"Iha, lumabas ka na jan. Parating na raw sila Andrei." Imporma ni lolo sa labas ng kwarto ko.
Ngayon kasi naisipan ng pamilya nila Andrei na dumalaw dito sa resthouse namin. Gusto ko sanang pagbuksan si lolo kaso nga lang di pa ako tapos magbihis. Nahihiya ako.
"Opo 'Lo, susunod na po ako. Tatapusin ko lang 'tong pagbibihis ko. Tapos bababa na kaagad ako."
"Sige apo. Wag kang magtatagal. Nakakahiya sa bisita kong wala ka kapag sinalubong na namin sila."
May pagkamakulit rin talaga itong matanda na 'to eh ang dami pang sinasabi. Sabi nang susunod kaagad ako eh!
"Opo 'Lo sige na para matapos na ako. Alis ka na po."
Mabuti naman nakinig siya sakin kaya nagmadali na akong magbihis. Sinuot ko yung floral na bestida na kulay pink. Medyo nahirapan pa ako kanina kong ano ba ang dapat kong isuot. Gusto ko kasi magandang-maganda ako mamaya sa paningin ni Andrei. Halos nailabas ko na nga lahat ng mga damit ko sa closet pero wala pa rin akong napipili kaya medyo natagalan talaga ako. Si lolo na nga yung pangatlong sumundo sakin. Naiinip na siguro sa sobrang tagal ko. Di naman halatang excited sila di ba?
Pagkatapos kong magbihis nagsuklay ako ng buhok. Tsaka nag-apply ng konting liptint tsaka powder saka ako bumaba sa sala. Nakita ko pang nakaupo roon sila lolo at lola kaya tumabi ako sa kanila.
"Ang tagal mo apo ah? Halatang nagpaganda ka pa talaga para sa binata ng mga Faustino." Tukso ni lolo sakin ng makaupo ako.
Nag-init naman ang mukha ko. Halata ba na pinaghandaan ko talaga? Grabe talaga 'tong si lolo. Ang galing makapuna!
"Si lolo talaga kung anu-anong sinasabi. Syempre may bisita tayo. Ang pangit naman kong di ako presentable na haharap sa kanila di ba?" Katwiran ko.
"Oo nga naman Mauricio. Masyado mo namang binibigyan ng malisya itong apo natin." Pagtatanggol sakin ni lola.
"Nasaan po si mommy?"
"Nasa kusina, kanina pa nga iyong aligaga sa kakautos sa mga katulong natin." Sagot ni lola.
"Alam niyo naman yun gustong perpekto lahat."
Bumungisngis ako. Ganun kasi talaga si mommy. Kung pwede nga lang baguhin niya ang lahat ng batas sa Pilipinas gagawin niya maging perpekto lang ang mundo. Kaloka!
"Sige tumawa ka lang jan iha. Mamaya kapag narinig ka ng mommy mo malalagot ka talaga." Banta ni lola na pinadilatan pa ako ng mata.
Napatigil naman ako kaagad sa pagtawa. Mahirap na may dadating pa naman kaming bwisita este bisita pala.
Sakto namang dumating si mommy galing kusina nang may narinig kaming ugong ng sasakyan sa may labas.
"Ayan na siguro sila!" Masiglang bulaslas ni mommy. Di talaga halatang excited siya. Medyo matagal na rin kasi talaga noong huling nagkita-kita ang pamilya namin.
"Mabuti pa abangan nalang natin sila sa labas." Suhestiyon ni lola.
Naglakad na kami sa may bukana nitong bahay. Di nga nagkamali si mommy. Kasalukuyang lumalabas ang bawat miyembro ng pamilya Faustino sa kanilang magarang sasakyan. Tahimik lang kaming nag-abang na makarating sila sa pwesto namin.
Naunang nakarating si Andrei. Nagmano kaagad siya kina lolo at lola. Samantalang ngumiti lang siya kay mommy bago siya tumabi sakin.
"Oh my God Celia! Long time no see!" Masiglang yumakap ang mommy ni Andrei sa mommy ko.
"Oo nga eh! Sobrang tagal na." Ganting sagot naman ng aking ina.
Nagpatuloy ang batian ng pamilya namin. Nagmano ang mga kapatid ni Andrei sa dalawang matanda samantalang halik sa pisngi naman ang iginawad nila sa amin ni mommy. Medyo nahiya pa nga ako sa mga kapatid na babae ni Andrei. Ang gaganda kasi talaga nila. I guess nasa genes na talaga ng pamilya nila yun. Ang gwapo rin kasi ng daddy ni Andrei. Medyo nailang pa nga ako ng yumakap siya sakin.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...