Bago ako umupo binigay ko muna kay Andrei ang mic. Siya na kasi ang susunod na magsasalita.Nang ipakilala siya ni ate Jeryn ay halos magwala na ang buong female population ng campus. Mas lalo pa nang tumayo na siya at nagsalita.
Edi siya na nga ang gwapo! Siya na ang maraming fans!!! Ikaw na talaga Andrei!!
Ewan ko ba bakit bigla nalang ako nakaramdam ng inis o mas magandang sabihin na selos iyon. Nagseselos ako sa ibang babae na pinagsisigawan ang buong pangalan niya na halos maputol na ang mga litid nila kakasigaw makuha lang ang atensyon niya. Naiinis ako na di ko kayang gawin ang mga ganoong bagay sa kanya.
Kulang nalang irapan ko silang lahat kaso masyado naman akong halata nun. Kaya naman ang nangyari nakasimangot nalang ako buong speech niya."Hello everyone!" Malambing na sambit niya. At talagang nagpapacute pa siya ha? Duh? Di kaya bagay sa kanya!
Naghiyawan ulit ang lahat. Napapaismid nalang talaga ako sa kinauupuan ko. Halos umusok na ang ilong ko sa sobrang pagkairita.
Sige sumigaw lang kayo ng sumigaw! Mapaos sana kayong lahat!!
Really? Kelan ka pa naging ganyan Shirina? Baka nakakalimutan mo, di mo siya boyfriend kaya umayos ka! Bahagya naman akong nahiya dun. Affected ako masyado eh wala namang kami. Bumuntong-hininga ako saka nanahimik nalang.
"I'm Andrei Ernest Faustino running for Auditor under LOVE partylist. I hope you guys will vote and support me. Thank you." Sabi pa niya bago nagsalita ulit. "So.. before I end this speech I want to give you a song and I dedicate this to someone that is special to me. Hope you'll like it." Di ko masyadong masundan ang mga sinabi ni Andrei dahil masyado akong concern sa nararamdaman kong inggit.
Humiyaw naman ng I love you ang crowd. Iiling-iling na umalis siya sa pwesto saka inabot ang gitara sa gilid na nakapatong lang sa lamesa. Di ko man lang napansin yun kanina na may gitara pala dun. Ganun ba talaga ako kafocus sa ibang bagay kaya wala akong maalala? Ang alam ko lang mamaya pa siya kakanta eh bakit niya gagawin yun ngayon? Bumalik ulit siya sa pwesto niya kanina saka nagsimulang magstrum ng gitara at kumanta.
Minamasdan kita
Nang di mo alam
Pinapangarap kong
Ikaw ay akinMapupulang-labi
At matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langitNaging tahimik ang paligid para makinig sa kanya. Para bang nagkoconcert lang siya. Nagtaas pa yung ibang babae ng mga kamay saka iwinagayway bilang suporta sa kanya. Wow, talaga!
Huwag ka lang titingin sakin at baka matunaw
Ang puso kong sabikSa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At sa tuwing
Ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin Ang lihim kong pagtinginAng sarap talagang pakinggan ng boses mo Andrei. Sobrang lamig. Saan kaya niya natutunan ang pagkanta? Magpapaturo ako para naman maging kasing galing rin niya ako. Pumikit ako para mas namnamin ang boses niya.
Minamahal kita
Nang di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhidDi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdibNararamdaman kong tumitindig ang balahibo ko sa braso kaya napayakap ako bigla sa sarili habang nakapikit pa rin. Bakit pakiramdam ko para sa akin yung kanta? Masyado na yata talaga akong assuming. Iba ka talaga Andrei pati ako nadadala sa pakanta-kanta mong iyan!
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomantikVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...