"Hey! Can we talk?" Hinawakan ako ni Andrei sa mga braso para pigilan.Ilang araw na rin kaming di nagkikita at nagkausap na dalawa simula nung makita ko siya sa library na may kasamang ibang babae. Iniwasan ko na siya. Naiinis pa rin kasi ako sa nakita ko. Mabuti nalang examination period kaya madali lang sakin ang di siya makita. Magkaiba kasi ang schedule namin kaya di kami nakakapang-abot na dalawa. Pero mukhang di na ako makakatakas ngayon.
"Magrereview pa ako Andrei." sagot ko sa kanya na di siya tinitingnan. "Kung di rin lang naman importante yang sasabihin mo ipagpaliban mo nalang yan sa mga susunod na araw."
"Iniiwasan mo ba ako? Are you mad at me?" Aniya sa malungkot na boses.
Umiling ako. "I'm just busy." I reasoned out.
"Bakit pakiramdam ko hindi?" Frustrated niyang sabi na para bang alam niyang nagsisinungaling ako.
"Busy lang talaga ako. Look, magrereview pa ako kaya mauna na ako sayo."
Hinablot ko ang braso ko sa kamay niya pagkatapos ay deretsong naglakad papunta sa classroom ko.
Bumuntong hininga ako. What's happening to me? Sa ilang araw na hindi kami nagkasama sobrang namiss ko siya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin kanina pero sa tuwing naalala ko yung nakita ko sa library umiinit kaagad yung ulo ko.
Alam ko naman na di dapat ako magkaganito dahil wala naman kaming relasyon. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Ayokong masaktan kaya hanggat maari iiwasan ko nalang siya. Ewan ko di ko na alam kong anong dapat na gawin. Maloloka na yata talaga ako!
"O, bakit ganyan ang itsura mo?" puna ni Joy. Kakarating lang niya galing sa banyo.
Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit ano ba ang itsura ko? May mali ba? Mukha na ba akong zombie?"
Umirap siya. "Hindi. Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Friend may problema ba?" May himig ng pag-aalala sa tono niya.
Umiling ako. Hindi sa ayokong sabihin sa kanya pero ayoko lang kasi munang pag-usapan 'tong feelings ko para kay Andrei.
"Hindi nga? Pansin ko kasi this past few days ang tahimik mo. Palagi ka lang nandito sa classroom. Di nga kita nakitang ngumiti man lang eh."
"Okay lang talaga ako. May iniisip lang. Salamat sa concern." Nginitian ko siya pero peke naman ang lumabas.
"Wag kang ngingiti kung pilit lang din naman! Maiintindihan ko naman yun. Basta nandito lang kami ha kapag gusto mo ng kausap."
Tumango ako. She blew a loud breath before leaving me.
Dumating ang uwian at sa wakas makakapagpahinga na rin ang utak ko sa kakaaral. Ito ang last day ng exam kaya back to normal na ulit ang klase bukas.
"Uuwi ka na ba?" Tanong sakin ni Joy habang nagliligpit ng gamit.
"Hindi pa. Bakit?"
Kapag ganitong kakatapos lang ng exam alam kong busy si mommy sa mga test papers kaya sigurado ako na gagabihin kami bago makauwi.
"Gusto mo tambay muna tayo sa labas? Libre kita ng burger, fries at shake pati na rin kikiam at fishball kung gusto mo."
Ngumiti ako. "Himala? Anong nakain mo at manlilibre ka? Sure ka ba jan baka wala ka ng allowance next week nyan?" pagbibiro ko. Alam ko naman na kaya niya 'to ginagawa dahil gusto lang niyang pagaanin ang loob ko.
Ngumuso siya sakin. "Hindi mo naman siguro uubusin ang paninda nila sa labas di ba?" biro rin niya.
"Let's see. Alam mo naman ako kapag libre ang usapan." I smirk.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...