Kabanata 2

578 14 0
                                    


"Hoy, Venus! Napapansin ko yatang napapadalas na ang pagbibigay ng pagkain sayo ni Andrei ah? Sigurado ka ba talagang ang mommy mo ang nagpapabigay n'yan?" Naiintrigang tanong ni Joy sakin na animo'y isang imbestigador. I just shrug my shoulder.

"Di ko alam."

Nagdududa siyang tumingin sakin. "Talaga lang ha? Nakakapagtaka lang kasi dati naman di yun nag-aabalang padalhan ka ng pagkain dito ah?" Naguguluhang sabi niya.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas akong hatiran ng pagkain ni Andrei sa classroom.  Di ko naman iyon binibigyan ng malisya dahil palagi naman niyang sinasabi na galing iyon kay mommy. Nagmumukha na nga siyang delivery boy ng aking ina. Pero ang ipinagtataka ko palagi yung may kalakip na sticky note niya. Ewan ko ba, tatanungin ko nga si mommy tungkol dun.

"Umupo ka nga! Daig mo pa si mommy kung makapagtanong jan! Hayaan mo, mamaya tatanungin ko na si mommy para matahimik na tayo pareho kasi kahit ako di ko alam ang sagot jan!" Naiinis na sabi ko sa kanya bago sumubo ulit ng pagkain.

"Aba, dapat lang! Mamaya talaga palang nagbibigay na ng motibo yang si Andrei para manligaw sayo, wala ka pang alam!"

"Oo na! Oo na!" Sumusukong sabi ko."Pwede bang manahimik ka na?" Naiiyamot na talaga ako sa kanya. Kanina ko pa kasi di maubos-ubos yung pagkain ko sa kakasatsat niya. Pati nga pagsubo niya ng pagkain di na niya magawa sa sobrang kakatanong niya sakin.

"Okay. Pasensiya na. Nakakapagtaka lang kasi ang mga kinikilos niya. Concern lang naman ako sayo. Usap-usapan na rin sa buong campus na nililigawan ka raw niya."

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Aba! Hindi nuh? Di naman ako nagpapaligaw ah?"

"Sabi pa nila ikaw lang daw yung unang babaeng pinag-aksayahan niya ng panahon para lapitan. Pansin mo rin ba ang bait niya sayo?" Dagdag pa niya.

Seriously? Saan ba nasasagap ng babaeng ito yung mga tsismis na yan? Grabe naman sila magpakalap ng balita. Di naman totoo. Fake news yun. Ito namang kasama ko nagpapaniwala kaagad!

"San mo ba nasagap ang mga yan? Wag kang maniwala sa kanila di yun totoo. Tsaka kaya lang naman siguro siya mabait sakin dahil kay mommy. So, normal lang yun." Paliwanag ko.

Bumuntong hininga siya. "Haaaayyyyy! Sabagay, may point ka dun. Pero wala namang masama kung manligaw nga siya sayo di ba?"

"Di nga siya nanliligaw! Bakit ba ang kulit mo? Malabo yung magkagusto sakin!" Naiinis na inirapan ko siya. Paulit-ulit nalang kasi siya. Ang kulit! Sarap niyang pasakan ng pagkain sa bibig para manahimik na siya.

"Kahit kelan manhid ka talaga palibhasa di ka pa nainlove eh!" Bubulong-bulong na sabi niya.

"Anong sabi mo? May sinasabi ka ba jan?"

"Wala!" She rolled her eyes on me.

I really don't understand her. Kung tutuusin simple lang naman ang mga gestures na ginagawa ni Andrei pero bakit parang big deal sa kanya yun? Lahat nalang binibigyan niya ng meaning. Kahit natural lang naman ang ginagawa ni Andrei nagiging iba sa pananaw niya. Inirapan ko rin siya.

"Whatever Joy! Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Basta ako, wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Ang bata pa natin para problemahin ang love, love na yan."

"Alam ko naman yun. Pero kasi kawawa naman si Andrei 'pag nagkataon. Mababasted lang sayo." Sinimangutan ko siya. Di na talaga ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Bakit ba pinoproblema niya yung lovelife ko? Si kupido ba siya?

"Pwede ba tumigil ka na jan! Naiinis na ako sayo ha? Di na nakakatuwa yang pinagsasabi mo! Tsaka akala ko ba friend tayo bakit parang mas may pakialam kapa kay Andrei kesa sakin? Mas kampi ka pa sa kanya! Ano to, friendship over na tayo?"

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon