Kabanata 1

714 15 1
                                    


"You like him nuh?" Tukso ni mommy sakin. Di nakatakas sakin ang nakakaluko niyang ngiti. Umagang-umaga iyon kaagad ang pambungad na tanong niya. My God!

"Of course not," tanggi ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "I mean.. he is handsome and talented, but-"

"But studies first?" Itinuloy niya ang dapat kong sabihin. Tumango ako saka malungkot na ngumiti. "I'm not saying anything anak. Nagtatanong lang naman ako because the way you looked at him. I know that you like him."

Kahit pa siguro anong deny ang gawin ko mahahalata pa rin niya kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo o hindi. Of course she's my mom! Siya ang tunay na nakakakilala sakin.

"Honestly, I like him M'my." Pag-amin ko.

Wala naman sigurong masama kong magkagusto ako sa kanya di ba? Napangiti naman ng malaki si mommy sa sinabi ko.

"Mommy naman, wag kang ngumiti ng ganyan!" Reklamo ko.

I know I'm blushing right now. Sinong hindi, ngayon lang kaya ako umamin na may nagustuhan akong lalaki sa kanya. Alam niyang mailap ako sa mga kalalakihan at priority ko ang pag-aaral bago yung mga crush, crush na yan.

"What?" Inosenteng sabi niya. Inirapan ko naman siya. "I'm just happy. Akala ko ay tatanda ka ng dalaga sa sobrang pihikan mo sa lalaki. Daig mo pa ang may allergic sa boys. Akala ko nga ay ang mga libro mo nalang ang gugustuhin mong makasama habambuhay. Sayang naman ang ipinamana kong ganda sayo anak kung di ka naman mag-aasawa."

I rolled my eyes to her again. Parang ewan lang si mommy, kakasabi lang niya na ayaw pa daw niya akong mag-asawa eh anong tawag niya sa usapan namin ngayon? Tsaka sino ba namang tao ang mag-aasawa ng libro? Grabe talaga! Ang tindi ng imagination! Ikaw na talaga M'my.

"Of course not! Wala pa po talaga sa utak ko yang lovelife na yan. I'm too young for that M'my." Rason ko pero deep inside may lihim na galit yata talaga ako sa mga kalahi ni adan kaya di ko sila pinagtutuonan ng pansin.

"Alam ko. Di ko naman sinasabi na mag-asawa ka na agad ah? Sakin lang naman, gusto kong maranasan mo yung mga bagay na nararanasan ng mga katulad mong teenager. I know how responsible you are. That's why I'm so proud of you. Basta andito lang ako palagi para sayo ha? Tandaan mo yan palagi."

"Awww, how sweet naman. Alam ko naman po yun. Kaya nga po thankful ako sayo. I love you! Payakap nga!"

Naglalambing na yumakap ako sa kanya habang siya ay nagdadrive. Sa totoo lang sobrang swerte ko kasi kahit wala akong ama nagkaroon naman ako ng sobrang maalaga at mapagmahal na ina. Alam kong hindi iyon madali sa kanya pero kinaya niya. Di ko tuloy mapigilan na sariwain ang mga pinagdaanan namin noon. Bigla tuloy akong napaiyak. I got emotional when it comes to her. She is my greatest treasure. Mawala na lahat wag lang siya.

"Sus, nagdrama ka na naman wag nang umiyak. Di bagay sayo. Sige ka papangit ka n'yan? Tsaka baka mabangga tayo oh." Pabirong sabi niya bumitaw agad ako sa kanya dahil sa takot na baka nga maaksidente kami. We're on our way to school. At ngayon ko pa talaga napiling magdrama.

"I'm sorry M'my." Yumuko ako saka pinunasan ang mga luha ko.

"It's okay alam kong iyakin ka naman talaga. Ayusin mo ang sarili mo baka makasalubong natin si Andrei. Sige ka baka matakot siya sayo. Ang pangit mo na." She said while grinning.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon