Kabanata 22

295 11 1
                                    


A/N
I'm so sorry po dahil matagal akong di nakapag-update masyado lang pong naging busy si ateng ang dami po kasing nagbirthday sa family ko at ako ang nag-asikaso. Kaya pasensiya po talaga. Anyways, ito na po ulit ang team VenDrei.

Happy Reading!

KABANATA 22

Isa-isa kong inilagay ang mga damit na dadalhin ko sa aking maliit na traveling bag. May mga damit naman akong naiwan sa resthouse kaya konti lang ang dadalhin ko. I'm so excited to see my grandparents. I missed them so much! Nung new year ko pa sila huling nakasama.

"Sweetie, are you done packing?" Rinig kong tanong ni mommy sa labas ng kwarto ko.

Tumayo ako para pagbuksan siya ng pintuan. Pumasok naman siya at tinignan ang mga nagkalat na gamit sa ibabaw ng kama ko.

"Malapit na po mommy. Ikaw po tapos na?"

Ngumiti lang siya at umupo sa kama ko. "Tapos na kanina pa. Wala naman akong masyadong dadalhin na gamit." Sabi niya habang nilalagay ang mga natira ko pang mga damit.

"Ah okay po. Okay lang po ba na kayo nalang muna ang magtapos nito?" Tukoy ko sa mga gamit na dadalhin ko. "Maliligo na po sana ako para di tayo abutin ng init sa daan mamaya. Tsaka dadaanan pa natin si Joy hindi ba?"

"Sige, ako na ang bahala rito. Mas maganda nga kong maaga pa tayong aalis. Para naman makapag-ikot pa kayo ni Joy mamaya." Sang-ayon niya sa sinabi ko.

Mabuti nalang pumayag kaagad ang mga magulang ni Joy nung ipinagpaalam namin siya noong nakaraang araw.

Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo. Alas siete pa lang ng umaga. Di pa kami nag-aalmusal dahil abala kami sa paghahanda ng mga dadalhin.

Makalipas ang ilang minuto tapos na rin ako. Paglabas ko nakaayos na ang kama ko at wala na rin doon ang aking ina baka lumabas na at naghanda ng almusal.

Nagbihis na ako at lumabas na rin ng kwarto. Di nga ako nagkamali. Naabutan ko si mommy na naghahanda ng pagkain sa may lamesa. Nang makita niya ako nginitian niya kaagad ako.

"O, sakto lang pala at tapos na ako rito. Tatawagin na sana kita para makakain na tayo at nang makaalis na pagkatapos. Kanina pa tawag ng tawag ang mga lolo at lola mo. Tinatanong kong nasaan na ba daw tayo."

Tumawa ako. "Sila lola talaga, di pa rin nagbabago!"

Umupo na ako at sumandok ng pagkain.

"Sinabi mo pa! They're so excited to see us. Akala mo naman ilang taon nila tayong di nakita!" Iiling-iling na reklamo ni mommy.

"Hayaan niyo na po. Ganun yata kapag tumatanda at nagkakaedad na." Biro ko kay mommy.

"Yan ang wag mong ipaparinig sa dalawa dahil siguradong mag-aalma ang mga yun!"

Humalakahak kami pareho. Ayaw na ayaw kasi nila lolo at lola kapag sinasabihan silang matanda dahil di pa naman daw mas malakas pa nga raw sila kaysa sa kalabaw eh.

Mabilis lang kaming natapos kumain ni mommy. Pagkatapos namin maglinis ng kalat ay naghanda na kami para umalis. Chineck muna ni mommy lahat ng mga saksakan para iwas sunog. Nang masigurong safe at okay na lahat nagpasya na kaming umalis para sunduin si Joy. Mabilis lang naman kaming nakarating sa kanila.

"Tao po!" Sigaw ko sa may gate nila Joy. Bakal lang naman kasi iyon kaso nakalock kaya di ako makakapasok.

"Sino po yan?" Rinig kong sigaw ng isang babaeng nakauniporme.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon