"Okay lang ba talaga ang itsura ko? Yung make-up ko makapal ba masyado? Tsaka yung damit masyado bang hapit sa katawan? Di ba masagwang tingnan?" Dire-diretsong tanong ko kay Joy. Nakaharap ako sa salamin sa loob ng kwarto ko habang tinitignan ang sariling repleksyon.
May congratulatory party kami kina ate Jeryn. Celebration dahil naging successful ang mga paghihirap namin sa campaign. Halos lahat sa amin ay nanalo sa ginawang botohan. Kaya naman nagpaparty kaagad si Mayora."Pwede ba relax ka lang jan! Okay lahat sayo. Infact, mas lalo ka pa ngang gumanda." Nakangising sabi niya.
Napangiwi ako ng wala sa oras. Pakiramdam ko binobola lang niya ako eh!
"Seryoso naman kasi!" Frustated kong sigaw sa kanya habang nakapameywang.
"Totoo nga! Bakit ba ang paranoid mo jan? Kumalma ka nga!" Inis na sabi niya habang nakataas pa ang mga kilay.
"Masama ba na gusto kong magmukhang maayos? First time ko kaya 'to kaya dapat lang na maayos lahat!" Pabalang na sagot ko sa kanya saka humalukipkip. Nakakainis naman eh di niya ako maintindihan.
"Gustong magmukhang maayos o gusto mo lang na maging maganda sa paningin ni Andrei?" Nang-iintrigang tanong niya na sinabayan pa iyon ng pagtaas-baba ng kilay.
"Magmukhang maayos." sagot ko. Lalo lang tumaas ang kilay niya sa sagot ko halatang di naniniwala.
"Weh?" Aniya.
"Ako tigil-tigilan mo jan sa kaka-Andrei mo ha? Naririndi na talaga ako sayo!" Naiinis na bulaslas ko sa kanya.
Simula nang mangyari iyong performance ni Andrei sa miting de avance namin di na niya ako tinigilan sa kakakantyaw sa lalaking yun. Halos iyon na nga ang bukambibig niya. Imbes na kiligin eh naiiyamot na ako. Di ko na kasi mapigilang kiligin pakiramdam ko anumang oras mabubuko na niya ako.
"Oo na po. Titigil na. High blood ka naman agad? Para binibiro ka lang naman. Sige ka papangit ka nyan. Tatanda ka ng maaga." Argh! I hate her, di talaga siya nakakatulong kahit minsan.
Kung di lang talaga ako nakaayos ngayon papatulan ko na talaga siya. Kaso ayokong masira ang araw ko alang-alang nalang sa mga kapartido ko.
Pumikit ako saka kinalma ang sarili.
"Whatever Joy!" Naiinis na sabi ko saka siya inirapan. Tumabi ako ng upo sa kanya ng may bigla akong naalala.
"Teka san na ba si Andrei? Malapit nang magsimula yung party pero nandito pa rin tayo." Nagtatakang tanong ko kay Joy. Kanina pa kasi kami tapos mag-ayos at nakabihis na rin kami pero wala pa rin kahit anino ni Andrei ang dumadating.
Since parang close na close naman na sila ni mommy nagpresinta na siya na sabay na raw kami na pumunta sa party. Pumayag naman ang mommy ko pero sa isang kondisyon. Yun ay kasama rin namin si Joy. Gusto ko sanang umangal kasi di naman namin kasamahan si Joy kaso wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni mommy. Mabuti nalang sabi ni ate Jeryn pwede daw kaming magsama ng iba. Kaya ito ako ngayon pinagtitiisan siyang kausapin kahit wala naman akong makuhang matinong sagot.
"Baka natraffic lang, kalma lang baka maya-maya lang an'dyan na siya." Walang gana niyang sagot.
"Baka nga, tara nalang sa sala dun nalang natin siya hintayin. Manood nalang muna tayo ng tv."
Suggestion ko sa kanya kahit naman sobrang nakakairita na siya minsan mahal ko pa rin siya. Baka lang kasi nababagot na siya dito sa kwarto ko na wala namang nakakaaliw sa paningin. Magmamagandang-loob muna ako. Mahirap na baka sabihin niya na naman inaapi ko siya."Yun naman.! Akala ko di mo na ako aalukin eh. Medyo nababagot na nga ako nang konti dito kaso ayoko naman na magreklamo sayo kasi bisita mo lang ako. Nakakahiya naman di ba? Kaya hinintay nalang kitang magsalita." Di ko alam kong nagdadrama ba siya o nang-iinsulto. Sarap niyang sabunutan talaga! Ang dami niyang alam. Ang dami niyang alam para inisin ako!
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomansVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...