Kabanata 13

317 13 0
                                    


"Grabe ang sakit na ng paa ko!" Reklamo ni Joy. Nagmadali siyang umupo. Inalis ang heels na suot saka hinilot ang mga paa.

"Paano ba naman hindi sasakit ang paa mo? Eh kanina ka pa sayaw ng sayaw. Kung sinu-sinong lalaki pa ang sinasayaw mo!" Naiinis na sita ko sa kanya. Para akong nanay na pinapagalitan ang anak.

"Aba! Sabi nga ni Ate Jeryn, enjoy the night daw di ba? Edi yun ang ginawa ko?" Papilosopong katwiran niya. "Ikaw bakit ka ba nagmumukmok dito? Bakit ayaw mong sumayaw?" Tanong niya habang pinagpatuloy ang ginagawa.

"Bakit masama ba na nandito lang ako? Sa ayaw kung sumayaw eh! Di naman ako marunong nun!" Totoong di naman talaga ako marunong kahit pa puro hip-hop at rock yung music ayaw ko pa rin. Mabuti na nga lang nakaalalay si Andrei nung sumayaw kami ng slow kung hindi baka napahiya na ako!

"Ang KJ mo naman, minsan lang kaya 'to! Halika nga para naman di ka mainip dito." Walang sabi-sabing hinila niya ako papuntang dance floor. Di ko man lang napansin na naisuot na pala niya ulit ang heels niya. Ang bilis talaga!

"Ano ba? Ayoko sabi eh!" Nagpupumiglas ako pero talagang mahigpit yung kapit niya sakin.

"Wag ka ng mag-inarte. Subukan mo lang total nandito na rin lang tayo."
Akala ko ba masakit na yung paa niya? Bakit nandito na ulit siya? Ang gulo niya ha?

"Di naman ako naiinip dun eh tsaka si Andrei baka hanapin tayo nun." Reklamo ko habang ginigiya niya ako sa dance floor kung saan halos magwala na ang lahat sa kakasayaw.

"Bakit nasaan ba siya?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"Magbabanyo lang daw siya. Kanina pa daw siya naiihi, kaso pinipigilan lang daw niya dahil wala raw akong kasama. Di na siguro natiis kaya yun." Paliwanag ko sa kanya. Medyo humahalo na kami sa mga nagsasayaw. Tinatamaan na yung  katawan ko sa kakaindak nila.

"Ah, ganun ba? Hayaan mo na yun makikita rin naman tayo nun pagbalik niya." Walang buhay niyang sabi saka sumabay na rin sa nakaplay na music.

"Sabagay, magaling naman siguro yun maghanap tsaka matangkad naman siya. Madali niya tayong makikita."

Sumang-ayon nalang ako sa gusto niya. Ano pa nga bang magagawa ko di ba? Alangan namang bumalik ulit ako? Sa itsura palang ni Joy sigurado akong di siya papayag. Tinry kong sumayaw at gumaya sa mga steps ni Joy. Infairness kahit papano nagiging komportable naman ako. Tama nga si Joy, masaya naman ang magwala sa dance floor minsan.
Natatawa pa ako sa tuwing titignan ko si Joy sumayaw. Akala mo naman kasi napakaexpert niyang sumayaw pero hindi naman. Ang tigas kaya ng katawan niya. Para siyang tuod na gumagalaw. Pero sadyang makapal yata talaga ang mukha nitong kaibigan ko kasi wala siyang pakialam sa paligid. Kumbaga, ini-ejoy lang niya ang magpakabaliw ngayong gabi.

Tawa ako ng tawa habang pasway-sway ang mga kamay paitaas. Yun lang kasi ang steps na alam ko. Naramdaman ko nalang na may kamay na biglang humawak sa beywang ko. Sa sobrang gulat ko napatigil ako sa pagsayaw. Biglang dumausdos iyon paibaba. Lilingunin ko na sana kung sino ang walang modo na yun pero huli na nakabulagta na siya sa sahig. Natutop ko ang aking bibig sa nangyari. Gulat na gulat akong napatingin kay Andrei na nakatiim-bagang at nagpupuyos ng galit. Pulang-pula ang mukha niya na parang bomba na anumang oras ay bigla nalang sasabog.

"Anong nangyari dito?" Nag-aalalang tanong ni Ate Jeryn na ngayon ay nakalapit na samin.

"I'm sorry ate. Nakita ko na binabastos ng lalaking yan si Venus. Di ko nacontrol yung sarili ko." Paliwanag ni Andrei habang nakatingin sa lalaking nakahandusay sa sahig at walang malay. Alam kong di naman iyon natumba dahil lasing. Wala naman kasing nakaserve na alak dahil mga minors pa kaming lahat. Ganun kalakas si Andrei para mapatumba ang lalaking yun? Hanep! Sabagay, bang payat naman kasi ng manyak na yun.

DIMPLES 1: Guitar HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon