Kabanata 29

209 9 0
                                    


Habang papalapit kami sa may kubo ay lalong uminit ang mukha ko lalo na nung nakita ko na lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa ni Joy.

Great! Bakit kasi nakiayon pa ako sa mga trip ni Joy ngayong araw? Tsss.. pahamak talaga ang bruha! Shemay talaga oh totoo yata talaga ang salitang karma ayan, nakaganti na tuloy si Joy sa ginawa ko sa kanya. Arrrghh!!

Kung pwede lang talaga manampal ng kaibigan ginawa ko na kaso di naman ako ganun kabrutal para umabot pa sa pisikalan.

"Hey baby, come on. Let's eat! Sakto lang ang balik niyo." Masiglang sabi ni mommy kaya kahit naiilang ay napilitan akong humakbang palapit sa kanya.

Dinampot ko kaagad ang roba ko na nakasampay sa may dingding ng kubo. Alam kong nakatingin sa akin si Andrei pero dahil talagang nilamon ako ng kahihiyan kaya di ko magawang ibaling sa kanya ang aking mga mata.

Wala namang nangahas na magsalita habang kumakain kami. Tanging ang mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko. Nagulat nalang ako ng biglang lumipat ng upo si Andrei at tumabi sa akin.

"Hey!" Medyo nangangapang bati niya sakin. Kahit siguro siya eh naiilang rin.

"Ow, anong ginagawa mo dito?"

Kumunot ang noo niya saka sumimangot. "Why? You don't like me here?" May himig ng pagtatampo ang tono niya.

Ngumuso ako.  Mukhang mali yata ang pagkakasabi ko ah?

"Of course not! I mean bakit napabisita kayo dito samin?" Sadyang nilinawan ko na ang tanong ko mahirap na baka mamaya mamis-interpret na naman niya.

Lumiwanag ulit ang mukha niya. "Akala ko ayaw mo kong makita--"

"Di nga sabi ganun eh!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sa amin ang mga kasama namin sa lamesa.

"May problema ba iha?"

"Is there's something wrong apo?"

Magkasabay na tanong ng daddy ni Andrei at ng Lolo ko. Umiling ako kaya bumalik na ulit sila sa pagkain. Nilingon ko si Andrei at sinamaan ng tingin. Pahamak talaga kahit kailan!

"Ow.. I'm sorry!" At nagpaawa effect pa talaga ang bruho kaya naman napabuntong-hininga nalang ako.

"Okay, I will behave na." Sumusukong turan niya ng mapansing di ako natutuwa sa kanya. "Back to your question, nandito kami para sana bumisita sa inyo kaso pagdating namin wala kayo doon sabi ng kasambahay niyo nandito daw kayo kaya yun dito na kami dumiretso." Mahabang paliwanag niya.

"Ah? Buti nalang maraming nilutong pagkain si mommy."

"Oo nga! Parang may pafiesta lang sa sobrang dami. Nasense yata na dadating kami." Pilyong kumindat pa siya sakin.

Naiiling na sumubo nalang ulit ako. Baka mamaya si Andrei pa ang makain ko ng wala sa oras. Ay, ano ba itong iniisip ko. Erase, erase, erase.

Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad na ang mga oldies sa tabing-dagat, samantalang si Joy naman ay kasama ang dalawang kapatid na babae ni Andrei. Sinadya yata talaga nilang iwanan kaming dalawa lang sa kubo. Pambihira!

"Di ka ba maliligo?" Awkward na tanong ko kay Andrei. Sobrang tahimik kasi namin eh.

"Hindi. Wala akong pamalit eh. If you wanted to see me naked pwede rin naman siguro." Pilyong ngumisi pa ang bruho.

"Siraulo!"

"Just kidding! Napakaseryoso mo kasi jan. Pinapagaan ko lang yung atmosphere." Tatawa-tawang sabi nito. Inirapan ko lang siya. "Ikaw ayaw mo bang maligo ulit?"

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon