"Venus! Joy!"Matinis na sigaw ni Eysia ng makita kaming papasok sa classroom. Today is our first day of school. Medyo nagulat pa kami ni Joy sa ginawa niya. Nasanay kasi kami sa medyo reserve at malumanay niyang boses.
Mabilis siyang tumakbo papunta samin at saka niyakap kami ng sabay. Halos masakal na kami ni Joy dahil nagtatalon pa siya kahit nakayakap siya sa amin.
"Di naman halatang namiss mo kami nuh?" Nakasimangot na sabi ni Joy.
Bumitaw naman si Eysia sa pagkakayakap sa amin saka nakangusong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"Syempre namiss ko talaga kayo! Ang daya niyo kasi! Bakit di ako nainform na magkasama pala kayo nitong bakasyon? Kung di ko pa nakita ang mga photos na inupload niyo sa Instagram di ko pa malalaman!!" Nagtatampong sabi niya.
Medyo naghigh pitch din ang boses niya na halos ikabingi na naming dalawa. Napatakip tuloy kami ng tenga ng wala sa oras.
Seriously? What's wrong with her today? Di ko alam na nakakahyper pala ang sembreak. Masyado yata siyang nagrelax sa bahay nila kaya nakaipon siya ng maraming energy ngayon.
"Wag kang sumigaw. Malapit lang naman kami sayo." Saway ko sa kanya. "Tsaka di ka naman kasi nagtanong."
Sumimangot naman siya at nagpaawa effect. Akala mo naman aping-api siya kung makaasta.
"Kahit na, dapat ininform niyo pa rin ako!" Giit pa niya. "Ah basta! Tampo pa din ako sa inyo pero hayaan na nga lang natin. Ang mahalaga makakasama ko na ulit kayo. Grabe! Namiss ko kayo sobra!" And she giggled like a child.
Naiiling na pinagmasdan nalang namin ang kaweirduhan niya. Wala naman kaming magagawa kung excited pa siya sa lahat ng excited eh. Susuportahan nalang namin ang mood niya ngayong araw. Baka nakalaklak lang siya ng maraming energy drink kaya ganun.
"Yung totoo Eysia, nakadrugs ka ba?" Walang kapreno-prenong tanong ni Joy sa kanya.
Di ko alam kung tatawa ba ako o babatukan ko ba itong si Joy sa walang kwenta niyang tanong. Yan umaandar na naman ang pagkaOA niya. Tama ba naman mambintang ng ganun sa kaibigan namin? Ang insensitive niya talaga!
Naestatwa naman saglit si Eysia at kaagad siyang pinalo sa braso ng makabawi.
"Arayy naman! Ano bang problema mo? Masakit yun ha!"
Lukot ang mukhang reklamo ni Joy na itinaas pa ang brasong namumula saka hinimas-himas iyon. Napalakas yata ang pagkakahampas ni Eysia.
"Ay sorry naman po! Ikaw kasi, ang sama mo sakin. Mukha ba akong adik? Di ko yun gagawin at never kong gagawin yun nuh? Kahit naman mahirap lang kami at panget ako. Di naman ako masamang tao." Nagdadramang sabi niya saka yumuko.
Nagkatinginan kami ni Joy. Pinandilatan ko siya ng mata. I have this 'tignan mo ang ginawa mo' look. Humarap siya kay Eysia at kaagad na lumambot ang mukha niya nang makitang inosenteng nilalaro ni Eysia ang mga daliri habang nakatungo pa rin. Mukhang naguilty naman bigla si Joy sa walang filter niyang tanong kanina.
"I'm sorry." She sincerely apologize to her then hug her.
"Okay lang sanay naman na ako." Ani Eysia sa mababang boses.
"I'm sorry talaga. Para ka kasing sira! Naweirduhan lang kami sayo." Malumanay na sabi ni Joy sa kanya saka siya binitawan.
Umangat ang ulo ni Eysia. Ang kaninang malungkot na mukha ay napalitan ng mapaglarong awra.
"Joke lang yun! Ano ba kayo masyado naman kayong seryoso." Aniya ng nakangisi. "Papasa na ba akong artista?" Pagkuwa'y tanong niya na sobrang lawak ang ngiti.
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...