"I love you too." Then he leaned and kiss me on the lips.Sa sobrang pagkabigla ko ay naestatwa lang ako at di ko na namalayan na nakalayo na pala si Andrei sa akin. Natauhan lang ako nang marinig ko ang pagsarado ng sasakyan nila.
"Andrei!" I shouted. He automatically open the car window and playfully wink at me then he closed it afterwards.
Nawindang ako lalo sa ginawa niya. My gosh! Si Andrei ko ba talaga yun? Parang nasapian naman yata siya ng kung anong espirito kaya siya nagkaganun? Iiling-iling na pumasok ulit ako sa loob.
Patakbong pumunta ako sa kwarto ko. Hinubad ko agad ang gown ko at saka dumapa sa kama. Isinubsob ko sa unan ang mukha ko pagkatapos ay sumigaw ako ng malakas. Ginawa ko yun para di marinig ni mommy baka kasi magising siya bigla kapag nagkataon. Oh My God! He Kissed Me! Di pa rin talaga ako makapaniwala. Nagpapasag ako sa kama na parang isda na gustong kumawala dahil nahuli. Normal lang naman siguro na kiligin ako. That was my first kiss after all. Para akong tanga na pagulong-gulong sa kama ko at ni wala akong pakialam kahit na nakabra at panty lang pala ako.
Nang mapagod ako ay pumasok na ako sa banyo para maglinis ng katawan. Kahit nung nakapagbihis na ako ay di pa rin mawala sa utak ko ang eksenang ginawa ni Andrei. Nababaliw na yata talaga ako. Pasimple kong hinaplos ang labi ko saka ngumiti di pa rin talaga ako makaget-over. Nag-iinit rin yung mukha ko sa sobrang hiya medyo ramdam ko pa kasi ang labi ni Andrei sa labi ko. Natigilan lang ako sa kakaisip ng biglang tumunog ang ringtone ng phone ko para kay Andrei.
Oh my Gosh! Andrei is calling! What should I do?
Tarantang umupo ako sa kama at inayos ang sarili ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Mahirap na baka pumiyok pa ako.
"Hello?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil di ako nautal.
"Hi..." Malambing na bati ni Andrei sa kabilang linya. Nailang ako ng konti at medyo pinagpapawisan rin ako ng malapot lalo lang tuloy akong di mapakali dahil sa boses niya. My God Andrei may balak ka yatang patayin ako sa sobrang kilig! Pakiramdam ko kasi konti nalang at mawawalan na ako ng ulirat sa mga pinaggagawa niya. Kulang na nga lang tumambling ako para naman mahimasmasan ako sa mga nangyayari.
Tumikhim ulit ako. "Am.. nakauwi ka na ba?" Awkward kong tanong sa kanya.
"Yeah! Actually, kanina pa. I texted you but you didn't reply. I thought you're already sleeping."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Totoo bang nagtext siya? Bakit parang di ko naman narinig na nagbeep yung phone ko? Kunot-noong pinindot ko ang loud speaker bago pumunta sa inbox ko.
"Hindi pa ako tulog. Nakalimutan ko lang na tingnan yung phone ko. Kakabihis ko lang kasi at matutulog na sana."
I explained while reading his text message. And his right, nagtext nga siya masyado lang akong nacarried-away sa nangyari kanina kaya medyo nawala ako sa focus.
"Okay. Sige matulog na tayo. Goodnight." Aniya.
Ganun? Ganun-ganun lang yun? Pagkatapos niya akong halikan? Parang wala lang?
"Ah...eh? Sure!"
I wanted to confront him why kissed me earlier but I think he doesn't want to talk about it right now. Nakakahiya naman na ako ang unang mag-open nun kaya wag nalang.
"G'night. I love you." Then he already ended the call.
Ngumuso ako. Di pa nga ako nakakapag-response binaba na niya kaagad? Halatang umiiwas lang siya eh! Padabog na nilapag ko ulit ang cellphone ko sa night table. Medyo nawala ako bigla sa mood. Kainis!
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...