"I'm sorry guys." Hinging paumanhin ko sa mga kapartido ko. Medyo hirap pa akong magsalita dahil hindi gaanong maganda ang pakiramdan ko."Ok lang. Kakasimula lang naman namin. Halika na tutulungan kitang magcut ng flyers mo." Ani ate Jeryn.
Lumapit naman ako sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila para sa finishing ng campaign. Kaya ito napakabusy namin this past few days. Di ko alam na sobrang nakakapagod pala itong napasok ko.
Patapos ko ng icut yung mga papel ko ng bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa sentido ko kaya naman napabaling si Andrei sakin na katapat ko lang sa lamesa. Tinulungan niya rin kasi akong maggupit.
"Are you okay? Namumutla ka?" Nag-aalalang tanong niya.
"Okay lang ako. Medyo nahilo lang ng konti."
"Are you sure? Ako nalang ang tatapos nito magpahinga ka nalang muna."
"Hindi na kaya ko pa naman. Nakakahiya na sayo. Ang dami mo ng naitulong sakin."
Halos lahat ng materials ko siya na ang nag-asikaso. Di ko nga alam kong paano niya nagagawang pagsabayin lahat eh. Samantalang ako konti nalang bibigay na ang katawan.
"Okay lang sakin yun. Wag mo ng intindihin yun. Ang mahalaga magkapagpahinga ka muna. Sige na please..! Alam kong may sakit ka pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo na gumawa. Nag-aalala na rin ako sayo. Mamaya baka kung mapano kapa. Magpahinga ka muna. Kahit saglit lang."
Kahit sobrang nakakahiya sinunod ko ang sinabi niya. Wala na rin kasi akong lakas para makipagtalo pa sa kanya.
"Okay. Pasensiya na talaga tsaka salamat!"
"Don't mind it, just rest."
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you."
Tinawag niya si ate Jeryn. "Ate, pwede po bang magpahinga muna si Venus? Di po kasi maganda yung pakiramdam niya eh."
"Naku, ganun ba? Sige, sige. Teka, tatawagin ko lang yung maid namin para maihatid kayo sa guestroom. Dun pwedeng magpahinga si Venus." Medyo nagpapanic na sabi ni ate Jeryn.
"Sige po ate. Salamat." Ani Andrei na di umaalis sa tabi ko.
"Wala yun" sagot ng president namin.
Nagkukumahog na umalis si ate Jeryn para siguro tawagin ang maid nila. Nahihiya tuloy ako kasi naabala ko pa sila. Di rin naman nagtagal may isang maid na babae ang lumapit samin.
"Kayo po ba si Ma'am Venus? Ako po yung inutusan ni Señorita na sunduin kayo." Magalang na sabi niya.
"Ako nga. Pasensiya na."
"Okay lang po yun ma'am. Tara na po ihahatid ko na po kayo sa guestroom." Aniya ng nakangiti.
Tumango ako saka tumayo. Kaagad naman akong inalalayan ni Andrei. Medyo nahiya pa ako kasi di naman na kailangan pero sa itsura palang ni Andrei alam kong di ko siya mapipigilan. Nakahawak siya sa bewang ko na para bang wala lang iyon sa kanya samantalang ako pilit na kinakalma ang sarili parang hihimatayin yata ako ng wala sa oras. Ang lapit niya sakin, nalalanghap ko ang pabango niya sa katawan. Pati hininga niya tumatama sa pisngi ko. Gosh! I'm so hot right now. Pakiramdam ko lalong lumala ang pakiramdam ko.
Kalma lang Venus, wag kang mag-inarte jan. Kunwari ka pang ayaw, gustong-gusto mo naman. Minsan lang yan kaya sulitin mo na.
Gusto kong umalma pakiramdam ko kasi ang tagal naming makarating sa guestroom. Ang laki naman kasi ng bahay nila ate Jeryn. Ang daming pasikot-sikot kaya pala kailangan na may maghatid samin kasi kong kami lang baka naligaw na kami ni Andrei.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...