Kabanata 21

407 14 2
                                    


After finals kinausap ko ng masinsinan si Joy tungkol sa balak niyang summer job. Mukhang sobrang interested kasi talaga siya nung kinausap niya ako.

Naisangguni ko na rin naman ang bagay na iyon sa aking ina. Pumayag naman siya at nangakong tutulong rin. Mabuti nga daw at naisipan iyon ni Joy samantalang yung ibang estudyante daw puro pagliliwaliw ang nasa isip. Kahit nga ako di naisip ang bagay na yun. Hindi rin naman ako papayagan ng mga lolo at lola ko. Lalo naman si mommy. Magunaw siguro muna ang mundo bago niya ako pagbanatin ng buto. Pero syempre baka ibang usapan na yun kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral.

Ang problema nga lang ay sa Batangas nalang ang branch na may available kaya kung gusto talaga ni Joy kailangan niyang magpaalam ng maayos sa mga magulang niya. Ayoko naman na tumakas siya baka mag-alala ang mga yun sa kanya. Ang tanging naisip na solusyon ni mommy ay pansamantalang sa resthouse muna namin siya titira habang nagtatrabaho. Mas mabuti yun dahil sure kami na safe siya tsaka syempre mas masaya dahil magkasama kaming dalawa.

"Ano, nakapagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?" Tanong ko kay Joy dahil malapit na kaming umalis patungong Batangas.  "Gusto mo samahan kita kung hindi ka pa nakapagpaaalam? Malaki naman ang tiwala nila tita sakin eh."  Suhestiyon ko sa kanya.

"Ay talaga! Parang ikaw pa yung anak nila kung tutuusin." Kunyaring nagtatampo pa siya sakin. "Pero di pa ako nakapagpaalam eh. Sorry. Nakakalimutan ko kasi palagi." Alanganin siyang ngumiti sakin saka napakamot ng ulo.

"Ano ka ba naman! Dapat nagpaalam ka na next week aalis na tayo! Ayoko naman na kung kailan tayo aalis saka ka pa magpapaalam!" Sermon ko sa kanya.

"Alam ko! Magpapaalam na talaga ako mamaya."

"Ewan ko sayo! Sumabay ka na lang kaya samin umuwi mamaya para maipagpapaalam ka na namin ni mommy nang di ka na rin gaanong mahirapan pa."

Magandang idea naman talaga yun naisip ko. Mas mapapanatag kasi siguro ang mga magulang niya kung si mommy mismo ang kakausap sa kanila.

"Aw! Salamat bestfriend hulog ka talaga ng langit."

Aktong hahalikan niya ako sa pisngi pero pinigilan ng kamay ko ang mukha niya para di siya tuluyang makalapit sakin.

"Ewwwww... that's gross! You can thank me. You know? Di yung maghahalik ka pa. Mamaya may rabbies ka pala." Mataray kong sabi na nakapigil pa rin ang kamay sa mukha niya.

"Grabe ka naman, normal lang naman yun sa magkakaibigan! Ang arte mo! Ano ako aso at may rabbies? Ang sama mo talaga sakin! Nakakatampo ka naman eh!" Humalukipkip siya habang masama ang tinging binibigay sakin.

Oh. Here comes the mood swings. Mabilis pa sa pagbabago ng makapal na yelo sa north pole.

"Kahit na! I'm not comfortable with it. Sorry if I hurt your feelings." Mapang-asar na turan ko sa kanya.

"Feelings ka jan! Ewww, you sounds like I'm one of your suitor. Kadiri ka!" Nagdisgusted face pa ito na parang diring-diri talaga siya sakin.

"Oh kita mo 'to. Ako na nga 'tong nag-alala sa feelings mo ikaw pa ang may ganang mag-inarte jan!"

Inirapan ko siya.

"Okay enough with this nonsense talk. Bumalik na tayo sa classroom." Sumusukong turan niya. Di na nakayaanan ang kadramahan ko. I shook my head. And stand with a triumpant smile. Kala mo ha!

We're having lunch in cafeteria, so far so good nasasanay na akong lumabas sa lungga ko. Habang naglalakad kami nakikita ko sa gilid ng peripheral vision ko ang grupo nila Andrei na nagtatawanan. Dedma lang ako. As long as I want to talk to him. I'm too shy to approach him. I suddenly realize that I act like a jealous girlfriend. My God! Baka naoffend ko na siya!

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon