"Wow! Napakaganda mo naman anak!" Nakangiting bulaslas ni mommy pagkalabas ko ng kwarto.Finally, today is our most awaited JS Prom. Sa sobrang excited ni mommy ay naghire pa talaga siya ng make-up artist para sa akin kaya naman daw sana niya na mag-ayos sakin kaso baka daw di maganda ang kalalabasan at baka di ko magustuhan masira pa daw niya ang araw ko kaya wag nalang. In short, paranoid lang talaga siya. Kaya ito siya ngayon nagtiyagang maghintay sa labas ng kwarto ko. Gusto daw kasi niyang magulat sa kakalabasan ng itsura ko. At mukhang nagawa ko naman yata kahit pakiramdam ko wala namang nagbago sa mukha ko.
Light lang ang make-up ko para daw lumabas ang natural kong ganda sabi nung make-up artist na nag-ayos sakin. Hinayaan ko nalang sila na magdecide tutal sila naman ang nakakaalam. They do a messy bun for my long brown curly hair.
"Thank you M'my."
"Hayy.. you're not a baby anymore. Big girl ka na talaga anak!"
Titig na titig si mommy sakin. Nakatingala pa siya dahil bukod sa mas matangkad na talaga ako sa kanya dati eh naka-heels pa ako kaya mas lalo akong tumangkad sa kanya. Hinaplos niya ang mukha ko. Ngumuso ako, ito na naman po kami sa usapang baby. Syempre hindi naman ako habambuhay na bata nuh? Tatanda din ako.
"Syempre naman mommy di naman ako forever lang na baby. Look at me now."
Umikot ako sa harapan niya.
Tumawa naman ang aking ina.
"Hindi ka na nga bata, dalaga ka na." Humalukipkip siya sabay hagod ng tingin sa akin.
I'm wearing a long burgundy spaghetti straps ball gown. Medyo litaw ng kaonti yung cleavage ko dahil mababa ang neckline niyon. Alam ko naman na hindi magagalit si Andrei dito. Hindi naman kasi big deal sa kanya ang mga sinusuot ko as long as komportable daw ako. Nakasuot rin ako ng burgundy strap heels.
"Napakaganda mo talaga anak! Bagay rin sayo ang make-up mo. Litaw na litaw ang ganda mo."
Halos di makapaniwalang sabi ni mommy. Di ko alam kong maiinsulto ba ako sa reaksyon niya o matutuwa ba ako. Pakiramdam ko kasi kaya puring-puri niya ako ngayon dahil nagmukha akong tao.
"Hay naku mommy, matagal na po akong maganda. May make-up man o wala." Biro ko.
"Oo naman anak, syempre mana ka sa akin."
Napailing nalang ako talagang nanay ko nga siya. Malamang kakampihan niya talaga ako. Bigla namang tumunog ang door bell namin kaya parehas na napadako ang tingin namin sa pintuan.
"Mukhang si Andrei na yata yan anak! Teka at pagbubuksan ko siya ng pinto!"
Iniwan ako ni mommy na tila sobrang excited na makita si Andrei. Ang bilis niya kasing nakarating sa pintuan namin. Sumimangot ako. Dati pa man ay gustung-gusto na niya ang boyfriend ko mas lalo lang lumala iyon ngayon.
Pagkabukas ng pinto ni mommy. Iniluwa kaagad niyon si Andrei na gwapung-gwapo sa kanyang black three-piece suit na may kulay burgundy na necktie. Natawa ako bigla. Hindi naman kami nag-usap at hindi rin niya alam kung anong kulay ang susuotin ko pero para bang pinagplanuhan namin iyon kahit hindi naman talaga. Hindi na ako magtataka alam kong may spy siya dito sa loob ng bahay. Nakahawi rin sa gilid ang buhok niya na natitiyak kung nilagyan pa niya iyon ng mamahalin niyang hair wax. May hawak rin siyang bouquet of pink roses. Amoy na amoy ko ang bango niyon hanggang dito sa pwesto ko. Nakatayo lang ako sa may gilid ng sofa namin at nakahawak sa maliit kong white na pouch. Mukha akong maamong tuta na nakatingin lang sa amo niya.
Napadako naman ang tingin niya sakin kaya kimi akong ngumiti sa kanya. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang hawak niyang bulaklak.
"Thank you."
BINABASA MO ANG
DIMPLES 1: Guitar Hearthrob
RomanceVenus Shirina Acosta is a girl with everything except for one thing, a father. Kaya naman mailap talaga siya sa mga kalalakihan dahil sa ginawang pag-iwan ng kanyang ama sa kanila. Nakontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya niya sa ka...