Kabanata 31

73 5 1
                                    


"So, ano na ang plano? Tutunganga nalang ba tayo dito o mamimili na tayo ng mga gagamitin natin sa Sunday? Anong oras na oh!"

Joy boredly asked us.

Nandito kami sa may food court ng isang sikat na mall dito sa Manila. Actually, kanina pa kami dito nakaupo at nakatunganga lang sa may sulok. Last weekend we talked that we need to be here today so that we can buy together our needs for our upcoming Junior-Senior Prominade this coming Sunday but we are all disappointed dahil wala man lang ni isa sa amin ang may plano na. Hindi tuloy namin alam kung ano ang gagawin namin ngayon. Wala man lang excited sa aming apat. Hay naku!

"How about we do the matchy-matchy?" Nakangiting suggestion ni Eysia. Itinaas pa niya ang point finger para kunno sa napakaganda niyang idea.

"Anong matchy-matchy? Yung parang sa mga twins na same designs but different in color?" Paglilinaw na tanong ni Carina. Sa kanilang tatlo ito lang ang medyo matino mag-isip.

"Tumpak ka jan girl!"

Pumalakpak si Eysia at ngiting-ngiti pa dahil sa tamang sagot ng kaibigan namin. Sumimangot naman si Joy natitiyak ko na aangal na naman ang bruha.

"Ano tayo quadruplets? No way! Para tayong tanga nun!"

Oh di ba tama ako? Sa kanilang tatlo ito naman ang pinakamahilig kumontra sa mga ideas at suggestions namin kaya di na talaga ako magtataka.

"Ang OA mo!" Sinamaan siya ng tingin ni Eysia. "Tanga agad? Maganda kaya yung naisip ko. Malay niyo maging sikat pa tayo nun kasi tayo pa lang ang gagawa ng ganun." Giit pa niya habang nakanguso.

"Ah basta ayoko!" Hindi papatalong sabi ni Joy. "Paano tayo mari-recognize kapag magkakatulad tayong lahat? Kailangan nga dapat yung unique ka yung mag-istand out ka sa iba para wala kang kakompitensiya sa crown tapos ngayon magkakatulad tayo? Kayo nalang!"

Inirapan niya kami saka humalukipkip. Ang sarap dukutin ng mga mata niya. Santisima, umaandar na naman ang kamalditahan niya. Ibabalik ko talaga siya sa Batangas kapag di na ako makapagtimpi sa kanya, makita niya. Mabuti pa dun mabait siya ng kaonti.

"So, ayaw mo talaga?" Hamon ko sa kanya. Malay natin magbago ang isip niya di ba?

"Hindi sa ganun pero kasi--"

"Hindi ka maganda kaya wag kang mag-inarte jan!" Joy cut her words just to annoy her. "Saka kahit anong gawin mo di ka mananalo dito kina Venus at Carina nuh?" at talagang pinagduldulan pa niya ang palad sa baba namin ni Carina. Gusto ko siyang sabunutan kasi pati kami nadadamay sa gulo nilang dalawa. Masakit kaya! Ang sarap nilang pag-untugin na dalawa sa totoo lang.

"Nagsalita ang mas pangit pa sakin!" Bubulong-bulong na sabi ni Joy. Talaga namang hindi rin magpapatalo itong si Madam OA.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sigurado akong mag-aaway na naman sila mamaya kapag di pa kami nakaisip ng gagawin.

"Paano kaya kung mag-ikot muna tayo para magkaroon tayo ng idea tapos kapag nakapagdecide na tayo at nakapili saka tayo bibili. Ano sa tingin niyo?"

Kulang nalang talaga halikan ko si Carina sa napakaganda niyang suggestion. Buti pa siya marunong mag-isip ng matino hindi katulad nitong dalawa na wala ng ibang ginawa kundi ang mag-away at laging pasakitin ang ulo ko.

"Mabuti pa nga!" Pagsang-ayon ko saka nauna ng tumayo.

Naramdaman ko naman na sumunod lang silang tatlo sakin. Katulad nga ng sabi ni Carina nag-ikot muna kami. Halos nalibot na namin ang buong mall ng matapos kaming lahat sa pamimili.  Buti nalang di nagreklamo ang mga kasama ko dahil talagang masakit na ang mga binti at paa ko sa kakalakad. Iiwanan ko talaga sila kapag nag-inarte pa sila.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon