Kabanata 12

327 13 0
                                    


Nasa labas palang kami ng bahay nila ate Jeryn o mas magandang sabihin na mansyon iyon dahil sa sobrang laki. Rinig na rinig na namin ang malakas na musika na galing sa loob. Kinabahan kaagad ako. Ano na naman kayang kahihiyan ang gagawin ko mamaya sa harap ni Andrei?

"Ano pang tinutunganga mo jan? Hindi pa ba tayo papasok sa loob?" Istriktang sabi ni Joy sakin. Halatang naiinip na siya at gusto ng lumabas.

Nahihiyang nilibot ko ang paningin sa loob ng sasakyan. Tatlong pares ng mata ang nakatingin sakin. Naghihintay ng isasagot ko. My God! Masyadong occupied ang utak ko di ko man lang namalayan na kanina pa pala nakapark si Manong. Kainis!

Normal naman siguro na magkaganito ako di ba? First time ko kaya sa ganitong bagay. Di naman sa makalumang tao ako pero di pa talaga ako nakakapunta sa mga ganitong pagtitipon. Kahit na nanggaling ako sa kilalang angkan di ako inexpose ng mga kamag-anak ko. Gusto kasi nilang proteksyunan ako. Iilan lang ang talagang nakakakilala sakin. Ayos lang sakin yun dahil di naman talaga ako mahilig sa ganitong gathering. Mas gugustuhin ko nalang na mag-stay sa bahay kasama si mommy. Nag-aalala rin kasi ako sa tuwing iiwan ko siyang mag-isa lang sa bahay.

"Naku, pasensiya na. S-sige tara ng lumabas baka kanina pa nag-iintay si ate Jeryn satin."

Nagmadaling lumabas ang dalawa ng sasakyan halatang excited lalong-lalo na si Joy.

"Are you okay? Parang di ka yata excited na pumasok sa loob?" Concerned na tanong ni Andrei. Umiling ako dahil excited naman talaga ako pero mas nananaig lang yung kaba ko na halatang-halata sa mukha ko.

Ngumiti ako sa kanya to assure na okay lang ako.

"Di naman sa ganun.Medyo kinakabahan lang ng konti." Pag-amin ko. "Ngayon lang kasi ako makakadalo sa mga ganitong party. Di ako sanay." Sabi ko saka napakamot ng batok. Nahihiya ako baka kasi isipin nilang nagdadahilan lang ako.

"Weh? Ikaw pa ang hindi sanay? Ako nga nakailang party na samantalang di naman kami mayaman!" Eksaheradang sigaw ni Joy. "Di ako naniniwala." Iiling-iling na sabi niya na para bang napakaimpossible ng sinabi ko.

"Totoo yun! My family didn't expose me even in the media for my own safety. Kaya never akong nakapunta sa ganito." Rason ko bahala sila kung ayaw nilang maniwala.

"Oh, kaya pala. Now I know. Wag kang mag-alala. Di ka namin pababayaan ni Andrei. Di ba Andrei?" Tumango naman ito saka ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil naniniwala sila sakin.

"Thank you guys!" Nag-group hug kami. Kahit papano nawala ng konti ang kaba ko.

"Okay, okay. Tama na ang drama pumasok na tayo sa loob. Wag ka ng kabahan dahil halos mga kilala mo naman ang mga nasa loob kaya wag ka ng masyadong mag-alala. Andito tayo para magsaya. Kaya, tara na?" Ani ni Joy. Ngumiti ako saka tumango.

"Mauna na kayo. Susunod nalang ako sa inyo. Ayoko namang magmukhang chaperon niyo nuh? Bakit kasi tinanggap ko itong plano ni Ma'am Acosta?" Reklamo niya na nakasimangot. "Di bale na nga, maghahanap nalang ako ng forever ko mamaya jan sa loob."

Mabuti pa nga para naman di ko na siya pagtitiisan pa! Alam ko namang nag-iinarte lang siya kaya tinawanan lang namin siya ni Andrei saka nauna nang maglakad sa kanya. Naramdaman ko naman nakasunod lang siya samin.

"Oh, nariyan na pala kayo? Akala ko di na kayo pupunta eh! Pasok, pasok!" Masiglang bungad sa amin ni ate Jeryn. Nasa main entrance siya at sinasalubong ang mga bisita.

She's wearing a gold cocktail dress. Na bumagay sa slim niyang katawan. Her hair is tied in a high ponytail at may ilang loose strands na nakalaylay sa side. She looked so elegant and young. Para siyang bida sa mga teleserye yung prim and proper type. Di ko lubos maisip na ganito pala kayaman ang babaeng araw-araw na nagmamakaawa sa akin noon. Wala sa itsura niya. Sobrang bait kasi talaga niya. Down to earth kumbaga.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon