Kabanata 27

249 7 2
                                    


"Galit ka pa rin ba kay Andrei best?"

Nasa counter kami at nakatunganga lang dahil wala naman kaming masyadong customer. Joy being herself can't stop asking questions. Umaandar na naman ang pagiging tsismosa niya. Marahil ay napapansin na rin niya ang di ko pagkibo kay Andrei.

"Hindi naman ako galit sa kanya." Kaswal na sagot ko dahil totoo naman na di talaga ako galit kay Andrei. Yung salitang naiinis pa baka pwede.

"Eh bakit di mo pa rin siya pinapansin? Isang linggo ka na yatang sinusuyo nung tao pero wah epek naman sayo ang charm niya." Seryosong sabi nito.

Pagkatapos nung eksena na nakita ko silang nag-usap nung anak ni mayor talagang di ko na siya kinausap. Tinatanong niya ako kung ano ba daw ang problema kung may nagawa ba daw siyang mali. Dahil nga naiinis pa rin ako syempre di ko siya sinagot hanggang nagsawa nalang siya at hinayaan ako. Nang mga sumunod na araw ang dami niyang ginawang pakulo.

Merong isang umaga pagdating ko may maririnig nalang ako na naggigitara at kumakanta at siya ang salarin. Minsan hanggang hapon niya iyon ginagawa dahil nga magaling naman siyang kumanta lalo lang siyang nakakahatak ng mga kababaihan syempre pa kilig na kilig sila samantalang ako nagngingitngit na sa inis dahil pakiramdam ko pati sila hinaharana rin niya kaya ang ending lalo ko lang siyang di papansinin. Meron rin na sasayawan niya ako pero infairness nung nagsabog yata ng talent si God ay sinalo ng lahat ni Andrei dahil di ko akalain na di pala parehong kaliwa ang paa niya. In short magaling rin siyang sumayaw. Ginawa na niyang concert ground ang resto namin. Pabor naman sakin yun dahil nakakahatak kami ng maraming customers. Yun nga lang di ko pa rin siya kinakausap. Syempre papanindigan ko na yung pagiging pakipot ko di ba?

"Wala lang di ko lang feel na pansinin at kausapin siya."

"Wow! Haba ng hair ha?" Pabirong sinabunutan niya ako. "Pahard to get pa si ateng. Sige lang push mo yan! Kapag yun nakahanap ng iba ay naku ewan ko nalang sayo!"

Aba! Tinakot pa ako ng bruha at nagawa pa akong irapan. Dukutin ko kaya yang mga mata niya?

"Edi maghanap siya ng iba di ko siya pipigilan." Matapang na sabi ko pero deep inside kabaliktaran naman sa sinasabi ko ang gusto ko.

Natatakot ako na baka nga magkatotoo ang biro ni Joy. Nakasanayan ko na yung palagi siyang nanjan para sakin. Yung alam ko na kahit di ko siya kausapin di niya ako susukuan. Pero alam kong tao lang din naman siya napapagod at nagsasawa rin. Dahil sa sinabi ni Joy parang bigla akong natauhan. Di ko pala gusto yung bigla nalang siyang makahanap ng iba.

"Asus.. palibahasa heed over heels sayo si Andrei eh kaya nasasabi mo yan!" Pabirong tinampal pa niya ako sa braso.

Sakto namang tumunog ang door chime ng resto tanda na may papasok na customer kaya napabaling kami parehas doon pero parang bula na naglaho nalang bigla ang ininsayo kong ngiti ng makita ko si Andrei. Maganda ang ngiting nakapaskil sa mukha nito habang naglalakad papunta sa pwesto namin. May hawak itong malaking bouquet ng bulaklak. Napanguso ako bakit kahit saang anggulo ko siya tignan ang gwapo-gwapo talaga niya samantalang ang simple lang naman ng suot niya. Isang black tee shirt at maong pants at topsider. Naglaho nalang bigla yung kinikimkim kong inis sa kanya. Ang kisig niyang tignan kahit pa pink na pink yung dala niyang bouquet.

Umiwas kaagad ako ng tingin at nagkunwaring nagpupunas ng counter top kahit na ang kintab na nun sa sobrang linis para lang maitago ang pamumula ng mukha ko. Syempre kinikilig naman si ateng nuh? Pasimple naman akong siniko ni Joy kaya napatingin ako sa kanya. Ngumuso siya at sakto namang pagtingin ko ang pagdating rin ni Andrei.

"Ayan na ang prince charming mo." Pabulong na sabi niya saka ako iniwanan sa counter.

Kainis talaga 'yong bruhang 'yon iwan ba naman ako sa ire!

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon