Lutang ang utak ko habang naglalakad papunta sa classroom. Ingat na ingat rin ako na huwag makasalubong si Andrei.Nahihiya kasi talaga ako sa kanya siguro dahil nga sa nangyari nung pictorial. Pagkatapos naming kunan ni kuya Darwin sobrang naging sweet at maasikaso ni Andrei kahit naiilang na ako ng sobra di ko siya magawang pigilan. Naging kumpulan tuloy kami ng tukso ng mga kasamahan namin. Daig pa raw namin ang totoong magkasintahan sa sobrang kasweetan. Tinatawanan nalang namin ni Andrei ang panunukso nila. Wish ko lang sana nga totoong kami. And true to his words binigyan nga kami ng copy ni kuya Darwin. Tinago ko sa drawer ko yung sakin dahil ayokong makahanap na naman ng dahilan si mommy na tuksuhin ako kapag nilagay ko yun sa frame at i-display sa kwarto ko. We look good together pa naman sa mga photo na yun.
Ayoko siyang makita baka mamaya di na ako makapagpigil. Baka masabi ko na yung totoong nararamdaman ko sa kanya at yun ang ayokong mangyari. Ayoko rin na maissue kami sa campus. Wala namang masama kaso nga lang ayokong magkaroon ng haters alam ko kung gaano kasikat si Andrei dito sa school.
"Kamusta naman ang pictorial niyo nung Saturday? Balita ko sobrang caring at sweet daw ng ating guitar hearthrob sayo ah?"
Oh here she goes again my super duper tsismosang bestfriend. Daig pa niya ang wifi sa sobrang bilis makasagap ng tsimis. Ang bilis talagang kumalat ng balita. Hay naku!
"Sinong guitar hearthrob ang sinasabi mo jan? Tsaka saan mo na naman ba nakuha yang tsismis na yan?" Iritadong tanong ko sa kanya.
"Sino pa ba edi si Andrei Ernest Faustino, duh! Di mo ba alam na yun ang code name niya sa loob ng campus? Tsaka san pa edi jan sa labas!"
Umiling ako. Alam kong magaling mag-gitara si Andrei pero di ko alam na may pa-code name siyang ganun dito sa school.
"Iba na talaga kapag tsismosa nuh?" asar ko sa kanya. Sumimangot naman siya.
"Anong tsismosa? Narinig ko lang kaya yon nung kumain ako sa canteen kanina." Palusot pa siya alam ko na kaya ang ugali niya. Di na niya ako maloloko.
"Oh, sige sabi mo eh!" Sakay ko sa reason niya. Wala akong balak na makipag-usap sa kanya. Wala ako sa mood ngayon.
"Wag mong ibahin ang usapan tinatanong kita kanina. Di mo pa ako sinasagot."
Bumuntong-hininga ako. Akala ko pa naman makakatakas na ako sa kanya. Umaandar na naman ang pagiging Tito Boy Abunda niya. Kung hindi siya si Madam Auring, isa naman siyang imbestigador ng nbi. Kainis talaga! Di ko nga alam paano ko siya nalulusutan palagi eh!
"Wala naman kasi aking masabi sayo kasi nga natural lang na kausapin niya ako dun. Siya lang kasi yung medyo close ko dun di ba? Alam mo naman ako pagdating sa socialization!" Paliwanag ko sa kanya. Malinaw naman ang sagot ko di ba? Sana naman wala na siyang fallow-up question?
"Weh? Yung totoo? Sabi pa nila level up na nga daw ang panliligaw sayo ni Andrei. Kitang-kita raw iyon ng mga senior. Ang sweet niyo daw sobra." Aniya na kinikilig. Inirapan ko lang siya. "Sayang naman wala ako dun. Sana na-ivideo ko kayo at naipost sa facebook. Lalagyan ko ng caption na 'the sweetest couple in town." Bumungisngis pa ang bruha sa naisip.
"Ah ganun ba? Magpapasalamat na ba ako dahil wala ka dun?" Sarkastikong sabi ko sa kanya saka inirapan.
"Joke lang ito naman, kahit kelan pikon ka talaga. Pero okay lang naman na di ko nasaksihan yun, in the near future baka di lang isang video ang makukuha ko sa inyo alam ko naman na dun din ang bagsak niyong dalawa."
"Wow ha! Talagang sure na sure ka jan!"
Pinipilit kong maging kaswal para di niya ako mahalata pero mahirap pala talagang pigilan yung totoo mong nararamdaman lalo na kung tinatraydor ka pa ng sarili mong katawan. Shit! I'm blushing right now.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
РомантикаVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...