman ako si Jaxx eh," she replied smiling.
Oo na... ako ang driver dati kaya naligaw kami.
———————
A/N
for the sake of story ulit, ginamit ko ang song na Broken as Margaux' composition.
BINABASA MO ANG
Unplugged
RomanceSa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi ko mailagan ay IKAW. Ang hirap mong abutin. Parang ikaw ang bituin. Para kang apoy na mahirap hawaka...